Chapter 10

507 28 2
                                    

Vice's POV





"Nay! Diyan ka lang. Wag kang iibo, pipicturan lang kita." Sabi ko kay Nanay habang nakatutok sa kanya ang cellphone ko. Agad naman niya yung ginawa.





Ilang linggo na din akong nandito sa America. Hindi ko pa din alam kung kailan ako babalik sa Showtime pero hindi muna sa ngayon. Gusto ko munang i-enjoy ang mga oras na nakakasama ko ang Nanay ko.





Sa totoo niyan, wala na naman talaga akong sakit na nararamdaman after nung nangyari sa amin ni Calvin eh. Parang lungkot na lang kasi feeling ko sayang talaga yung pinagsamahan namin noon. I just took this advantage na makasama at maka-bond ko yung Nanay ko.





"Oh diba Nay? Pak! Chugug na chugug!" Sabi ko kay Nanay habang pinapakita sa kanya yung picture niya. Nakita ko namang nakatitig lang ito sa akin habang nakangiti.





"Nay? Baka matunaw ako niyan." Pabirong sabi ko dito pero hindi pa din siya umiibo at nanatiling nakatitig sa akin habang nakangiti.




"Tutoy.. alam mo naman sigurong tumatanda na ako." Malumanay na sabi nito. Ang kaninang malawak kong ngiti ay unti-unting napalitan ng mapait na ngiti. Bakit nagsasalita ng ganto si Nanay?





"Nay.."






"Hindi ko na alam kung hanggang kailan pa ang itatagal ko sa mundong ito Tutoy." Naluluhang sabi ni Nanay.





"Bakit Nay? Pupunta ka ba sa Mars?" Pagbibiro ko dito na bahagya niyang ikinatawa. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi.




"Nak, alam mo namang isang bagay lang ang hinihiling ko noon pa di'ba?" Sabi nito. Nakita kong tumulo na ang luha niya sa kaliwang mata.



Natigilan ako..


Isang bagay lang naman talaga ang hinihiling ng nanay ko mula sa akin noon pa eh.



Ang magka-apo.



Hinawakan ko yung kamay niyang nakahawak sa kabilang pisngi ko.


"Nay, hindi ko po maipapangako sa inyo ang bagay na iyon. Pero kung sakali mang ibigay ng Panginoon, tatanggapin ko yun ng bukal sa kalooban ko." Nakita kong napangiti ito.



"Pero nay.. mukhang malabo eh. Alam mo naman, ayoko sa mga merlat." Pabiro kong sabi dito. Binitawan niya ang pagkakahawak sa pisngi ko at nakita kong yumuko ito.

"Mukhang hindi na kita makukumbinsi, tutoy." Bumuntong hininga ito.


"Siguro nga kailangan ko nang tanggapin na hindi mo ako mabibigyan ng apo." Malungkot na sabi ni Nanay. Agad ko siyang niyakap.



"Nay, 'wag ka nang malungkot. Andito naman ako. Hinding-hindi kita pababayaan." Sabi ko dito.



Jackque's POV



"Teka lang, Jaki. Hinay-hinay lang." Sabi sa akin ni Madc pero di ko na lang pinansin at pinagpatuloy yung pag-inom ko ng alak.


Andito kami ngayon sa bar. Rinig na rinig ko ang tugtog at hiyawan ng mga tao. Gusto kong maglabas ng hinanakit sa bar na'to dahil sa panggagago sa akin ni Tom.



*Flashback*


Tinry kong kontakin kahapon si Tom pero walang sumasagot sa mga texts at calls ko sa kanya.




Doon ako kintuban na parang may mali kaya nag-file muna ako ng leave sa Showtime ng dalawang araw. Noon kasi, kahit may ginagawa si Tom at busy siya, nagagawa pa din niya akong tawagan at i-text.


Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon