Chapter 34

4.6K 29 0
                                    


  "Ekaw Ms. President ah! Bakit naghahanap ka ng hospital sa Manila eh merun naman dun satin." Kulit ng friend niya habang nakasakay sila ng bus papuntang Manila.

  "Ayaw ko dun Anne. Tsaka sekreto lang natin to ah." Aniya. Takang pinagmasdan siya ng babae.

  "Okay. Basta hindi tayo mapapahamak ah? Ako kinakabahan sayo eh. Tsaka bakit mugto yang mga mata mo?" Tanong nito.

  "Ano ka ba? Nag-away lang kami ni Ate kagabi." Sagot niya tsaka pumikit. Ayaw na niyang magpaliwanag pa. Lalong sumasakit ang ulo niya.

Sa isang public hospital sila bumaba ng friend niya, kunti lang kasi ang dala niyang pera. Pagkapasok nila ay agad niyang hinanap sa information desk kung saan niya matatagpuan ang OB room. Dere-deretso sila hanggang sa matagpuan nila ito, may nakapila pang dalawang buntis at isang bata.

Chapter 61

  "Next!" Sabi nung assistant ng OB sa loob ng room na pinilahan niya.

  "Oh, ekaw na friend." Pukaw ni Anne kay Yashi. Kanina pa kasi ito nakatulala habang hinihintay na matapos ang dalawang buntis.

  "Ahm. Oo nga pala. Dito ka nalang Anne ha?" Baling ng dalagita kay Anne.

  "Ha? Bakit? Puwede naman kitang samahan sa loob Ms. President." Takang tanong nito sa kanya.

  "Ahm, wag na friend. Nahihiya ako eh." Palusot niya.

  "Ayee! Nahahiya ka pa. Oh sige na, pumasok ka na." Pumayag narin ito.

Pagkapasok niya sa loob ay lalong nanlamig ang kanyang pakiramdam ng bumalot sa kanya ang lamig ng air-con.

  "Iha, ekaw ba ang magpapa-check up?" Tanong ng isang magandang babae. Mga nasa late 50s na ito, naka stethoscope at mukhang estrikta ang itsura.

  "O-opo." Bulol niyang wika tsaka lumapit siya rito. Nakakunot noong pinagmasdan siya ng doktora.

  "Ano'ng ipapa-check up mo miss?"

  "Yashi poh."

  "Hmm. Mukhang alam ko na ang problema mo iha." Saad nito. Punaupo muna siya nito sa patients chair, nasa harap ng lamesa nito.

  "Ms. Yvette, iwan mo muna kami." Utos ng doktora sa assistant nito. Agad naman lumabas ang babae.

  "How old are you, hija?" Simula ng doktora. Maigi siyang pinagmasdan.

  "Ahm, fifteen poh." Nakayukong sagot ng dalagita.

  "Sa pamumugto palang ng mga mata mo, parang nahuhulaan ko na ang problema mo. Tama ba ako, iha?" Naniningkit ang mga matang tanong nito sa kanya.

  "Ahm, Doktora.. Ano kasi, ahm.." Di malaman ang sasabihin na turan ni Yashi.

  "You want abortion?" Deretsahang sambit ng ginang, napaderetso upo niya sabay tingin rito.

  "So, I'm right. But first things first hija, alam mo bang galit ako sa mga babaeng nagpapa-abort ng baby? Hindi pala ninyo kayang panindigan yan, bakit kayo nagpapabuntis?" Seryosong sita nito, hindi naman mukhang galit ang doktora pero ewan niya kung bakit begla nanginig ang mga tuhod niya.

  "A-ano kasi.. Doc, ayaw ko pong mapahamak ang tatay ng bata. Sabi kasi ng Ate ko, pwede daw makasuhan ang tatay nitong pinagbubuntis ko ng rape.. Ayaw ko poh mangyari yon." Sabi ng dalagita at nagsimula nang umiyak.

  "Please poh Doktora, tulungan niyo poh ako. Promise ko poh, huli na poh to. Mag-iingat na poh kami sa susunod." Wala sa sariling sabi niya.

  "Napakabata mo pa iha. Pwede ngang makulong ang boyfriend mo. Ang tanong, alam ba niya ang tungkol sa pagbubuntis mo?"

  "Hi-hindi pa poh niya alam Doc.. Hindi niya poh pwedeng malaman. Kaya nagmamakaawa poh ako sa inyo, tulungan niyo na poh ako.." Humihikbing pakiusap niya sa Doktora. Lumambot naman ang mukha nito sabay hinga ng malalim.

  "Okay. I'll help you iha. But not the way you want it. Gusto kong kunin ang baby.. A baby is a blessing hija. Kayo talagang mga kabataan, hayy.." Napailing-iling na lang ito.

  "Doc, ano pong ibig ninyong sabihin? Itutuloy ko poh ang pagbubuntis ko?" Di makapaniwalang sambit niya. Pakiramdam niya ay gumuho ang mundo niya.

  "Yes, sweety. And I'm going to take care of you habang nagbubuntis ka." May ngiti sa mga labing sabi ng doktora sa kanya.

  "Pero papaano poh Doc? Nag-aaral pa ako eh. Tapos-"

  "I think malapit na ang closing time. Hindi yan mahahalata hanggang two and a half months basta wag kang magsusuot ng mga masisikip na damit." Suhestiyon ng ginang. Mukhang deteminadong makuha ang baby ng dalagita.

  "Sakin ka titira ng seven to eight months. Don't worry, kakausapin ko syempre ang parents mo. Sasabihin ko sa kanilang, I'm one of your favorite teacher at nagbabakasyon ka lang samin." Mukhang pinagplanuhang mabuting sabi ng doktora.

  "Eh Doc, matanong ko lang poh. Bakit ninyo poh ito ginagawa? Ahm, wala poh ba kayong anak?" Deretsahang tanong niya. Pero bigla ring pinagsisihin ang tanong ng makitang biglang lumungkot ang mukha ng ginang.

  "Naku, I'm sorry poh. Pasensya ka na poh sa bibig ko Doktora-"

"Untamed Passion"Where stories live. Discover now