Chapter 25

606 25 7
                                    

Jaki's POV




Ilang araw na ang nakalipas simula nung mga pangyayaring naganap sa hospital. Papunta ako sa ABS-CBN Building ngayon para mag-file ng leave. Si Vice na din kasi mismo ang nagsabi sa akin na gawin 'to dahil baka daw makasama sa baby ko kung ipagpapatuloy ko ang pagsasayaw ko habang buntis ako.




Eh hindi na ako makatanggi pa dahil kahit anong sabi kong ayoko, nagpupumilit siya.





Nang makapasok ako sa loob ng building ay agad akong dumiretso sa office ni Direk Bobet. Kumatok muna ako bago buksan 'yung pintuan at doon ko nakita si Direk na may kinakausap sa cellphone niya.





"Good Morning po Direk." Mahinang bulong ko dito. Nginitian lang niya ako at pinaupo sa upuang asa harap ng table niya. Sinenyasan niya din ako ng 'sandali lang.'





Ilang minuto ang nakalipas at nakita kong ibinaba na ni Direk Bobet 'yung cellphone niya. Umupo na din siya sa kanyang upuan.






"Good Morning Jaki, bakit ka napadalaw?" Tanong sa akin ni Direk Bobet. Nginitian ko lang siya at iniabot 'yung folder.






Binuksan niya 'yung binigay kong folder at binasa. Kita ko naman ang pagkunot ng noo niya. Lumipat ang tingin niya sa akin.






"You're filing a leave for a year Jaki? Why? May nangyari bang masama? May na---"






"Hindi naman po Direk. Gusto ko lang po mag-leave saglit para makapag-isip isip. Simula po kasi nung sumikat ako dahil sa banter namin ni Vice ang dami nang sinabi sa akin ng ibang tao. Ang daming masasakit na salita ang nababasa ko. I want to unwind Direk. Please, payagan niyo po ako." Pagsisinungaling ko dito.






Napag-usapan namin ni Vice kung anong dahilan ang sasabihin ko kay Direk sa araw na magfa-file ako ng leave. Hindi naman purong kasinungalingan 'yung sinabi ko sa kanya kasi totoo naman na ang daming pambabash mula sa mga tao ang nakikita't nababasa ko pero hindi kasi 'yun 'yung main reason kung bakit ako maglileave eh. Alam niyo na 'yun.








"Jaki, naiintindihan kita. Halos lahat ng nakasalamuha kong artista sa industriyang ito, nakakatanggap ng pambabash mula sa mga tao. Sobrang toxic talaga ng social media Jaki. Hindi na natin 'yan maiiwasan pero mas maganda kung mag-focus tayo dun sa good side ng pagiging sikat mo nang tao." Saglit na tumigil ng pagsasalita si Direk.







"Kung madami ka mang nababasa na mga hindi kaaya-aya sa paningin, 'wag mo na lang silang pansinin. Siguradong may nagsabi na din sa iyo ng payo na ito pero kung hindi mo man maiwasan, better kung makipag-bond ka sa family mo. Andito naman kami, pwede mo kaming kausapin dahil parte ka na din ng pamilyang ito, Jaki." Nanlalambot 'yung puso ko dahil sa mga binibitawang salita ni Direk sa'kin pero mukhang hindi magwo-work out 'yung plano ko. Kailangan kong makapag-file ng leave.








"Ah Dir---"







"Jaki, isa pa.. alam mong madaming tao ang sumusuporta sa tambalan niyo ni Vice. Madaming tao ang inaabangan kayo tuwing magsisimula na ang Ms. Q and A. At kapag hindi ka mapapanood ng mga tao ng isang taon, lalo na't hindi pa tapos ang segment na 'yun, madaming tao ang madidismaya Jaki. Madami nang tao ang nagmamahal sa inyo ni Vice." Pagpapaliwanag ulit nito. Napapikit na lang ako.







"Direk, kailangan ko po talagang makapagpahinga eh. Kung gusto niyo po, aantayin ko na lang na matapos ang Ms. Q and A tsaka po ako aalis." Sabi ko dito. Napapunas naman si Direk sa mukha niya at ipinatong ang baba niya sa dalawa niyang kamay.









Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon