Chapter 30

466 23 1
                                    

Jaki's POV

"Ewan ko din ba. Basta nagising na lang ako isang araw narealize kong mahal ko na si Vice. I just found myself longing for his love, his presence, his scent, his everything." Sabi ko kay Madc. Napabuntong hininga ako.

"Ayyyyyyyy!! Bongga 'yan Ate Girl! Magiging worth it pagjujuntis mo!" Tili niya habang nagsasalita. Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Raulo ka. Una pa lang naman worth it na 'tong pagbubuntis ko. Simula nang malaman kong magkakaanak ako kala ko maguguho na mundo ko pero unti-unti ko din natutunan na tanggapin at mahalin yung asa sinapupunan ko." Sabi ko kay Madc.

"Hindi lang naman yung asa tyan mo yung minahal mo e. Nahumaling ka din dun sa naglagay nyan." Biro ni Madc sa akin.

"Gaga ka."

"So ano na plano mo sa nararamdaman mo? Aamin ka ba?" Tanong ni Madc sa akin.

"Di ko alam. Siguro. Oo pala, syempre pero inaantay ko pa na siya yung unang magsabi sa akin e." Naguguluhang sabi ko kay Madc.

"Taray. Vavaing-vavai ha. Pero kung ako sa'yo, aamin na ako agad-agad. Mahirap na, baka maunahan ka pa." Pagbabanta ni Madc. Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Siraulo ka." Sabi ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako.

"Nga pala, ba't 'di ka pa nag-aayos? May Showtime ngayon ah." Sabi ko sa kanya.

"Absent ako today mamsh. 'Di talaga keri ng puson ko na sumayaw ngayon eh." Sabi sa akin ni Madc. Napatango na lang ako.

"Gaya-gaya ka ng excuse ha." Natatawang sabi ko sa kanya. Tumawa din naman siya.

Sumalampak ako sa kama at tumingin sa kisame. Napabuntong-hininga na lang ulit ako. Inilipat ko naman 'yung tingin ko sa tiyan ko at hinawakan ito.

Napangiti na lang ako. Ibang saya ang dinudulot sa akin ng magiging anak namin ni Vice.

"Ano ipapangalan mo kay baby?" Rinig kong sabi ni Madc. Bumangon naman ako sa pagkakahiga ko sa kama.

"'Di ko din alam eh. Saka ko na 'yan poproblemahin." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Hahahaha gaga ka. Icombine mo na lang 'yung pangalan n'yo ni Vice." Suggestion ni Madc.

"Good idea pero nababaduyan ako.. slight." Sabi ko sa kanya.

"Ewan ko sa'yo. Bahala ka na. Basta ako ninang ha." Sabi niya. Natawa na naman ako.

"Oo na. Oo na."

Vice's POV

Kakauwi ko lang galing sa trabaho. Ramdam ko naman ang pananakit ng katawanko kaya pasalampak akong umupo sa sofa at pumikit.

Iminulat ko na din agad ang mata ko para hanapin si Jaki pero nabigo ako. Tumayo ako at tiningnan 'yung kwarto niya kung andodoon ba siya pero wala din. Halos nalibot ko na ang buong bahay ko pero wala pa din akong nakita kahit anino man lang nito.

Lumapit naman ako sa isang angel ko at tinanong ito.

"Jacque, si Jaki?" Bahagya akong natawa dahil sa sinabi ko.

"Si Ms. Jaki po? Umalis siya Ate." Sabi ni Jacque.

"Saan daw pumunta?" Tanong ko pa sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya.

Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan ito. Jusme, saan ba naman kasi nagpunta 'tong babaeng 'to e. Ni hindi man lang nagpasabi kung saan pupunta.

Hinahanap ko pa lamang sa contacts ang pangalan ni Jaki ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto. Agad akong lumingon doon para tingnan kung si Jaki na ba 'yung dumating at hindi naman ako nabigo.

Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon