Chapter 2

628 23 0
                                    

Jackque's  POV

Bumangon ako at nag-toothbrush. Wala akong gagawin buong araw kaya naisipan kong lumabas saglit.

Kinuha ko yung phone ko at tinext si Madc para yayain ito. Nagpalitan din kami ng number kahapon para dun sa audition.

To: Madc

Madc! May ginagawa ka ba ngayon? Labas tayo? Ang boring dito sa apartment eh.

Ilang sandali lang ay nag-reply na din ito.

From: Madc

Di ako pede ate girl. Nagre-rehearse kasi kami para sa show mamaya. Ikaw ha, namiss mo na agad ako.

Napatawa lang ako dahil sa tinext niya. Hindi ko na ito ni-replyan at sinubukan na yayain si Tom. Tinext ko ito.

To: Babe

Babe? Pede ka ba ngayon? Samahan mo naman ako. Labas tayo. I miss you.

Ilang sandali ay nag-reply na din agad ito.

From: Babe

Sure babe. Asan ka ba ngayon? I miss you too.

Inilibot ko ang tingin ko pero hindi ko alam kung anong lugar 'tong pinag-uupahan ko. Hindi ko din alam kung paano ako nakauwi kahapon. Basta tinuro ko lang kay Manong Driver yung daan. Napag-pasyahan ko na lang na sa ibang lugar na lang kami magkita.

To: Babe

Hindi ko kasi alam babe kung anong lugar 'to eh. Dun na lang sa Starbucks sa Robinsons. See you, I love you.

From: Babe

Sige. I'll be there as soon as possible. See you, I love you too.

Naligo ako at nagbihis ng sexy top na kulay black at ripped maong pants. Tinernohan ko ito ng white na rubber shoes. Humarap ako sa salamin at nakita kong kitang-kita pala yung cleavage ko. Pinabayaan ko na ito at umalis na. Normal nanaman ito para sa akin dahil ganito ang mga suotin ko nung nasa America ako.

Vice's POV

"Tama na nga yan Viceral." Sabi sa akin ni Anne habang tinatabig ang kamay ko para pigilan akong uminom uli.

"Wala kayong pake." Cold kong sabi sa mga ito. Nakita ko namang inirapan lang ako ni Anne.

Balakayo diyan. Basta malungkot ako ngayon.

"Ang aga aga mo naman uminom, Brad." Sabi sa akin ni Vhong. Hindi ko na ito pinansin at tumagay uli.

"Alam mo Vice walang magagawa 'yang pag-inom mo. Magmove-on ka na kasi!" Bulyaw sa akin ni Anne na ikinainis ko.

"Bakit? Sa tingin mo ba Anne ganon lang yun kadali? Kung paano ka iwan ng taong mahal mo? Kung paano niya ipinakita sayo na wala lang sa kanya yung namagitan sa inyo? Tangina Anne! Hindi mo alam yung nararamdaman ko!" Sigaw ko dito habang umiiyak.

Nakita ko namang umiyak na din ito dahil masyadong napalakas yung boses ko. Nilapitan ko ito at niyakap.

"I'm sorry Anne. Nadala lang ako ng damdamin ko." Malumanay kong sabi habang hinahagod ang likuran nito. Niyakap niya ako at niyakap ko din siya pabalik.

"Alam mo Brad, kesa magpalunod ka sa alak tara na lang gumala." Napalingon ako nang sabihin yun ni Vhong.

Wala kasi talaga ako sa mood maggagala. Pero para sa kanila..

Papayag na sana ako nang hilahin ako ni Anne. Wala na akong nagawa dahil baka magka-iyakan nanaman.

"Saan ba talaga kasi tayo pupunta?" Tanong ko kay Anne na nagd-drive. Kanina pa kasi kaming bumabyahe at pasikot-sikot kaya hindi ko maintindihan kung saan kami pupunta.

Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon