Chapter 14

478 22 2
                                    

Vice's POV




"Hello Anne?"




"Oh, bakit?" Tanong ni Anne.




"Magpapa-party daw si Direk. He wants us to manage." Sabi ko dito. Narinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya.




"Lagi namang tayo ang pinag-aasikasasusa----" Humagalpak ako ng tawa nang mabulol si Anne.




"Hanggang sa call ba naman Anne?" Sabi ko dito habang tumatawa pero wala akong natatanggap na sagot sa kanya. I can see her face looking serious right now. Shoot. I can't stop laughing.





"Masaya ka dyan? Ha?" Rinig kong sabi niya sa kabilang linya but here I am, still laughing.




*toot toot toot*





Napatigil ako sa kakatawa nang marinig kong in-end ni Anne yung call. Pinunasan ko ang isang patak ng luhang tumulo sa mukha ko sa kadahilanang tumawa ako nang tumawa.




I dialed Anne's number.




"Hello Anne!" Still I can't get any response from her.




"Sorry naaaa, tatawa na yan. Yieeeeee." Pagbibiro ko dito. I can feel she's already smiling. My senses are telling me so.




"Oh, ano nga sabi ni Direk." Sabi niya. I knew it. Ang rupok pag dating sa'kin! Konting lambing bumigay agad. Haha.




"Ayun nga, may pa-party si Direk. Tayo nga kasi nina Vhong ang ini-assign niyang mag-ASIKASO." I told her while emphasizing the word 'ASIKASO'. Wala lang, dun kasi siya nabulol kanina eh.




"Tss. Kailan magaganap?" Tanong nito sa akin.




"Wala pang sinasabi si Direk." Sabi ko dito.




"Well, maybe sa Sabado. Kaya yata tayo nagte-tape ng Showtime ngayon." Dugtong ko pa.




"Si Vhong nasabihan mo na ba?" Tanong nito sa akin. Nakita ko namang papalapit si Vhong sa akin at kumakaway pa.




"Eto na nga, papalapit na sa'kin. Sasabihin ko na. Bye bye!" Sabi ko dito.




"Okay, just message me na lang kung ano plans niyo. Love you!" She said then ended the call. I kept my phone inside my pocket.




"Brad!" Tawag sa akin ni Vhong.





"Tayo daw mag----" He cutted me off.





"Aasikaso ng party." Sabi nito.





"Alam mo na? Sino nagsabi?" Tanong ko dito.





"Si Direk." Sabi nito. Napakunot ako ng noo.





"Kailan?" Tanong ko pa uli dito.





"Kanina lang." Napatango-tango na lang ako.





"So ano, G ka ba?" Nakita kong pumamewang siya at bumuntong hininga.





"Ang baho Vhong ah." Biro ko dito habang pinang-tataklob yung isa kong kamay sa ilong ko.





"Sira!" Sabi nito at akmang susuntukin ako.





"Sabi ko kasi kay Direk, hindi ko kayo masasamahan sa pagma-manage nung party." Sabi nito na ikinakunot ko uli ng noo.





"At bakit naman Ferdinand?" Nakapamewang kong sabi dito.





Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon