Chapter 01

136K 2.9K 225
                                    

SAVANNAH

"THANK YOU, ATTORNEY Del Valle. Hindi ako nagsisi na ikaw ang kinuha naming abogado. You're such an eminent lawyer." Pinagmasdan ko pa ang pakikipagkamay ng kliyente sa isang tanyag na Atty. Godwill Del Valle—ang tinitingalang abogado ng marami dahil sa magandang reputasyon at napakalinis niyang record, na kahit minsan ay hindi pa natatalo mula sa ano mang kaso na hinawakan niya.

Naibaba na ang hatol at naipanalo niya ang laban. Hindi na iyon bago at kahit sino ay inaasahan na ang tagumpay niya. Napawalang sala ang lalaki sa kasong murder, but I didn't know if he really killed someone. Ang importante sa kanya at sa kanila ay malaya na sila. Napangiti ako nang mapait nang muling manumbalik sa alaala ko na isang attorney Godwill Del Valle rin ang siyang dahilan kung bakit ako nakulong. He was the lawyer of the other party at siya ang nagdiin sa akin sa kasong hindi ko naman ginawa. Ito ang walang pusong lalaki na hindi man lang ako pinakinggan sa mga paliwanag ko, but look how playful destiny was. Wala akong kahirap-hirap na makalalapit sa kanya. Napalingon siya sa akin at mukhang gulat na gulat siya na makita ang isang Elleria Andrada.

It was good to be back with a new face. Ilang taon din akong namalagi sa States para pag-aralang mabuti ang katauhan ni Elleria, na ultimong pangangatawan niya ay napilitan pa akong mag-gym makuha ko lang ang sapat na bikas ng bawat parte niya. And now, I was ready to face all of the people who ruined my life, at kasama na roon ang isang Godwill Del Valle. He would be the key to my sweetest revenge.

"Elleria?" Gulat itong napalapit sa akin at matamis akong napangiti sa kanya.

I laid my hands on his broad and chest and gently caressed it. "Missed me?"

"What the hell are you doing here?" nanggagalaiti nitong tanong sa akin at hinila niya ang braso ko palayo sa maraming tao. Ngumisi akong hinaplos ang maamong mukha ni Godwill.

"Hindi ka ba masaya makita ang asawa mo?" mapang-asar kong tanong sa kanya. Godwill Del Valle was the secret husband of Elleria Andrada. It was a fixed marriage between them, and as far as I knew, itinago nila sa maraming tao ang tungkol sa kasal. They just married each other dahil sa utos ng pamilya ng bawat isa, and they had a deal that they wouldn't involve each other in their lives unless the family codes required them to.

"We have an agreement, remember? Anong kailangan mo?"

Natatawa ako sa naging tanong niya. It was my first time to meet the most prominent and respected attorney as Elleria, and I never thought na ganito siya ka-straightforward. "Nothing, I just want to see you."

"Don't play games with me, Elleria. We didn't grow up together for nothing. I know you well."

Oh, and I forgot that they grew up together. Pero ayon sa background ni Elleria at Godwill, hindi sila magkaibigan. They were forced to like each other, pero talagang mainit ang dugo ni Godwill sa isang Elleria dahil sa bitchy attitude nito. Napangiti akong hinawi ang buhok ko at inilapat ang labi sa tainga niya. He smelled good—it was something sweet with a touch of fresh mint, but still a manly scent that every woman would love.

"I want to live with you," diretso kong bulong sa kanya.

He was the one who held my case before as Savannah Imperial-Fortaleza, and it would be easy for me na makilala ang mga tao sa likod ng pagkakakulong ko kung mapapalapit ako sa kanya. He was the only way to have my revenge and find justice—hindi lang sa pagkamatay ng asawa ko kundi pati sa ilang taong pagkakakulong ko.

"It's beyond our contract," mahinang bulong niya, and obviously ay nagpipigil siya na sumabog sa inis. What a hotheaded man. Mukha siyang kalmado sa harap ng korte pero mukhang mainit ang dugo niya sa isang Elleria.

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon