Chapter 6

524 28 0
                                    

Jackque's POV

Ngiting-ngiti akong umuwi ng bahay dahil sa nangyari kanina. Hindi ko inaakalang napakabait pala na tao ni Vice. Kinuha ko yung phone ko at hinanap yung number niya. Magpapasalamat lang uli ako.


To: Vice

Thank you nga pala uli. Sobra mo akong napasaya. :))

Nang masend ko yun sa kanya ay umupo na ako sa sofa. Sinisilip-silip ko yung phone ko at hinihintay na mag-reply ito pero walang nadating kahit 'Okay' man lang.

Hindi ko na ito pinansin at nagbukas na lang ng TV. Sakto namang ini-interview ni Vice at yung co-host niyang babae ang isang contestant.


Kaya siguro hindi nagre-reply...

"Ikaw, kailan ka huling nakaramdam ng spark?" Tanong ni Vice dun sa contestant. Medyo naging interesting yung topic kaya pinagtuunan ko ito ng pansin.

"Hmm.. matagal-tagal na din po eh. Siguro hindi ko pa talaga nami-meet yung taong nakalaan para sa akin." Sagot nung contestant.


"Ikaw Anne, naniniwala ka ba sa spark? Kasi ako.. kanina lang parang naramdaman ko yun." Nagulat ako sa sinabi nito.


Kanina lang kasi, nung hawakan niya yung braso ko, may kung anong kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko.


Is it me he's talking about?


"Omg Sis! For real? Sino?" Tanong nung Anne.



"Wala! Di mo nanaman mapipigilan yang bunganga mo pag sinabi ko sayo." Sabi ni Vice. Nakita ko namang inirapan lang ito nung Anne.

Pinatay ko na muna yung TV at humiga sa kama.

Finally, may trabaho na din ako..


Kaya ko nang ipakita kay Mommy na kaya kong maging maganda ang takbo ng buhay ko by pursuing my dreams.

Narinig ko namang tumunog ang phone ko. Agad kong kinuha yun at binuksan.

Si Madc.

From: Madc

Girl ano na? Naibalik mo na ba?

Nireplyan ko ito.

To: Madc

Oo. Tsaka alam mo ba, binigyan ako ni Vice ng trabaho.

From: Madc

Anong trabaho?

To: Madc

Inalok niya ako na maging isang Showtime Dancer. Hindi ko nga in-expect na gagawin niya yun eh.

From: Madc

Omg girl! Totoo? So magiging workmates na tayo? Kailan ka magsisimula?

To: Madc

Wala pang sinasabi si Vice. Ite-text na lang daw niya ako.

From: Madc

Ite-text? So, may number kayo ng isa't-isa? Jaki ha! Yieeeee.

Bahagya akong napangiti sa nabasa ko.

To: Madc

Sira! Bahala ka dyan.

Nilock ko yung phone ko at humiga na uli sa kama. Narinig ko namang tumunog uli ito pero hindi ko na pinansin. Paniguradong si Madc yun at hindi ako nun titigilan sa pangungulit.

Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon