Chapter 37

3.9K 23 0
                                    


Pagkarating sa bahay nina Yashi ay di na nag-abala si Alvin na pagbuksan siya ng pinto ng kotse. Halatang galit ang binata sa dalagita. Ni hindi man lang siya nakagpaalam rito at umalis na agad ang lalaki. Pinaharurot ang kotse nito paalis.

  "Hayy.. I'm sorry talaga kuya. Grabi, hindi man lang kita nahalikan.." Hinabol niya ng tingin ang papalayong kotse ni Alvin.

  "Hoi Yashi, pumasok ka na at may bisita ka sa loob." Boses ng Ate niya ang nagpalingon sa kanya.

  "Bisita? Sino poh?" Takang tanong niya, pumasok narin siya sa loob ng bahay nila.

  "Kuya Jet!" Nagulat siya ng mabungaran sa sala si Jet. Mukhang kanina pa ito naghihintay sa kanya. Agad itong tumayo pagkakita sa kanya.

  "Yashi! Wow, nakaka-proud ka naman.. Congratulations Ms. Valedictorian!" Bati nito sabay yakap sa kanya.

  "Thanks kuya." Pilit niyang pinasigla ang boses niya.

  "Oh, bat ganyan ang mukha mo? Para kang namatayan Yashi. What's wrong?" Tanong ni Jet nang mapagmasdan ang itsura niya.

  "Si kuya kasi.." Nakangusong sagot niya rito.

  "Ahuh. Napapansin ko rin kay bro, palaging malalim ang iniisip eh. Laging tulala. Baka naman hindi mo na pinagbibigyan ang kapatid kong yon ha?" Tudyo sa kanya ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya tsaka nagpalingon-lingon sa paligid.

  "Oi kuya Jet. Wag po kayo maingay, marinig kayo ni Mom.." Bulong niya rito.

  "Oh. Sorry.." Sabi nito pero nakangisi parin.

  "Hm, may regalo pala ako sayo Yashi." Sabay abot nito sa isang mukhang CD na nakalapag sa Lamiseta at binigay sa kanya.

  "CD kuya? Para saan po to?" Curious niyang tanong tsaka binasa ang nakasulat sa cover ng CD.

  "My Confession." Basa ng dalagita sa title ng CD.

  "Ahm. Alis na ako Yashi. Wag mong kalimutan yong kasamang flowers at chocolates ha?" Nagpaalam na ang binata at binati siya ulit bago umalis na.

Napatingin siya sa mga bulaklak at chocolates.

  "Hayy.. Buti pa si kuya Jet, may regalo.." Malungkot niyang sambit sabay kuha sa regalo at umakyat na sa kanyang kwarto.

Pero napasinghap siya pagkapasok sa loob ng kwarto niya. Naitulos siya sa kinatatayuan habang pinagmamasdan ang buong room niya. Sa may kama ay may malalaking dalawang teddy bear, may hawak hawak ang mga itong maliit na tarpaulin. [Congratulations My Sweetheart Yashi!!] With full of hearts na design. Sa gitna ng giant Teddy bears ay, maliit na Teddy bear. May hawak itong red roses at heart-shaped na mukhang chocolat

Tinakbo ni Yashi ang kama at sabay sabay niyakap ang mga teddy bear. Nang matapakan ang maliit na teddy bear ay nag (I love you) ito. Namamanghang kinuha niya ang baby Teddy bear at pinisil ang tyan at nag (I love you) ulit ito.

  "Ayee! I love you so much kuya! The best ka talaga. Best lover na, the best kuya pa!!" Tili niya. Para siyang baliw habang nagtatalon sa kanyang kama. Napatigil lang siya ng maramdaman niyang kumirot ang puson niya.

  "Oh my gosh!! Naku baby, kapit ka lang dyan. Wag ka muna lumabas ha?" Nagpa-panic na hinagilap ang phone niya tsaka tinawagan ang doktora.

  "Do-Doc?" Nagsisimula nang manginig ang buong katawan niya ng maramdamang parang may lumabas sa kanya, at medyo masakit ang paglabas ng likidong iyon.

  "Yes iha? Napatawag ka?" Na-alarma din ang boses ng doktora sa kabilang linya.

  "Doc.. Ang sakit poh ng puson ko." Sumbong niya tsaka nagsimula nang humikbi.

  "Ano? Yashi, kalma ka lang. Hinga ng malalim tapos pakalmahin mo ang sarili mo.. Healthy ang baby okay?" Alo ng doktora kahit ramdam niya sa boses nito ang pagkabahala.

  "Doc, nagbi-bleeding na yata ako.." Patuloy parin sa paghikbing sambit niya.

  "Iha, lalo ka lang mai-stress sa pag-iyak at pagpa-panic mo. Nasaan ka ba? Sunduin kita sa may sakayan ng bus. Kaya mo bang maglakad?" Rinig niyang may mga nahuhulog sa kabilang linya, sign na nagmamadali si doktora.

  "Pipilitin ko poh.." Yon lang at nagmamadaling nagpalit siya ng damit at nagpahatid sa driver nila sa may sakayan ng bus. Hanggang sa makababa siya ng kotse ay takang-taka parin ang driver nila.

  "Salamat poh Manong!" Sambit niya tsaka nagmamadaling hinanap ang kotse ng doktora. Ito na yata ang pinaka matagal na twenty minutes sa tanang buhay niya. Para siyang nakakita ng anghel mula sa langit ng makita ang White nitong sasakyan. Dinalaw na siya nito minsan sa school nila gamit ang kotse ng doktora kaya kilalang-kilala niya na ito.

Sa mismong harap niya tumigil ang kotse at agad naman siyang sumakay pagkabukas ng pinto.

  "Yashi naman.. I told you to always take care of yourself, and the baby.. Baka masyado ka nang na-stress dahil sa dami ng problema mo." Bungad ni doktora, si Dr. Alliana May Gomez. 46 years old, separated at isang magaling na OB. At napakabait na Doctor...

  "Pasensya na poh Doc. Ang herap pala pagsabayin ang pregnancy at studies.. Dagdag pa ang pagtatago ko sa totoong kalagayan ko. Eh sino pong di mai-stress?" Naluluha na namang turan niya.

  Pinagpahinga lang muna sandali ni Dr. Alliana si Yashi sa loob ng kotse habang pabalik sila sa clinic ng doktora. Mas malapit ito kaysa sa pinagbo-volunteer-an nitong public hospital. Yes, ganun kabait si Dr. Alliana, may sariling private clinic pero nagagawa paring mag-volunteer sa mga public hospital para sa mga taong mahihirap.

"Untamed Passion"Where stories live. Discover now