Chapter 48

3.6K 28 0
                                    


  Kanina pa nagdo-door bell si Yashi at wala paring nagbubukas ng pintuan ng kabahayan, kaya sa may likod nalang siya dumaan, sa kitchen part. Nagulat pa ang katulong nila nang makita siya.

  "Yashi!!" Gulat na gulat na tawag nito sa pangalan niya habang pinapaliit ang volume ng radyo. Kaya pala di siya naririnig dahil nakikinig pala ito ng lumang kanta.

  "Hello! Musta po kayo manang?" Nginitian niya ang babaeng nanlalaki ang mga mata sa kanya.

  "Uhm. Mabuti naman ako iha. Muntik na kitang hindi makilala Yashi. Dalagang dalaga ka na.." Shocked na sabi nito at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa.

  "Ahehehe. Isang taon at kalahati na poh kasi ako di nakakauwi rito. Wala po ba sina Mom? Kanina pa ako sa labas eh, walang sumasagot sakin." Pumasok na siya sa loob ng kabahayan. Napapakamot naman sa ulo ang katulong na sumunod sa kanya.

  "Pasensya na po." Nahihiyang turan ng katulong.

Pagdating nila sa taas ay agad niyang tinungo ang kwarto niya.

  "Manang, bakit naka-lock poh tong kuwarto ko?" Naitanong niya ng pihitin ang siradura ng pinto at ayaw bumukas.

  "Ay, oo nga pala. Binigay sakin ni Ma'am Yasmin ang susi pero pinagbawalan naman akong buksan. Sandali lang iha, kukunin ko lang ang susi.." Sabi nito at tumalikod na. Di nagtagal ay bumalik narin ito.

  "Ako na iha ang magbubukas." Bulontaryo ng may edad na babae at agad na binuksan ang pinto ng kuwarto niya. Ito narin ang nag-switch ng ilaw.

  "Goodness!!" Sabi ni Yashi ng mabuksan ang elaw at tumambad sa kanya ang itsura ng kuwarto niya. Napasinghap naman ang babaeng kasama at napatulala sa loob ng kuwarto niya.

  "Manang, ano po ba ang nangyayari rito? Maayos naman po ito nung ewan ko ah." Di makapaniwalang sabi niya. Puno ng kalat ang buong kuwarto niya. May mga basag na picture frame, flower vase, figurine, at ibang gamit niya na sinadyang ikalat at pagpirapirasuhin. Unti-unti siyang nanghina ng mapatingin sa mga Teddy Bear. Ulo lang ng mga ito ang natira at yong katawan naman ay nagkalat ang mga cotton wool nito sa sahig.

  "Iha, wag ka muna pumasok baka matapakan mo ang mga bubog sa loob." Pigil sa kanya ng di makapaniwalang katulong ng akmang papasok na siya.

  "Umm. Sige, pakilinis po muna Manang." Sang-ayon niya tsaka humakbang paatras. Pero nagitla siya nang may tumamang matalim na bagay sa kanyang kaliwang baywang.

  "Agghh!" Tanging nasambit niya.

  "You whore! Bumalik ka pa talaga ha?! Puwes, katapusan mo na!" Gigil na gigil na boses ng ate Yasmin niya ang narinig niya mula sa kanyang likod. Agad niyang naramdaman ang pagkirot ng kanyang tagiliran ng hugutin ng dalaga ang patalim. Napatili ang katulong ng pumulandit ang dugo galing sa tagiliran niya ng matanggal ang patalim. Dahil sa sobrang pagka-shock ay di na siya nakagalaw.

  "Mahabaging langit! Ma'am Yasmin?" Akmang lalapitan siya ng may edad na babae pero napatigil din nang iumang ng kanyang ate rito ang hawak na patalim. Tumutulo pa ang dugo sa kamay nito at kutsilyo habang nasa ere ito.

  "Subukan mo lang lumapit at makikita mo." Banta ng dalaga.

  "A-ate..." Saad niya ng lingunin niya ang kanyang ate.

  "Wag mo akong tawaging ate! Wala akong kapatid na sakim! Mang-aagaw!" Parang kulog na sigaw ng ate niya. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari at nakikita niya. Lalong pumayat ang ate Yasmin at pumutla rin ang balat nito. Kung di lang siguro makapal ang make-up ng dalaga ay mapagkakamalang isa itong white lady.

  "B-bakit poh?" Naguguluhang tanong niya. Tinakpan niya ng palad ang patuloy parin sa pagdugong tagiliran niya.

  "Bakit?! Gusto ko lang naman burahin sa mundo ang magaling, mabait, matalino, hinahangaan, minamahal at bukambibig ng lahat na si Yashi. Kahit siguro nakaupo ka lang sa isang tabi, ang dami ng magmamahal sayo eh! Samantalang ako, kahit ano'ng gawin ko, dini-deadma lang ako! Bakit Yashi? Ano ba'ng special sayo? Pareho lang naman tayong babae, maganda rin naman ako. Mas maputi nga ako sayo tingnan mo!" Sabay pakita nito ng maputlang balat. Nababasa na ng luha ang make-up nito habang nagsisigaw.

  "Pero bakit?! Bakit?!" Biglang nanlisik ang mga mata ng dalaga at akmang sasaksakin na naman siya nang sumigaw rin ang Mama nila sa kung saan.

  "Yasmin! Maawa ka sa kapatid mo.. Wala siyang ginagawang masama sayo.." Pakiusap ng ginang, lumapit ito sa kanila. Napasinghap ang Mama nila nang makita ang tumutulong dugo sa baywang niya.

  "Baby Yashi, oh my god! May tama ka.. Oh my god.. Ano'ng ginawa mo Yasmin?" Tuluyan ng nataranta ang ginang ng makita ang mukha niyang nagsisimula ng mamutla at pagpawisan ng malamig. Pakiramdam niya malapit na siyang mag-collapse.

  "Huh! Baby Yashi my ass! Pwe!! Inakit nang babaeng yan ang asawa mo Mommy! Inagaw niya sakin si Alvin! Mang-aagaw ang babaeng yan!" Naghalo na ang luha at makapal na eye liner ng dalaga kaya nagmukha na itong nakakatakot.

  "Tingnan lang natin kung matatawag mo pa siyang baby pag pinugutan ko na yan ng ulo! Ahahahaha!" Nakakapangilabot ang mga halakhak ng ate niya.

  "Mom!" Tanging nasabi niya nang sunggaban ng ginang ang panganay na anak at makipag-agawan sa kanyang ate. Hanggang sa nagpagulong-gulong sila sa sahig sa tapat ng kuwarto niya. Sinusubukan agawin ng Mama nila ang patalim na hawak ng dalagang nakakatakot ng tingnan.

"Ahhh!! Hindi! Papatayin ko ang malanding yan!!" Nagsisigaw na turan ni Yasmin, mas lalo pang hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kutsilyo.

  "No! Patayin mo muna ako Yasmin!" Sigaw rin Mama nila sa dalagang nawawala na sa sarili. Lalong nanlisik ang mga mata ng ate niya.

  "Ahhh!!" Galit na galit na nilingon siya ng dalaga.

Hahakbang sana si Yashi nang bigla siyang makaramdam ng pagkahilo.

  "Mom.." Halos hangin lang ang lumabas sa bibig niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay...

"Untamed Passion"Where stories live. Discover now