Chapter 13

488 25 3
                                    

Vice's POV




Ilang buwan na ang nakalipas nang magsimula yung banter namin ni Jaki. Gaya ng sinabi ni Direk ay pinagpatuloy namin ito. Maraming natuwa, marami ding kinikilig. Tumaas na rin ang ratings namin kumpara sa mga nakaraang araw kaya todo-todo rin ang pasasalamat sa amin ni Direk.




Madami 'ding blessings ang natanggap ni Jaki nung mga nagdaang buwan. Nakapag-guest siya sa Magandang Buhay at Tonight With Boy Abunda. Nailathala naman sa buong mundo ang kwento ng buhay niya sa Rated K. At isa pa, kahit na may mga taong patuloy na umaayaw sa kanya, mas madami pa din ang mga taong nagmamahal sa kanya. 




Isa na ako dun. These past few months we've been closer. Mas nag-grow yung friendship namin. I'm so happy and grateful that I met her 'cause she's really one of a kind.




*ting*




May nag-notif sa phone ko kaya binuksan ko ito.




@ VKBaby

Hindi sila bagay ni @jackiegirlg noh! Pandak na nga singkit pa. Hindi rin naman magaling sumayaw. ViceRylle pa rin 'tong puso ko. Walang makakapigil sa amin. Siya ang nauna! @vicegandako pleasee, kayo na lang ulit ni Kurba. :((

@ PusoNgSagingNiVice

@vicegandako porket ang tagal na nung loveteam niyo wala na lang yun para sa'yo? Panagutan niyo naman kami uy! Ang sakit-sakit kaya. At ikaw naman, @jackiegirlg uso dumistansya. Mag-resign ka na. Hmp! Gigil mo'ko.




Nakaramdam ako ng inis sa mga nababasa ko. Eto nanaman ang mga pangba-bash nila. Why can't they rant on their own selves? Bakit kailangan pang i-tag lalo na't kung masasama lang ang sasabihin nila?




I locked my phone. I don't have time for people like them. Positive lang dapat noh!




Tsaka nandadamay pa ng ibang tao lalo na si Jaki. Alam kong bago lang lahat 'to para sa kanya. She would really get hurt if she ever try to read these kind of tweets about her. Kahit naman kasi ako mismo, ilang taon nang nasa mundo ng Showbiz, nasasaktan at nasasaktan pa rin sa sinasabi ng iba pero mas pinipili ko na lang maging masaya. Alam ko namang si Lord na ang bahala sa kanila.




"Meme, 5 minutes!" Sigaw ng staff. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at dumiretso na ng stage. Pumwesto ako doon sa gitna at ilang segundo ang nakalipas, nag-air na uli ang programa.




"Sumainyo ang kagandahan."




"At sumainyo rin!"




Tumingin ako sa gilid kung saan palaging naka-upo si Jaki at nag-aantay kung kailan siya tatawagin. 




Wala siya dun. 




Medyo na-disappoint ako and at the same time malungkot?




I don't know why. Well, baka siguro wala lang kaming ganap today to make people happy.




Right.




'Yun na 'yun. Nothing more, nothing less.




Jackque's POV




I locked my phone. Hindi ko na kinakayang makita pa yung mga tweets at sinasabi ng iba tungkol sa akin. Puro na lang hate at negative ang nababasa ko tapos ang lalakas pa ng loob mag-tag. Really? Are they that insensitive? Na akala nila hindi namin 'yun nababasa? Tss. People.




Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon