Chapter 43

3.9K 34 0
                                    


Napapangiting inabot ni Yashi ang mga labi ni Alvin tsaka agresibong siniil ng halik ang lalaki. Sandali lang itong natigilan pero kalaunan ay gumanti rin ito ng halik. Niyapos siya ni Alvin at lalong pinalalim ang halik, ramdam niya ang pagkasabik nito sa kanya.

  "Mmmm..." Sabay silang napaungol ng lalong idiin ng binata ang sarili sa kanya.

  "Mga anak, nandito pa ako! Hindi ako aparisyon lamang okay? Nakikita ko kung paano kayo maglaplapan." Tawag pansin ng doktora sa kanila. Bigla siyang napabitaw sa pagkakayakap sa binata, medyo hilo pa siya sa tindi ng paghalik sa kanya ni Alvin.

  "Tsk. Tsk. Tsk. Kung di pa pala ako nagsalita, ang lagay eh dito na kayo maghuhubad sa harap ko. Upo!" Utos ng doktora sabay turo sa upuang nasa paanan ng kama, ka-terno ito ng kama.

  "Poh?" Nakamaang na sabi niya.

  "Di kayo makaitindi ng Tagalog? I said sit down!" Malakas ang boses na utos ng doktora sa kanila ng binata.

  "Yes poh!" Sagot niya tsaka hinila ang lalaki paupo sa tinuturo ng doktora.

  "Hmm. Now.. Walang magsasalita kapag hindi ko tinanong. Maliwanag?!"

  "Opo!" Napapaigtad siya sa tuwing tumataas ang boses ng babae. Huminga muna ng malalim ang doktora tsaka nagsalita.
  "Una sa lahat.. Alvin anak, I'm so sorry for leaving you.."

  " Mom, ako dapat ang humuhingi ng sorry sa inyo. All these years, nagalit ako sayo dahil sa pag-iwan mo samin. Hindi ko man lang inalam ang totoo.." Nagsisising wika ng binata.

  "Don't blame yourself son. Walang may gusto sa nangyari noon. Magkasintahan na ang mother ni Jet at ang Daddy mo bago pa kami magkakilala. Kahit arranged marriage ang kasal namin ng  Daddy mo, l love him so much. Kaya nung malaman kung nagkikita pa pala sila ng mother ni Jet, l decided to leave. And that was my biggest mistake anak.." Pinunasan ng doktora ang nagsisimulang tumulong luha sa mga mata nito.

  "Mom, past na yon. Tsaka matagal na pong kasal ang Mama ni Jet. Happily married po. The more important is now.. Napakasaya ko nung malaman kung may anak pala kami ng sweetheart ko. At twins pa! Thank you so much sweetheart.. At nagayon, sobrang saya ko dahil pwedeko na po kayong makasama." Puno ng saya at pagmamahal ang boses ng binata, akmang hahalikan siya nito ng pigilan sila ng babae.

  "Hoi, nag-uusap pa tayo rito. Ekaw Alvin, pigil pigil din minsan. Para kang natigang ng sampong taon." Nagsimula na naman ang sermon ng doktora.

  "Mom!"

  "Ahm, pwede po ba akong magsalita Mommy Doc?" Singit niya.

  "Of course sweety." Pagpayag naman nito.

  "Ahm, bat di nalang poh kayo magbalikan ng asawa niyo. Malungkot po ang mag-isa Mommy Doc." Concern niyang suhestiyon.

  "Anong mag-isa? Dalawa na mga anak ko at dalawa din ang apo ko! Grabi, parang panaginip ang lahat. Kaya pala iba ang saya na naramdaman ko paglabas ng twins. Lukso lang pala ng dugo.. Salamat talaga Yashi at binigyan mo ako ng makukulit at bibong mga bata.." Matamis ang ngiti ng doktora habang nakatingin sa kanya.

  "Huh? Mom, galing po sakin ang semelya ng twins. At dun poh kami titira ni Yashi sa bahay ko." Parang batang turan ni Alvin.

  "Aba eh bakit pa? Ang laki-laki ng bahay ko oh.." Inilahad pa ng doktora ang kamay sa paligid.

  "Mom, gusto niyo po ba makarinig ng mga ungol at halinghing gabi-gabi at kung saan saan parti dito sa bahay niyo?" Walang prenong sabi ng binata sa Mom nito. Nanlalaki ang matang siniko niya ito.

  "Hala, hoi ekaw Alvin. Hindi kaya sumubra yang L mo kay Yashi? Aba, kami ng Daddy mo nung bagong kasal pa lang kami, hindi araw-araw at lalong hindi kung saan saan. Ano kayo?" Di makapaniwalang saad ng doktora.

  "Mom, iba po kayo samin ng sweetheart ko. Wala po kasi kayong magnetic.. Si Yashi po merun, mapadikit lang ako sa kanya tumatayo na agad. Hehehe.. Arayy!" Naputol ang pagtawa ng lalaki ng sikuhin niya ito sa tagiliran.

  "Kuya umayos ka." Pinandilatan niya ito ng mata.

  "Tama, Anak umayos ka, baka pwedeng mag-shave ka muna. Wag kang ma-offend anak pero mukha kang galing mental.." Deretsahang sabi ng doktora sa anak nito.

  "Ay, Mommy Doc! Ako na po ang magse-shave sa kanya!" Bulontaryo niya.

  "Ano'ng ise-shave mo iha?"curious na tanong ng doktora sa kanya.

  "Huh? Yong balbas niya poh sa baba.." Nakangiting saad niya. Nasamid ang mag-ina sa sariling laway sa sinabi niya.

  "Linawin mo kasi, sa baba na chin or sa baba na down there? Baka abot hanggang tuhod na ang sa baba, hahaha." Humalakhak ang doktora.

  "Hah? Ah, eh. Hehehe.." Napahagikhik narin siya.

  "Mom, pwede ko na bang masolo ang asawa ko?" Biglang sabi ng binata sa ina.

  "Hay, ewan ko sa inyo. Magpakasal muna kayo bago kayo maglaro ng apoy, baka pati bahay ko sunugin niyo. Alis na ako at kanina pa ako inaantok. Paalala lang, may mga bata dito sa loob. Sige, goodnight." Paalam na ng doktora at lumabas na ng kwarto.

  "Hm, paano mo pala nalaman kung nasaan ako kuya? Ahuh! Siguro ini-stalk mo ko no?" Sita niya rito.

  "Yeah right. Pero kahit di na kita, i-stalk may tracker akong nilagay sayo sweetheart.." Sabi ni Alvin at hinapit siya papalapit rito.

  "I really missed you sweetheart. Eleven months akong tigang ah! At utang mo lahat sakin yon. Sisingilin ko lahat kahit ang minuto bawat araw.." Nakangising sabi ng binata.

  "Mag-shave ka muna kuya.. Tika, abot nga ba hanggang tuhod yan?" Asar niya rito tsaka humalakhak ng malakas. Iyak ng bata ang nagpatigil sa kanya. Natakpan niya ang bibig tsaka nilingon ang kambal.

  "Dha-dha..." Sambit ni Baby Miracle.

"Untamed Passion"Where stories live. Discover now