Chapter 13

52.2K 1.6K 190
                                    

SAVANNAH

I WORE A white off-shoulder flounce bandeau top with a high-waist bikini bottom, emphasizing my curves. Halos lahat ng madaanan ko ay napapalingon sa akin at hindi ako nahihiya na irampa ang katawan ko. Kahit noon pa man, ito lang ang kaya kong ipagmalaki bilang si Savannah, makinis ako at kahit may isa na akong anak, hindi iyon halata. Nasira lang din ang kutis ko dahil sa sunog, pero nagawan ng paraan ni Dr. Yoon iyon.

Nilasap ko pa ang sariwang hangin at dinig ko kung gaano kalakas ang paghampas ng alon. This was it! I really loved this kind of place. Mahilig talaga ako sa ganitong mga outing kaya nga ang saya ko noong sabihin ni Will na sa beach kami pupunta.

"Elleria!" Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Nakita ko pa na kumakaway sa akin si Fred. Siya iyong sumalubong sa amin ni Will nang makarating kami rito at kung tama ako ng pagkakaalala...isa rin siyang abogado at kasama ni Godwill sa may law firm.

Nakangiti akong naglakad papunta sa isang kubo at doon ko nadatnan iyong mga kasama namin ni Will, pero bakit wala siya?

"Wow! Ang sexy mo, Ate Elleria," sabi ni Gigi. Assistant nila ito sa firm at pinakabata sa kanilang lahat.

"Thanks. Nasaan si Godwill?" tanong ko at sabay-sabay silang ngumuso sa likuran ko. Napalingon ako at nakita ko si Will na may kausap sa cellphone niya.

"Akala ko ba mag-c-celebrate kayo? Bakit trabaho pa rin ang ginagawa niya?" tanong ko muli. Inabutan ako ni Glen ng paper plate. Nabanggit nila sa akin kanina na treat pala ng isang kliyente nila ang outing ngayon.

Pulitiko iyon kaya galante at siyempre, absuwelto ito kaya nag pa-outing. O, 'di ba, bigatin ang mga kliyente ni Will. Kaya pala nakainom rin siyang umuwi dahil sa nauna na siyang imbitahan ng kliyente niya para magpasalamat. Kwento lang sa akin ni Fred at Glen na siyang kanina pa ako dinadaldal.

"Workaholic talaga 'yang si attorney," natatawang kumento ni Fred.

"Kaya nga hanggang ngayon single pa rin," dagdag ni Chariz. Isa rin siya sa mga tauhan ni Will. Hindi nila alam na kasal si Elleria at Will kaya akala nila ay single pa rin ito.

"Hinihintay pa kasi ako ni Attorney D," kinikilig namang singit ni Gigi na kinasimangot ko sa kanya at muntikan ko nang ihampas sa ulo niya ang paper plate.

"Ang bata mo pa kaya huwag kang malandi," diretso kong pangaral sa kanya at nagtawanan ang iba habang humahaba ang nguso nitong si Gigi.

"Makikita n'yo, ika-crush back din ako ni Attorney D," nakangusong sabi ni Gigi at tinawanan ulit siya ng mga kasama namin.

Crush niya si Godwill at obvious iyon, dahil pagdating pa lang namin dito ay para na siyang linta kung makadikit kay Will. Gusto ko na nga siyang lunurin sa dagat at sampalin sa gigil ko. Hindi ko lang magawa dahil ang pakilala sa akin ni Will sa kanila ay isang kakilala lang. Oo, kakilala lang, hindi man lang niya sinabi na friends kami o kaya kahit GF man lang. Nasaan ang hustisya roon, 'di ba? Itinanggi niya na nga ako bilang asawa tapos sasabihin niya she's just someone I know. Nanggigil talaga ako sa kanya! Asar!

"Sigurado ako, si Police Captain Cruz na naman ang kausap niya," ani Fred habang kumukuha ng isda at ako itong kumuha ng barbecue.

"Hanggang ngayon ba hindi pa rin close ang kaso na 'yon?" tanong ni Chariz.

Okay, outing ba talaga ang pinunta nila rito? Akala ko ba si Will lang ang workaholic, pero bakit pati sila puro trabaho pa rin ang na sa isip at pinaguusapan?

"Shhh...huwag kayong magulo, may bata," singit ni Glen at sabay-sabay pa silang napatingin kay Gigi na kulang na lang ay literal na pumupuso ang mata habang nakatitig kay Will. Hindi ko tuloy napigilan na kurutin ang tagiliran niya.

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon