Chapter 30

46.6K 1.6K 251
                                    

SAVANNAH

"I'M ATTY. ORANGE Troy Sarmiento. Hindi ako sigurado kung naalala mo pa 'ko, Savannah," pagpapakilala ng isang lalaki. Siya iyong kasama ni Will noon sa bar na kumindat pa sa akin. Seryoso ang tingin niya at hindi tulad ng unang beses na puno siya ng sigla. Those eyes he had reminded me of him—Godwill. He had the same features as this man.

"N-Naalala kita," nanginginig kong sagot sa kanya at kahit ilang araw na ang lumipas simula nang mapatay ko si Logan at Elleria ay parang sariwa pa rin ang lahat sa isip ko.

My body kept shivering in fear and sadness. There was no peaceful night as their cries haunted me every night. How could I sleep knowing that he was suffering from a sin he didn't do? I killed them, I was a killer.

"Good, then I want you to trust me," he said, but I wasn't sure about him.

Tulad ng sinabi ni Will sa akin ay dumiretso ako kay Gigi. She was shocked to see me bathed in blood, but she still helped me take a bath and clean everything—like she knew about what happened. At ngayon nga ay pinapakausap niya ako sa isang abogado.

Hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko sila ngayong alam nilang ako si Savannah, but I didn't have any choice but to follow Will.

He sighed deeply and held my hand. Nanginig ako sa kaba at naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko.

"Trust me, Savannah. Will sent me here to help you at kailangan mong makipagtulungan sa akin para makalaya si Will."

Napatingin ako sa kanya sa sinabi niya.

"M-Makakalaya si Will? Sigurado ka ba?" Naninikip ang dibdib ko sa tuwing naiisip ko na si Will ngayon ang nakakulong at hindi ako.

Alam ko kung gaano kahirap ang sitwasyon niya ngayon, na wala siyang ibang kasama roon at pwede pa siyang masaktan sa loob.

Ang mas kinakabahala ko rin ay iyong sinabi ni Gigi na pwede talagang nasintensiyahan si Godwill at mawalan ito ng lisensya sa pagiging abogado. Nang dahil sa akin, pwedeng mawala lahat ng pinaghirapan niya.

Bakit? Bakit mo kasi iyon ginawa? Sana hinayaan niya na lang ako, sana ako na lang ulit ang nakulong. Oo, takot na ako bumalik sa kulungan, pero hindi ko rin matanggap na habang malaya ako ay may ibang tao ang nagdurusa—at si Will, si Will pa iyon, ang hirap tanggapin. Oras-oras kong sinisisi ang sarili ko sa mga nangyari.

"Yes, I won't let him stay in jail. Kahit ubusin ko ang daliri ko sa kamay makalaya lang si Godwill, gagawin ko, but this will only be possible if you help me."

Paulit-ulit akong tumango sa kanya at mahigpit ko pang hinawakan ang kamay nito.

"K-Kahit ano gagawin ko. Sabihin mo lang, basta ipangako mo sa akin na makakalaya siya."

Tears streamed down my cheeks and my heart ached as guilt and pain wrapped around my heart. Kahit anong iutos nila sa akin, gagawin ko para lang makalaya si Will.

"You have to tell me everything that happened. Walang pagtatakip o kahit konting pagsisinungaling. It will help us para maging malinaw ang pagdepensa ko kay Godwill."

Tumango ako sa kanya at kahit masakit sa dibdib ko, sinabi ko lahat. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ko para magkwento.

Nainikip ang dibdib ko at parang masisiraan ako ng ulo nang maalala ang mga nangyari. Hindi pa rin ako makapaniwala kung paano ko iyon na gawa, ang alam ko lang ay nadala ako masyado ng emosyon ko at iyong mga bulong sa isip ko.

At nang matauhan ako, nagulat na lang ako nang makita ko na napatay ko sila.

"You mean you caught them having sex?"

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon