Chapter 35

4.3K 28 0
                                    


  "I have my one and only son, hija. But because of selfishness at mga pagkakamali. Nagkahiwalay kami, l mean iniwan ko siya sa Daddy niya. Kaya hanggang pagtanaw at pagtitig lang sa mga picture niya ang tanging nagagawa ko pag miss na miss ko na siya." Di namamalayang napaluha narin ang doktora. Naalala siguro ang nag-iisang anak.

  "Ahm, Doc, payag na poh ako. Wag na poh kayong malungkot, siguradong magmamana sa tatay ang baby ko, napakakulit at napakapilyo." Nangingiti naring sambit niya. Nagpunas ng luha ang ginang tsaka ginagap ang mga kamay niya at pinisil.

  "Aalagaan kong mabuti ang bata, iha. Maraming salamat sa pagpayag mo." Nakangiti na rin ito sa kanya.

  "Ako nga poh dapat magpasalamat sayo Doc eh. Mabibigyan ng pagkakataong mabuhay ang anak namin ni kuya." Hayag niya rito.

  "Kuya mo ang tatay ng baby?" Namamanghang tanong ng doktora.

  "Ay hindi poh. Kuya poh tawag ko sa kanya kasi matanda siya ng twelve years sakin." Agad niyang sabi.

  "Ah, so he's twenty seven then? Ka-age ng anak ko."

"Ah, so he's twenty seven then? Ka-age ng anak ko." Tipid na ngumiti ang doktora.

"Talaga poh? Ano po'ng pangalan ng anak niyo Doc?" Curious namang tanong ni Yashi.

"Si -" naputol ang sagot ng ginang ng tumunog ang phone ng dalagita.

"Ahm, sagutin ko lang poh Doc ah?" Paalam niya at sinagot ang tawag.

"Yashi! Ahm, nauna na nga pala akong umalis kasi nagkita kami ni Ate. Okay lang ba?" Si Anne ang nasa kabilang Linya.

"Ah, okay lang. Sige, ingat!" Sabi nalang niya. Mas gusto pa niya yon, baka kasi magtagal siya don.

"Pero tika, ano'ng nangyari sa check up mo?" Tanong nito sa kanya.

"Ahm, my dysmenorrhea lang pala ako kaya laging sumasakit tyan ko." Ngiwing sagot niya sa kabilang linya.

"Ganun ba? Ang takaw mo kasi, kung ano ano kinakain mo, hehehe." Natatawang saad nito.

"Wow. Nagsalita ang nagnakaw ng chocolate ko, hmp!" Ganti niya rito. Tawa lang ang isinagot ng kaibigan tsaka pinutol ang linya

"Ahm, Doc. Alis na poh ako." Paalam niya sa ginang.

"Itsi-check muna kita iha tsaka bibigyan narin ng vitamins. And I'll tell some don't and do for a pregnant, lalo ka na iha. Ang bata mo pa. Wag kang careless ha? Ingatan mo ang baby." Concern nitong paalala sa kanya habang nagsusulat ng kung ano sa isang papel.

Pagkatapos ng check up niya ay binigyan siya ng doktora ng mga vitamin. Buti naman at healthy daw ang pagbubuntis niya. Nagpalitan sila ng numbers pagkatapos ay inihatid na siya nito sa sakayan ng bus pauwi sa kanila.

Kahit papaano ay guminhawa ang pakiramdam ni Yashi pagkagaling kay Doktora. May tutulong na sa kanya, nailigtas pa niya pareho ang anak niya at si Alvin.

*************

AFTER TWO MONTHS...

"Congratulations baby! I'm so proud of you anak." Matamis ang ngiting niyakap ng Mama ni Yashi ang dalagita. Katatapos lang ng graduation ceremony nila at umakyat siya sa stage with a flying colors!

"Ekaw na Yashi ang valedictorian! Congrats.." Ate naman niya ang yumakap sa kanya. Naluluhang gumanti siya ng yakap rito at nakisali narin ang Mama nila.

"Group hug!" Sigaw niya. Sobrang saya niya, sa wakas naka-survive siya ng dalawang buwan na tinatago ang sitwasyon niya. Nagdahilan nalang siyang focus siya masyado sa huling buwan ng high school days niya kaya di na siya sumasabay sa Mama nila at Ate niya.

"Pwede bang sumali sa group hug niyo?" Biglang sumulpot si Alvin sa kung saan.

"Kuya!" Kumalas siya sa group hug at niyakap ang binata. Alam ng Mama nila ang panliligaw kuno ng binata sa kanya.

"Grabi sweetheart. Ang taba mo na ah. Tingnan mo may bilbil ka na oh!" Tukso ni Alvin kay Yashi habang yakap-yakap siya nito. Kinakabahang kumalas siya sa pagkakayakap rito.

"Gusto ko pong tumaba kuya." Nakangusong sabi niya.

"Kahit magmukha ka pang dabyana sweetheart, ekaw parin ang pinaka magandang babae sa paningin ko." Sabi nitong nakataas ang sulok ng labi.

"Talaga lang kuya ha? Magpapa-sexy ako after... I mean pag magka-college na ako. Makikita mo kuya, tutulo laway mo." Sakay narin niya sa binata. Lagi nalang kasi nito napapansin ang biglaang pagtaba niya pati daw ang bilbil niya. Anong bilbil? Baka baby. Ngalingali niyang maisagot rito.

"Sweetheart, lagi naman tulo laway ko sayo ah. Kaya nga nagtataka ako kung bat di mo na ako pinagbibigyan these past few weeks. Lagi tuloy akong nagsasarili." Bulong nito sa tainga niya. Namula naman ang mga pisngi niya dahil sa sinabi ng binata.

Kung alam lang nito ang ginagawa niyang pagpipigil sa sarili. Lalo na ngayong buntis siya, mas lumala ang sex hormones niya. Simula ng magsimulang umumbok ang tiyan niya ay iniiwasan na niya ang mga intimate moment nila ni Alvin. Baka makahalata kasi ito, sobra pa naman ang kamay at dila nitong manggalugad sa buong katawan niya. Wala talagang pinapalampas ang lalaki pag nagtatalik sila.

"Untamed Passion"Where stories live. Discover now