Chapter 24

730 23 3
                                    

Vice's POV




"Let's get married."




O.o



Ha??




Nudaw??


"A-ano?" Nauutal na tanong ko dito.





"Ang sabi ko, magpakasal na tayo." Buong lakas na loob na sabi ni Jaki.




Tupangina. Seryoso ba 'to???




"Jaki, hindi 'yan magandang biro ah." Sabi ko dito.




"Vice. Hindi. Ako. Nagbibiro." Mapagdiktang sabi niya sa'kin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Tama ba 'tong naririnig ko? Gusto akong pakasalan ng taong pinapangarap ko?






























Vice, 'wag kang magpadala sa bugso ng damdamin mo. Gumising ka. Hindi ka mahal ng taong sinasabi na pakasalan mo siya.



"Alam mo Jaki, nadadala ka lang ng emosyon mo dahil sa mga nalaman mo kanina. Mabuti pang magpahinga ka na lang muna. 'Wag ka na muna masyadong mag-isip. Makakasama 'yan sa baby natin--- mo pala." Sabi ko dito. Totoo naman eh. Siguradong mas umiibabaw 'yung emosyon niya ngayon kaysa sa mga bagay na mas mahalaga pa.


Tsaka isang kalokohan ang pakasalan ako ni Jaki.




Oo mahal ko nga siya.. eh ang tanong, mahal din ba niya ako? Ghorl, the feeling isn't mutual. Gusto ko man tanggapin 'yung offer niya kasi alam kong siya ang magiging kabiyak ko panghabang-buhay pero mali naman atang ikakasal kami pero labag sa kalooban ng isang tao? Baka in the end ma-realize niyang mali 'yung naging desisyon niya at pagsisihan na ikinasal kaming dalawa. Masakit 'yun para sa akin ah.


"Vice, hindi ako nadadala sa emosyon ko. Seryoso ako at desido na ako. Pakasalan mo ako. Panagutan mo 'tong batang dinadala ko." Sabi niya sa'kin.



"Jaki, please. Magpahinga ka na muna. Masyadong madaming bumabagabag sa isip mo kaya mo nasasabi 'yan. Alam kong nalulungkot ka at nasasaktan ngayon." Sabi ko dito. Huminga siya ng malalim pagkatapos humiga at tumalikod na sa'kin.


"Kaya sana 'wag mo naman sana akong paasahin nang dahil lang sa pag-alis ng ex mo." Mahinang dagdag ko sa mga sinabi ko kanina.


"Ano??" Nagulat naman ako nang tumalikod si Jaki. Pakshet. Sana di niya narinig.







"Wala, magpahinga ka na." Sabi ko sa kanya. Nakita ko namang umayos siya ng higa.









*tok tok tok*





Tumayo ako at binuksan 'yung pinto upang tingnan kung sino 'yung kumakatok. Bumungad naman sa akin ang isang lalaki na may dalang kung ano.




"Ah, hello kuya? Mali ka po ata ng kwar----"




"For Ms. Jaki Gonzaga po." Sabi ni Mamang Kuya at iniabot sa akin ang isang basket ng mga prutas at pagkain. Kahit nagtataka ako kung sino itong strangherong asa harapan ko ay kinuha ko din 'yung inabot niya.



Paalis na sana siya pero kinain ako ng ka-curiousan ko kung sino ang nagbigay nung mga pagkain kaya tinawag ko ulit siya. Bumaling naman din siya agad.





"Kuya, sino pong nagpa-abot ng mga ito?" Tanong ko dito pero tumingin lang siya sa akin at umalis na.




Aba, snobber amputa.




Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon