Chapter 26

633 26 14
                                    

Vice's POV




After kong pumunta kayna Jaki ay umuwi na din ako. Nakita ko naman 'yung mga kasambahay ko na busyng-busy din sa paglilinis.





"Jacque." Tawag ko sa isa kong kasambahay dito.





"Yes po Ate?"




"Ah, pakilinis na din nung guest room. May lilipat na kasi dito bukas eh." Ngiting-ngiti na sabi ko kay Jacque.





Hindi na talaga ako makapaghintay na matapos 'tong araw na 'to dahil bukas, sigurado akong magiging maganda ang araw na 'yun.





"Talaga ba ate? Sinong lilipat?" Tanong sa'kin ni Jacque.





"Si Jaki." Hindi pa din talaga mawala 'yung ngiti sa labi ko. Samantalang si Jacque naman ay napakunot ng noo.







"Jacque? Ako po ba 'yung tinutukoy niyo?" Humagalpak ako sa tawa nang sabihin ni Jacque 'yon.




"Hahahahahahaha hindi. Si Ate Girl Jaki 'yung lilipat dito bukas." Kilig na sabi ko dito. Taena para talagang sinusundot 'yung pwet ko dahil sa umaapaw na kilig na nararamdaman ko ngayon.





"Ha? Bakit po siya lilipat Ate? Kayo ba?" Tanong ulit ni Jacque. Napasapo na lang ako sa ulo. Ang daming tanong ng babaeng 'to.




"Bukas ko na lang ipapaliwanag. Linisin mo muna 'yun ha. Jusko Jacque, ang dami mong tanong." Sabi ko sa kanya. Nag-peace sign lang ito sa'kin at dumiretso na doon sa guest room para maglinis.







----

The next day..






Gaya ng inaasahan ko ay nagising ako ng maaga ngayon dahil sa excitement.






Ilang oras na lang ay makakasama ko na si Jaki.







Ngiting-ngiti akong bumaba ng hagdan para magluto.





Anong oras na ba?





Tumingin ako sa wall clock at maga-alas syete (7AM) pa lang pala. Dumiretso naman ako sa kusina at binuksan 'yung ref para tingnan kung anong pwedeng maluto.








Kinuha ko 'yung itlog at bacon tsaka sinaraduhan ulit 'yung ref.







---






Nang matapos akong magluto ay kinuha ko 'yung phone ko at kinuhanan ito ng litrato. Hindi lang kasi siya basta bacon and eggs eh. Nilagyan ko din ng design hahaha. Yes naman, creative.





After kong mapicturan ito ay pinost ko ito sa ig story ko.








Caption: for you, mi amoré ❤



After kong mapost 'yun ay tinakpan ko na para madala ko kay Jaki. Kinain ko na din 'yung excess na niluto ko.





---



Nang makarating ako sa bahay nina Jaki ay agad kong pinindot 'yung doorbell. Nagbukas naman ito at nakita ko si Madc na halatang kakagising lang dahil kinukusot-kusot pa niya 'yung mata niya.








"Ate Vice? Ang aga niyo naman po. Halika pasok ka." Aya nito sa akin kaya pumasok na ako ng bahay nito.





"Ahh, si Jaki?" Tanong ko dito. Kita ko naman ang pag-ngiti niya ng nakakaloko.






Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon