Chapter 52

3.5K 33 0
                                    


  "Alam mo namang over protected ako sayo pero never ko pang hinadlangan ang kaligayahan mo anak.. Kung ipinagtapat mo sana... Pilit kong iitindihin. Andyan na yan eh.. Sino ba ang di dumaan sa ganyan pag sobrang in love?" Sumisinghot na sabi ng Mama niya habang panay ang punas ng luha sa mag pisngi nito. Parang dinudurog ang puso niya, isang beses lang niya nakita ang ina na nagkaganito. It was her father's death.

  "Mom.. Sorry na po.." Lambing niya tsaka lumapit sa ginang. Tumabi siya sa tabi nito at niyakap patagilid ang ina.

  "Ano'ng nangyayari rito?" Tinig ni Dra. Alliana ang nagpalingon sa kanila sa may entrance ng malaking bahay. Kapapasok lang nito sa loob at deretso sa may sala.

  "Mommy Doc!" Napatayo siya pagkakita sa doktora.

  "At may iba ka na palang Mommy." Sita ng Mama niya.

  "Mom naman.. Siya po ang nag-alaga sakin sa loob ng labing isang taon. Tsaka magiging Mommy ko na rin po siya pag kinasal kami ni kuya.." Kumislap ang mga mata niya pagkabanggit sa kasal. Pero agad ding naglaho ng tingnan siya ng ina ng nanunumbat na tingin.

  "Sorry po Mom." Kinagat niya ang lower lip niya at nanahimik na. Tumikhim ang doktora na nakalapit na pala sa kanila. Umupo ito sa tapat ng Mama niya.

  "Mrs. Villanueva, sa murang edad ni Yashi. Alam mo namang may pagka immature siya. Kung ano'ng maisip, agad na ginagawa. Walang preno magsalita eh.. Pero kahit ganun ang anak mo, napamahal na siya sakin.." Hayag ng doktora sabay tingin sa kanya.

  "Parang tunay na anak na ang turing ko sa kanya..." Patuloy nito.

  "Mommy Doc..." Sambit niya at di napigilang humikbi. Napaamang ang Mama niya dahil sa inakto niya.

  "Nahihiya ako sa inyo Doktora. Ikaw pa ang tumugon sa rensposibilidad ko kay Yashi.. Napakabuti mo.. Kaya siguro napalapit na ang loob sayo ng anak ko." Nangingilid na naman ang luha sa mata ng Mama niya.. Parang may nahimigan siyang selos sa tinig ng Mama niya.

  "Mom naman eh.. Syempre po, kayo parin ang number one na Mom ko.. At pangalawa si Mommy Doc!" Lambing niya sa ina sabay napapalakpak. Napailing-iling lang ang doktora sa tinuran niya.

  Napangiti ang Mama ni Yashi sa paglalambing ng anak.

  "Mom galit ka po ba sakin?" Tanong niya sa ina. Huminga ito ng malalim tsaka tinuyo ng palad ang basang pisngi.

  "Gusto kong makita ang mga apo ko." Imbes ay sagot ng ginang.

   "Mom?"

  "Dalhin mo sakin ang mga apo ko." Utos ng ginang pero di pa siya nakakahuma sa utos nito ay sumulpot sa kung saan si Alvin at ang twins na kargakarga nito sa mgkabilang braso. Binaba ng binata ang batang lalaki at tumakbo si Baby Blaze sa gawi nila.

  "Mi-mi!" Nakaumang na ang dalawang kamay ng bata at nagpapabuhat sa kanya.

  "Baby Blaze, di ka pa pwedeng buhatin ni Mommy mo." Agap ng binata. Pumantay siya sa anak na nagpapabuhat at niyakap at hinagkan sa ulo.

  "Babies, andito si grandmama ninyo." Anunsiyo niya sa mga bata. Pero nabigla siya ng biglang agawin ng Mama niya ang batang yakap-yakap pa niya.

  "Kay guwapong bata... Kamukhang-kamukha ng namayapang lolo nila anak." Nasabi ng ginang habang titig na titig sa mukha ng batang lalaki. Tama ang Mama niya, habang lumalaki ang bata ay mas nagiging kamukha ng Papa niya.

  Si Baby Miracle naman ay kay Alvin nagmana. Dark blue eyes din ang batang babae, pati labi nito ay katulad ng sa nobyo niya. Full red lips.

  "Lola.." Sambit ni baby Blaze habang pinagmamasdan din ang lola nito. Napamaang naman ang ginang sa bata.

  "Lola.." Ulit ng bata tsaka humagikhik.

  "Apo ko.." Tanging nasabi ng mama niya at niyakap ang bata ng mahigpit. Naluluhang punugpog nito ng halik ang anak niya. Nang lingunin niya si Alvin at ang Mommy nito ay parehong nangingilid ang luha sa mga mata ng mga ito. Bumaba naman ang batang babae at nakiyakap narin sa maglola.

  Sa sobrang pagka-antig ng puso ni Yashi ay napahagulhol nalang siya bigla.

  "Mi-mi.. Dada.." Parang nagsusumbong na turan ng batang lalaki kay Alvin. Palipat-lipat ng tingin sa kanila ng Daddy nito.

  "Mi-mi..." Niyakap siya ni Baby Blaze kaya nakiyakap narin ang kambal nito.

  "Miracle, Baby Blaze.. Waahhh!!"

  "Hoi, Yashi umayos ka. Baka kung anong isipin ng Mama mo at mga anak mo." Sita ng doktora sa kanya ng magsimula na naman siyang umaktong parang bata.

  "Mommy Doc naman eh." Nakangusong hinagkan nalang niya ang kambal. Narinig nila ang buntong hininga ng Mama niya.

  "Blessing ang mga bata anak. Bat mo naman pinagkait sakin ang mga apo ko?" Nanunumbat na sabi ng ginang.

"Sorry po talaga Mom. Natakot lang po ako." Aniya, halos bulong lang tsaka sinusulyapan si Alvin na nakamasid sa kanila.

  "Well... Bawi nalang kayo kung ano man ang na-missed niyo sa loob ng nakalipas na one and a half year. Ayusin ninyo ang di pagkakaunawaan para wala ng pinagmumulan ng hinanakit at sama ng loob ang isa sa inyo. Lalo na si Yasmin, hindi sa pinangungunahan kita Mrs. Villanueva, pero sa panganay mo marami ka yatang pagkukulang. Bumawi ka sa kanya... Para matahimik at maayos na ang issue ng pamilya ninyo.." Taos pusong advise ng Mama ni Alvin. Nahihiyang napatungo ang ginang.

  "Gusto ko siyang ipagamot pero lalo lang nagwawala. Hindi daw siya nababaliw at lalong wala daw siyang sakit. Maybe she really needs time, kaya hahayaan ko muna." Mahinahong sabi ng ina niya.

  "Kakausapin ko po siya." Aniya.

  "What?!"
  "Ano?!"
  "No!"

  Iba't ibang reaksyon nina Alvin, Dra. Alliana at ang Mama niya

"Untamed Passion"Where stories live. Discover now