Chapter 39

3.6K 31 0
                                    


After three months..

Thursday, at exactly four in the morning. Naalimpungatan si Yashi nang maramdamang kumikirot hindi lang puson niya kundi buong tyan pati balakang. Parang tinutusok ng karayom ang pakiramdam niya.

  "Arraaayy!!" Hirap siyang bumangon dahil sa sakit na ngayon lang niya nararanasan. Parang hinahati ang mga kalamnan niya.

  "Mommy Doc!! Mommy Doc!!" Di napigilan ng dalagita ang mapaiyak ng maramdamang may lumabas sa kanyang likido, hindi siya sigurado kung blood ba yon. Pero ang sigurado niya, six months palang ang babies niya at matagal pa ang due ng paglabas ng mga ito.

  "Oh my goodness.. Is this a punishment? Dahil ba sa paglilihim at pagsisinungaling ko sa family ko, mawawala na sakin ang babies ko?" Nakatingalang sambit niya sa kawalan, na para bang may sasagot sa mga katanungan niya.

  "Hija! What happened?" Puno ng pag-alalang tanong ni Dr. Alliana, ni hindi man lang niya napansin ang pagpasok nito sa kwartong iniukupa niya. Magkatabi lang ang kwarto ng dalagita at ng doktora.

  "Mommy Doc, wala na po ang babies ko." Wala sa sariling sambit niya. Nanlaki ang mga mata ng doktora.

  "Hah? Let me check!" Natataranta narin si Dr. Alliana, lalo na ng makitang hopeless na hopeless ang dalagita habang umiiyak.

  "Arrggg!! Ang sakit po Mommy Doc! Huhuhu..." Nagkandangiwi na siya sa pagsàkit ng puson at balakang niya.

  "Your water broke, iha! Manganganak ka na." Sabi ng doktora pagkatapos kapain ang pagkababae niya.

  "Huh? Pe-pero six months palang po ang babies ko Mommy Doc." Nakangangang sambit niya.

  "I don't understand, hija. Kung miscarriage to, dapat dugo ang lumabas sayo at hindi tubig. Maybe a pre-mature..." Di siguradong saad ng doktora.

  "Arraayy! Mas lalo po sumasakit Mommy Doc!" Hiyaw na naman niya.

  "Wait. Kukunin ko lang ang mga gamit ko." Agad lumabas ang babae at ganun din kabilis bumalik.

  "Lay down sweety." Utos ng doktora habang nagsusuot ng gloves.

  "Ayaw ko poh Mommy Doc!" Nahihintakutang sambit ng dalagita at niyakap ang sarili.

  "Hija. Lalo lang mapapahamak ng mga baby mo pag hindi mo sila pinalabas. Pwede silang mamatay sa loob." Deretsahang sabi ng doktora. Impit na naman siyang napaiyak.

  "Pe-pero, baka-baka po paglabas nila ay hindi po sila kumpleto. Walang kamay o mata- arraayy ko poh!"

  "Enough iha! Mas lalo mo lang pinapahamak ang sarili mo at ang babies!" Tumaas narin ang boses ng doktora.

  "Magtiwala ka lang Yashi. Ang pray..."

  Dahil sa sobrang sakit na nararanasan ni Yashi ay walang nagawa ang dalagita kundi sumunod sa utos ni Dr. Alliana. Nagawa siya nitong mapaere hanggang sa lumabas ang baby boy niya!

  "Oh, thank god! Sweety baby boy ang nauna!" Walang kasing saya ang doktora nang mailuwal niya ang first baby boy niya.

  "Mommy Doc, bakit hindi po umiiyak si baby?" Nababahalang tanong niya at pinagmasdan ang baby habang hawak hawak ito ng doktora.

  "Don't panic sweety, ganitong-ganito rin ang anak ko nung ipanganak ko siya! Ni hindi man lang umiyak." Naluluhang sambit ng babae, mas mukhang exited pa kaysa sa kanya.

  "Mo-Mommy Doc, gusto na yata lumabas nung isa." Bulalas niya ng kumirot ulit ang puson niya, pero hindi na kagaya nung una.

Dalawang beses lang siya umere ay lumabas na si baby girl!

  "Oh, tahan na baby girl. Lakas mong umiyak, he he." Alo ng doktora sa kanyang second baby.

  "You're lucky sweety.. Hindi ka pinahirapan ng mga anak mo. Kita mo oh, ang tataba naman nila!" Matamis ang ngiti ng doktora habang hinihimas ang mga pisngi ng kambal. Tapos na nitong ayusin ang mga pusod ng babies at nahugasan narin.

  "Tulog muna ako Mommy Doc." Nanghihinang wika niya tsaka pinikit ang mga mata.

"Untamed Passion"Where stories live. Discover now