Chapter 8

485 28 0
                                    

Jackque's POV


Natapos ang performance namin at nagbihis na kami. Bigla naman may tumawag sa pangalan ni Madc kaya sabay-sabay kaming napalingon.


Nakita kong lumapit si Madc doon sa lalaking kitang-kita mo ang kaputian kahit madilim sa bar.


Ilang sandali lang ay natapos na silang mag-usap. Bumalik na si Madc sa pwesto namin at dala-dala ang apat na piraso ng papel. Isa-isa niya yung binigay sa amin.


Isang cheque.


Napangiti na lang ako sa nakita ko. Mabuti na lang at medyo malaki ito. Matutulungan ko na din si Madc sa gastusin sa bahay lalo na't magsisimula na din akong mag-trabaho sa Showtime bukas.


Umuwi na kami at nagpahinga na.


Naalala ko naman yung sinabi ni Mommy. Na balitaan ko daw siya kapag nagka-trabaho ako..


Sasabihin ko ba?


"Hayy." Buntong hininga ko at pumikit na. Siguro hindi muna ngayon.



Kinabukasan...



Bumangon na ako sa kama at lumabas ng kwarto. Sinilip ko yung kabilang kwarto at nakita kong mahimbing pa rin na natutulog si Madc. Hindi ko na muna ito ginising dahil mukhang pagod na pagod pa ito. Bumaba ako ng hagdan para magluto ng agahan.



Napatingin ako sa wall clock. Maaga pa naman. Napag-desisyunan kong magluto na lang ng fried rice na may kasamang hotdog at itlog.


Nang magawa ko ang mga dapat kong gawin ay umakyat ako sa kwarto para gisingin na si Madc.



Agad naman din itong bumangon sa kinahihigaan niya at nagsimula nang kumilos.



Bumyahe na kami papunta sa ABS nang matapos kaming mag-ayos. Habang naglalakad naman ako sa hallway ay may nabunggo ako.




"B-babe?" Sabi sa akin ni Tom. Miski ako ay nagulat din sa nakita ko.





"Anong ginagawa mo dito?" Sabay na sabi naming dalawa. Napatawa na lang ako. Napatingin naman ako kay Madc na nakakunot ang noo at alam kong gulong-gulo na sa nakikita niya.




"Madc, iwan mo muna kami. Susunod na lang ako sa DR." Sabi ko dito. Tumango-tango naman ito at umalis na. Bumaling uli ang tingin ko kay Tom.




"Why are you here?" Tanong nito sa akin.





"Dito na ako magta-trabaho, babe. Eto yung gusto kong ipakita kay Mommy." Sabi ko dito.




"Ikaw, bakit ka andito?" Dugtong ko. Napakamot lang ito sa ulo.




"Well, last last year kasi nag-audition ako dito bilang hashtag eh. Natanggap naman ako. Sorry babe, hindi ko nasabi sa'yo." Pagpapaliwanag nito.




"Okay lang yun. At least araw-araw na tayong magkikita." Sabi ko dito sabay kumindat. Napangiti lang siya at halatang kilig na kilig.




"Oh, kilig na kilig ka naman diyan. Gandang-ganda ka nanaman sa'kin." Sabi ko dito. Bigla naman niya akong niyakap ng mahigpit. Tinugon ko lang din yung yakap niya.




"Sobrang ganda." Bulong sa akin ni Tom. Bahagya namang uminit yung pisngi ko.




"Ehem." Agad akong kumalas sa yakapan namin nang marinig yun.





Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon