Chapter 55

3.8K 27 0
                                    


  "Oh, bat ganyan mga mukha niyo?" Salubong ni Mrs. Villanueva kina Yashi at Alvin. Sa may library ito dumeretso pagkalabas nito sa dalawang bata. Pati mga bata ay na-shock sa nasaksihan ng mga ito.

  "Bitin na bitin ba mga anak?"

  "Ah, eh.. Kala ko poh Mom bukas niyo pa isusuli ang mga anak ko." Nakangiwing sagot ni Yashi tsaka marahang umupo sa katapat na selya ng mama niya.

  "Aba, kung pwede nga lang sakin na ang mga apo ako. Pero biglang tumawag si Manang at sinabing nagtangka daw magpakamatay si Yasmin." Hayag ng ginang. Naalarma naman siya sa sinabi ng Mama niya.

  "Ano po'ng nangyari Mom?" Nag-aalalang wika niya. Tumabi naman si Alvin sa kanya.

  "Dinala na namin siya sa hospital. Inatake na naman pala ng depression niya." Napabuntong-hininga ang ginang tsaka napailing-iling.

  "Mom..."

  "Ako.. Kasalanan ko lahat anak. Sa kanya ko ibinunton lahat ng galit ko sa ama niya..." Naluluhang saad ng mama niya habang nakatungo.

  "Ano po ang ibig sabihin nun Mom?"

  "Yasmin was a product of rape anak. Ginahasa ako ng ama niya isang araw na naglasing ako dahil sa away namin ng Papa mo.. Ayaw ko pa kasi magbuntis, kaya nung malaman niyang nagbunga ang karahasan ng ama ni Yasmin.. Tuluyan nang nagalit sakin ang Papa mo."

  "Lumipat siya ng kwarto simula nung ipinagbuntis ko si Yasmin.. Kaya nga ang layo ng agwat niyong dalawa. Nagkabati lang kami ng Papa mo nung magkasakit siya..." Sumisigok na kwento ng ginang.

  "Kaya pala ganun si Papa kay ate.." Nasabi nalang niya. Simula kasi pagkabata, hindi niya nakitang nilambing ng Papa niya si Yasmin. Ignored lagi ang presensya ng ate niya.

  "Yasmin was broken Tita. Since childhood namamalimos na siya ng pagmamahal ng isang pamilya.." Sabi ni Alvin. Mapait siyang napangiti.

  "Pumayag naman siyang magpagamot sa Mental Hospital.. Sa isang condition.." Pagpapatuloy ng ginang. Napatuwid naman siya ng upo.

  "Hindi tatanggap ng bisita si Yasmin during her treatment. Ayaw niyang makitang kinakaawaan siya.."

  "Nauunawaan ko si ate.."

  "Sweetheart..." Alo naman ng nobyo sa kanya. Ginagap nito ang palad niya tsaka pinisil.

  "Yasmin is a strong woman.. Hayaan niyo na kung ano ang gusto niya. Ang importante pumayag na siyang magpagamot.

  "Tama. Let's just pray para sa tuluyang paggaling ni ate.." Sang-ayon niya sa nobyo. Humilig siya sa balikat nito.

  "Eh kayo, kumusta naman ang pagkabitin ninyong dalawa?" Di inaasahan tanong ng mama niya. Napatuwid ulit siya ng upo.

  "Mom naman eh.." Namumulang wika niya.

  "Aba, marunong ka pala mahiya. Ugaliin niyo kasing mg-lock ng pinto bago magbanatan.. Pati mga bata nakakita ng porn at live na live pa.." Deretsahang sermon ng ginang.

  "Di naman poh yon maiitindihan ng mga bata.." Sabi niya.

  "Ayon, kahit mga bata yan wag niyo sanayin makakita ng ganun. Kaya siguro ayaw na dumide sayo ang mga apo ko kasi nakikita nilang nakiki-share ang ama nila."

  "Mom naman eh!" Hiyang-hiya siya sa Mama niya.

  "Nahiya pa.. Tingnan mo nga si Alvin at kanina pa nangingiti. Pinagtatawanan ka anak." Sabi pa nito. Nilingon niya naman ang nobyo at totoong pinipigilan nitong matawa ng tuluyan.

  "Ouch! Sweetheart, hindi kinukurot yan." Reklamo nito ng kurutin niya ang nobyo.

  "Mangungurot ka pa anak, sa umbok pa talaga." Nanunudyong sabi ng ginang.

  "Sori, hindi ako nakatingin eh. He he."

  "Oh, siya. I have to go. May aasikasuhin pa ako sa hospital.." Paalam ng mama niya sabay tumayo na ito.

  "Sasama na po ako Mom." Tumayo narin siya.

  "Wag na anak. Ako na'ng bahala. Mas mabuti siguro kung di muna kayo magkikita. Ipagpatuloy niyo na lang kung ano man ang naputol namin kanina." Nangingiting biro nito.

  "We will Tita. Pag tulog na ang mga bata." Pakikisabay naman ng nobyo niya tsaka tumayo rin ito. Hinatid nila ang Mama niya sa may hagdan.

  "Sige na anak. Babies pa-kiss si lola." Sabi ng ginang tsaka isa isang hinalikan sa magkabilang pisngi ang mga bata.

  "Ingat Mom." Sabi niya pagkatapos humalik sa pisngi ng ginang. Tinanguan lang ng nobyo ang Mama niya tsaka ito tuluyang bumaba at umalis.

  "Mga anak, oras na ng pagtulog niyo." Sabi ni Alvin sa mga anak nila.

   "Ang aga pa Kuya-hubby." Nangingiting sabi niya.

  "Bitin na bitin ako sweetheart. Gusto mo bang maging audience itong mga anak mo?" Asar na saad nito.

  "Oh, eh di patulugin mo na sila." Nangingiting saad niya tsaka pumasok sa kwarto nilang magnobyo...

"Untamed Passion"Where stories live. Discover now