Chapter 04

69.6K 2K 233
                                    

SAVANNAH

"A-ANONG GAGAWIN KO? P-Paano kung...kung...kung malaman niya? Baka nga may alam na siya o nakakaramdam," nanginginig kong tanong kay Dr. Yoon. I'd told him what happened between Godwill and I, but he was calm while feeding his fish, never glancing at me.

Goodwill's words seemed like he noticed I wasn't the real Elleria, and it was my fault. I become careless and hasty. But I won't let my plan go to ruins because of him—I won't let it happen, but how could I do that? Mukhang nakakaramdam na siya.

"Calm down, Savannah. He will never know unless you admit it." Humarap na sa akin si Dr. Yoon at nag-reflect pa ang suot niyang salamin mula sa ilaw, kaya hindi ko gaano natanaw ang singkit niyang mga mata.

He was a plastic and cosmetic surgeon who gave me a new face with the help of another surgeon. Malala iyong naging damage sa akin kaya kailangan ng dalawang doctor bago maiayos ang mukha ko, and luckily, they succeeded. Unfortunately, it was no longer my face.

Noong una, hindi ko talaga matanggap na papalitan nila ang mukha ko gamit ang mukha ng iba. Pero tama si Dr. Yoon, wanted pa rin ako sa mata ng batas, kaya hindi ako pwedeng lumabas bilang si Savannah. Nawalan na ako ng gana at pag-asa hanggang sa ipinaunawa sa 'kin ni Dr. Yoon ang lahat. Sa huli ay pumayag na rin ako gamitin ang mukha ni Elleria, lalo na nang malaman kong asawa niya iyong abogado na nagdiin sa akin—si Godwill.

Nakaplano na sa akin—sa amin ni Dr. Yoon ang lahat, kaya hindi ako papayag na masira ang lahat. Naguguluhan ako kung bakit ba kasi 'pag kaharap ko na si Godwill ay bigla akong nawawala sa sarili, nakakalimutan ko na ako dapat si Elleria. May kakaiba sa kanya na tila kaya niyang basahin iyong bawat kilos ko. Kinakabahan ako sa mga tingin niya, at iyong boses niya, nakakapanindig balahibo, but all those things felt good at the same time.

"Dr. Yoon, wala ka na bang ibang alam na impormasyon tungkol kay Godwill?" hindi ko matiis na magtanong. I couldn't hold him by his neck if I didn't know anything about him. Masyadong kaunti ang impormasyong mayro'n ako laban kay Godwill.

Nagsalin ng tsaa si Dr. Yoon at inabot pa nito sa akin ang isa. Iniabot niya rin sa akin ang gamot ko. Kapag masyado akong nagpa-panic, binibigyan niya ako ng gamot para kumalma. May ilang vitamins din siyang pinapainom na makatutulong para hindi magkaroon ng problema ang pagkakaretoke sa akin.

"Wala, galing siya sa pamilya ng mga Del Valle kaya confidential ang mga background nila," diretsong sagot niya.

Tumango-tango kong nilagok ang gamot at ginawa kong tubig ang tsaa. "So, what should I do? Hindi pa ako nakakapagumpisa. Ayoko na matapos na lang ito na walang nakakamit na hustisya," sabi ko rito at unti-unting natigil ang panginginig ng kamay ko. Mukhang tumalab na ang gamot.

Bahagya niyang inangat ang salamin at tila nag-iisip. May kinuha pa siyang folder at inabot sa akin. Napatitig ako rito bago sinilip ang laman.

"Anastacia Valdez, Elleria's best friend since she left for college. Tasya ang tawag sa kanya ni Elleria. Why don't you try to visit her? Sigurado ako na sa kanya, marami kang makukuhang impormasyon tungkol kay Godwill. Malaki ang tiwala sa kanya ng totoong Elleria."

Napatingin ako sa background ni Anastacia bago binalik ang tingin ko kay Dr. Yoon na umiinom ng tsaa, "You think it will be safe? She's a trusted friend of Elle, baka magkaroon tayo ng problema."

Walang pagbabago ang ekspresyon sa mukha niya habang marahan na ibinababa ang tasa ng tsaa sa lamesa. "Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan."

Napatango ako sa kanya. He had a point. Wala akong ibang choice ngayon kung hindi puntahan ang matalik na kaibigan ni Elleria. Ang totoo, marami siyang kaibigan, pero kilala lang siya ng mga ito 'pag may kailangan o sa mga kalokohan.

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon