Chapter 42

3.8K 35 0
                                    

"Hayy.. Nakakapagod talaga gumala." Sambit ni Yashi pagkalapag ng kanyang katawan sa kama. Buti nalang nakahabol pa siya sa entrance exam. Baka tinablan ng charm niya ang dean ng school kaya siya pinagbigyan. Oh baka pagkakita sa mga grades niya, ewan niya alin dun ang reason.

"Pasensya na mga baby kung medyo ginabi si Mommy. Antagal ko na kasing di nakita mga classmate ko lalo na si Anne. Oh, heto mga pasalubong niyo. Ilalagay ko lang dito sa tabi.." Sabi niya pagkalagay ng plastic bag sa gilid ng kama.

Ganito kasi arrangement nila sa kama, si Baby Blaze ang malapit sa headboard ng kama, sa gitna si Baby Miracle at siya naman ay sa paanan ng kama. Himbing na himbing ang kambal sa pagtulog. Matutulog narin sana siya ng makaramdam ng pagka-uhaw kaya bumaba siya para uminom ng tubig. Bumalik din siya agad sa kwartong inuukupa nila ng twins pero nasa bungad palang siya ng pinto ay bigla siyang kinabahan ng makitang nakapatay ang elaw.

"Tika, iniwan ko to kaninang nakasindi ang elaw." Sambit niya. Kahit kinakabahan ay kinapa niya ang switch ng elaw sa gilid ng pinto.

"Aaahhh!!" Napasigaw siya ng mabungaran ang isang lalaking balbas sarado, lampas hanggang liig nito ang makapal nitong balbas.

"Si-sino ka?!" Agad niyang dinampot ang flower vase na naka-display malapit sa kanya. Kahit nanginginig sa takot ay nilapitan niya ang mga anak niya dala ang flower vase. Biglang tumalikod ang lalaki sa kanya.

"Wag kang matakot miss, gusto ko lang makita ang mga bata." Sabi nito. Napakunot-noo siya dahil sa inakto ng intruder na lalaki. Tsaka ang boses into..

"Ano'ng kelangan mo sa mga anak ko? Balak mo ba silang kidnap-in?" Nanginig na ang boses niya. Isipin pa lang na may kukuha sa mga baby niya ay parang guguho na ang mundo niya.

"No. I'd just checked them. I'm going.." Sabi ng intruder at lumakad na ito patungo sa may pinto. Pero di pa nahahawakan ng lalaki ang seradura ng pinto ay bumungad sa kanila ang nagmamadaling doktora. Muntik pa magkabanggaan ang dalawa.

"Sino ka?!" Gulantang na sambit ng doktora. Nanlalaki ang mga mata nito dahil sa gulat.

"Mom!" Saad nung intruder. Parehong napanganga ang dalawang babae. Si Yashi, sa pagkamangha dahil tinawag nung lalaki si doktora na Mom. Ang inaka niyang kidnapper ay kilala ng Mommy Doc niya. Si Dr. Alliana naman ay magkahalong pagkagulat at ... Longingness ang makikita sa mukha nito.

"Anak?" Tanging nasambit ng babae habang tulala itong nakatitig sa lalaking may makapal na balbas.

"Hi po!" Napapakamot sa ulo na sabi ng lalaki.

"Alvin..." Naluluhang niyakap ng babae ang intruder na lalaki. Alanganin namang gumanti ng yakap ang binata.

"Mom, tahan na." Alo ng lalaki ng biglang humagulhol ng iyak ang doktora.

"Ba-bakit ganyan na na-naging itsura mo.. A-ano'ng nangyari sayo?" Paputol-putol na tanong ng doktora habang yakap-yakap parin ang lalaki.

"Ano ba yan Mom? Akala ko pa naman kaya kayo umiiyak dahil namiss mo ko. Yon pala dahil lang sa itsura ko." Reklamo ng lalaki. Napaaray ito ng batukan ng babae sa may likod.

"Ouch Mom! I miss you po kahit hindi halata, hehehe." Sagot ng lalaki.
Samantala, nakanganga at nakatulala si Yashi habang pinapanood ang dalawa. Tumikhim siya at nagpapansin sa dalawa, mukha kasing nakalimutan siya ng mga ito.

"Ahm, Hello po! Andi pa poh ako Mommy Doc. Anak niyo pala ang balbas saradong lalaking yan." Sabi niya sabay turo sa lalaking na-side view sa kanya. Kumalas naman sa pagkakayap ang dalawa at sabay siyang nilingon. Para siyang nakakita ng multo ng mapagmasdang mabuti ang mukha ng lalaki.

"Ku-kuya?!" Nanlalaki ang mga matang sambit niya. Ang doktora naman ang napasinghap ng tawagin niyang kuya ang anak nito.

"You know each other?" Gulantang na tanong ng doktora sa kanila ng anak nito.

"Ahm, Mommy Doc.. Ganito kasi yon.."

"Yes Mom. Ako po ang Daddy ng mga bata." Deretsahang sagot ng binata.

"Huh? Papaano? Tsaka bakit ganyan ang itsura mo ha Alvin?" Sermon ng doktora ng mapatingin na naman sa mukha ng anak.

"Mom, ganito rin po si Matt Evans, ginagaya ko lang poh, hehehe." Nakangiwing saad ng binata.

"Alvin.." Pinandilatan siya ng mata ng doktora.

"Ahm, busy lang po masyado sa work. Tika, ganun na ba ako kapangit?" Kinapa narin nito ang mukha.

"Kuya..." Parang batang tawag niya sa binata. Hindi napaghandaan ng lalaki ang bigla niyang pagtalon at pagdamba sa lalaki. Napasinghap ang doktora sa ginawa niya.

"Waahhh!! Ekaw nga kuya!" Tili niya ng tuluyang mayakap ang binata.

"Sweetheart.." Halos pabulong nitong tawag din sa kanya. Niyakap narin siya nito ng mas mahigpit.

"I missed you sweetheart." Bulong ng lalaki sa kanya habang panay ang halik sa buhok niya.

"Kuya.. Akala ko nakalimutan mo na ako. Akala ko ipinagpalit mo na ako. Akala ko-"

"I love you Yashi. I love you so much.." Putol nito sa iba niyang akala.

"Hindi ka po galit sakin kuya? Sorry talaga.. Naglihim ako sayo kuya... Please forgive me kuya.." Humiwalay siya ng kunti para mapagmasdan ang mukha ng lalaki.

"I should be the one asking for forgiveness sweetheart. I stole your youth, I stole your freedom.. Kelangan mo pang lumayas coz you thought you can protect me by hiding our babies. I'm so sorry sweetheart.." Naluluhang confessed ni Alvin sa kanya. Napapangiting inabot niya ang mga labi nito tsaka agresibong siniil ng halik ang lalaki.

"Untamed Passion"Where stories live. Discover now