Chapter 28

524 19 9
                                    

Vice's POV




"See you Madlang People!!" Pagpapapaalam ko sa madya dahil tapos na 'yung show. Didiretso na sana ako sa DR ko nang tawagin ako ni Vhong.





"Brad!"




"Oh?" Lumapit naman ito sa akin.




"Nakausap mo na ba si Direk?" Tanong nito sa akin. Napakunot ang noo ko. May dapat ba kaming pag-usapan?





"Hindi. Bakit?"





"Tungkol ata sa bagong segment eh. Kailangan daw ng distraction para hindi na gaanong maalala ng madla si Jaki. 'Yun ang alam ko." Sabi ni Vhong sa akin. Mas lalo namang kumunot ang noo ko.





"Teka, nasaan nga ba si Jaki? Bakit bigla-bigla na lang siyang nag file ng leave?" Nabalik naman ako sa ulirat nang tanungin ako ni Vhong tungkol kay Jaki.





Hindi nga pala nila alam na may anak ako sa kanya. Sina Anne, Jhong, they have no idea. Siguro sasabihin ko sa kanila pero baka hindi muna ngayon. One time kasi, si Jaki na din mismo ang nagsabi sa akin na huwag muna.





"Ah..e.. maybe she wants to unwind? H-hindi ko din alam eh. Basta sabi niya lang sa akin, she wants to take a break from this industry." Palusot ko dito. Napatango-tango lang si Vhong.





"Sabagay. Bago pa sa kanya lahat ng mga nangyari, tsaka iba din kasi sa pakiramdam makatanggap ng hate comments eh. Siguro, hindi niya lang kinaya." Sabi ni Vhong. Tumango na lang ako sa kanya at nagpaalam na ito na aalis na.




Sa halip na pumuntang DR ay dumiretso na ako sa office ni Direk. I want to ask him what Vhong told me earlier.





Kumatok ako sa pintuan nito at pinihit 'yung doorknob. Mabuti na lang ay nakabalik na agad si Direk dito pagkatapos nung show.





Bumaling naman ang tingin niya sa akin. Nginitian ko si Direk at pumasok na sa loob.





"Oh Vice, mabuti dumating ka. Ipapatawag pa lang sana kita kay Carl eh. May kailangan ka ba?" Tanong nito sa akin. Umiling ako.






"May itatanong lang sana ako Direk." Sabi ko dito. Tinanguan lang niya ako hudyat na magpatuloy ako sa sasabihin ko.






"Ah, about po dun sa bagong segment. Nabanggit po kasi sa akin ni Vhong eh." Sabi ko dito. Napaayos naman ng upo ito nang sabihin ko 'yun.





"Actually 'yun din ang balak ko sanang sabihin sayo Vice eh. About that new segment, maigi pang pag-usapan na natin ngayon tutal gusto mo na din naman atang malaman." Sabi nito sa akin. Umupo ako sa upuan sa harap ng table ni Direk at tumango.





"Alam mo naman na sigurong nag file ng leave si Jaki 'di 'ba?" I nodded.





"I was planning na magkaroon ng Season Two ang Ms. Q and A pero biglaan din kasing nag-leave si Jaki eh. We can't replace her with another dancer na maaari mo ring maging loveteam kasi mas tumatak na sa madla ang chemistry ninyong dalawa. People won't like that. Mas mababash 'yung dancer na 'yun kapag nagkataon. Nag-leave si Jaki dahil sa mga hates na natanggap niya at ayokong 'yun din ang maging dahilan kung bakit umaalis ang mga sumisikat sa programang ito." Direk has a point.






"Kaya napagdesisyunan kong gawing male version ang Ms. Q and A. We'll call it, Mr. Q and A." Medyo kumunot ang noo ko sa sinabi ni Direk.






"Pero Direk, hindi ba mas maaalala lang ng tao si Jaki kahit gawin mo mang Mr. Q and A 'yan? Jaki became famous because of the Ms. Q and A segment, and I don't think na magiging distraction po 'yung gawing male version ang Ms. Q and A. Maaalala't-maaalala nila si Jaki. People will always find her presence in this show." Pagpapaliwanag ko kay Direk.






"You're right. But I have a solution to that problem of yours, this may sound selfish but it's for the sake of our program, Vice. May bagong escort na mag-aabot ng bowl na may laman ng questions sa'yo. At gaya ng ginagawa ninyo ni Jaki, makipag-banter ka din doon sa escort na 'yun." Napapikit-pikit na lang ako sa sinabi ni Direk.






"Seryoso ba 'yan Direk?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito.






"Yes Vice. We need to. Bumababa na 'yung ratings ng programa natin at ang sabi sa 'kin ng nagmamanage ng mga social media accounts ng Showtime, maya't-maya daw tinatag saying na bigyan kayo ng moment ni Jaki but you know we can't do that." Pagpapaliwanag ni Direk. Napaface palm na lang ako.







Ewan ko ba, pakiramdam ko nagtataksil ako kay Jaki dahil sa mga balak ni Direk pero hindi naman 'yun tama. Wala namang kami.







Tanga ba't ko ba 'yon sinabi. Ang sakit ha.






"So, do you agree Vice?" Tanong ulit ni Direk. Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango na lang.







"Teka lang Direk, pwede ko ba makilala 'yung escort na tinutukoy ninyo? Para naman kahit papano pag sumalang na kami sa stage walang ilangan." Sabi ko kay Direk. Ngumiti naman ito ng nakakaloko sa akin.






"I knew you would say that. Iba ka talaga Vice." Biro sa akin ni Direk. Ano? 'Di ko gets---ahh. Pucha naman.







"Luh Direk, kung ano mang iniisip niyo hindi iyon ang balak ko." Natatawang sabi ko kay Direk.







"Alelelelelele. Sige na, sabi mo eh. Pwede mo siya mameet bukas kasi magsisimula na din siyang mag-rehearse bukas." Sabi ni Direk. Tumango na lang ako dito at nagpaalam na.






---






Nang makasakay ako sa sasakyan ay tinawagan ko si Buern.







"Hello Buern?" Panimula ko dito.







"Yes Meme?"







"Okay na ba 'yung pinapahanda ko sa'yo?" Tanong ko sa kanya.







"Yes Meme readyng-ready na. Pero kailan mo ba balak 'yan gawin?" Tanong nito sa akin mula sa telepono. Napabuntong-hininga ako. As much as possible kasi gusto ko na 'tong gawin pero nakapaganda ng timing at inutusan pa ako ni Direk na makipag-banter.







"Hindi pa ako sigurado Buern eh. May pinapagawa pa kasi si Direk. Basta okay na 'yung place and everything ha." Sabi ko sa kanya.








"Okay na okay Meme! Siguradong magugustuhan 'yon ni Jaki." Parang tinusok naman 'yung pusod ko nang sabihin 'yon ni Buern. Sana nga magustuhan niya. At sana, pati 'yung mga sasabihin ko sa kanya maapreciate niya.






"Sige, salamat Buern! Maaasahan ka talaga." Sabi ko sa kanya.






"Yes naman! Ako pa ba." Natawa na lang ako nang sabihin niya 'yun at in-end 'yung call.







'Yung sinabi ko kay Buern ay tungkol sa pag-amin ko kay Jaki. Wala naman sigurong masama kung gusto ko nang mag-confess 'di ba? Single naman si Jaki at ako ang Ama ng batang dinadala niya.







Ilang araw pa Jaki. Ilang araw pa.






































































Itutuloy...

Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon