Chapter 50

3.6K 29 0
                                    


Hospital part 2 ;

  "How are you anak? Nagugutom ka ba? May masakit ba sayo?" Nag-alalang tanong ng Mama ni Yashi.

  "Mom, I'm fine. Nauuhaw lang ako.." Nanunuyo ang lalamunan na wika niya. Agad naman siyang binigyan ni Alvin ng isang basong tubig.

  "Thanks, kuya.." Pasalamat niya pagkaabot sa baso.

  "Ako na sweetheart." Akmang paiinumin siya ng binata ng tumikhim ang ginang.

  "Ako na kuya." Sabi niya at dahan dahang nilagok ang tubig. Kahit papaano ay guminhawa ang kanyang pakiramdam pagkatapos. Umupo naman ang dalawa sa magkabilang side niya sa may hospital bed.

  "Kuya, ang mga baby ko?" Bigla niya nasambit ng maalala ang twins niya.

  "Uhm..." Natigilan ang binata ng mapatingin sa Mama niya. Nagsalubong naman ang mga kilay ng ginang.

  "Ah! Mga ano, mga pusang inaalagaan ko." Napapalunok na sabi niya. Ngiwing napatingin siya sa dalawa, ang Mama niyang naniningkit ang mga mata at si Alvin na mukhang di mapakali.

  "At kelan ka pa nahilig sa pusa, anak?" Takang tanong ng ginang.

  "Uhm. Mga pusa ni Doktora hehe."

  "They're doing fine naman sweetheart. Wag ka na mag-alala at magpagaling ka nalang." Nakangiting sabi na nobyo sa kanya.

  "Okay na ako kuya, Mom.. Gusto ko na pong umuwi, namimiss ko na ang kambal.. Tika, elang days na ba ako rito sa hospital?" Di niya napigilang tanong.

  "Anong kambal anak?" Pinagmasdan siyang mabuti ng ginang habang hinihintay ang sagot niya.

  "Sweetheart, three days ka nang walang malay. Mababaw lang daw ang sugat mo pero dahil sa shock ay umabot ng elang araw.." Agap ni Alvin.

  "Eh si ate? Ano'ng nangyari sa kanya?" Natanong niya, bigla niyang naalala ang itsura nito bago siya mawalan ng malay.
Napapikit at napatiim-bagang si Alvin pagakabanggit sa ate niya.

  "Anak, yong nangyari.. Tsaka mo na isipin pag magaling ka na. Nasa bahay si Yasmin at nagkukulong sa kuwarto niya."

  "I don't know why you're still keeping her in your house Tita. Dapat nasa mental hospital na siya para maipagamot. Lalong lalala ang sakit ni Yasmin habang tumatagal.." Di napigilang burst out ng lalaki sa kanyang Mama.

  " Alam ko ang ginagawa ko-"

  "No Tita. Matagal ng may sakit si Yasmin, at hindi lang ang pagka-psycho niya ang dapat gamutin sa kanya. Your daughter is a nymphomaniac.. At merun pa po, may depression si Yasmin. Sinasaktan niya ang sarili niya. Tita, nasa iisang bahay lang po kayo pero bakit wala kayong kaalam alam sa nangyayari sa kanya? You're a parent, a Mom.. Dapat kayo poh ang kauna-unahang makakaalam sa karamdaman ng mga anak ninyo, specially your eldest daughter.."

Nasinghap ang ginang at sandaling hindi nakapagsalita.

  "Uhm. Hindi ako makapaniwala... Mom, kelan pa nagsimula maging bayolente si ate?"

  "Could you please stop calling her Ate Yash? Muntikan ka na nga niyang patayin eh!" Medyo tumaas ang boses ng lalaki.

  "Wag mong sigawan ang anak ko!" Tumaas narin ang boses ng Mama niya kay Alvin. Napapikit naman ang binata.

  "Sorry Tita. Nakaka-frustrate lang kasi tong nangyari. Hindi ko alam ang pwedeng mangyari kung may masamang nangyari kay Yash. But for sure I'll kill your psycho  daughter with my own hands." Tiim-bagang na sabi ng nobyo niya, sumungaw sa mga mata nito ang nagbabantang mga luha pero agad din pinalis yon ng binata.

Napanganga naman ang ginang habang nakatingin sa lalaki.

  "Kuya, Mom? Gusto ko na po umuwi..." Putol niya sa nagsisimulang tensyon sa pagitan ng Mama at nobyo niya. Napabuntong-hininga ang Mama niya tska siya hinaplos sa kaliwang pisngi.

  "Are you sure anak? Kaya mo na?" Worried na tanong nito sa kanya, pero mababanaag ang pagkabalisa sa mukha ng ginang.

  "Sa bahay nalang ako magpapagaling, Mom." Pinal niyang sabi sa kanyang Mama. Siya ang nasasaktan sa sinapit ni Yasmin. Parang ayaw tanggapin ng utak niya na ganun pala ang nangyayari sa mahal niyang Ate.. Nagawa siya nitong saktan..

Walang nagawa ang Mama niya nang ang binata na ang nag-asikaso ng bill niya at pagkatapos lumabas na sila ng hospital...

Pero di parin matanggal sa isipin ni Mrs. Lucille Villanueva ang mga binitiwang salita sa kanya ni Alvin.. Pati na ang sinabi ni Yashi na 'kambal'..

"Untamed Passion"Where stories live. Discover now