Chapter 23

46.9K 1.5K 395
                                    

SAVANNAH

NAPATITIG AKO SA board na ginawa ko, at labag man sa loob ko ay inilagay ko pa rin ang litrato ni Elleria sa board. She had something to do with my case.

Ayoko isipin na may posibilidad na siya ang pumatay kay Logan, pero sa mga nangyayari, marami akong nakikitang koneksyon niya sa asawa ko.

Mula sa fake CCTV, iyong sa Davao, iyong koneksyon niya kay Luis at Logan at ito...itong hikaw na 'to.

Hindi ko maiwasan sikipan ng dibdib nang maalala ko na kung saan ko ito nakita noon.

"Ate, sa 'yo ba 'tong hikaw? Ang ganda. Pahiram ako ah, gagamitin ko lang sa may student night," sabi ni Caine at lumapit ako sa kanya. Kukuhanin ko na sana iyong hikaw para tingnan nang mabuti nang maunahan ako ni Logan.

"Caine, 'wag kang pakielamera."

"E Kuya, hihiramin ko lang. Isa pa, lalaki ka. Bakit ka may hikaw?" tanong ni Caine at ako rin ay napalingon kay Logan. Nagtataka ako at hindi siya makatingin sa akin nang diretso.

"Oo nga, Logan. Bakit may hikaw ka? Patingin nga ako."

"Sa kliyente namin 'to. Bigatin iyon kaya kailangan suhulan nang konti," sagot niya. 'Pag medyo malalaking tao ang customer nila, minsan talaga ay may padulas sila. Gano'n din naman kami sa kompanya...pero kasi...

"O, 'di ka naniniwala? Tawagan mo si Luis o kaya si Sir Gory. Sige na, tawagan mo nang hindi ka magduda, baka hindi ka pa makatulog niyan." Inabot pa niya ang cellphone niya sa akin pero umiling ako sa kanya.

"May tiwala ako sa 'yo, Logan, kaya sana 'wag mong sirain lalo na ngayon na magkakaanak na tayo," sabi ko rito at biglang lumiwanag ang mukha niya mula sa pagkakasimangot.

"Magkaka-baby na tayo? Magiging tatay na 'ko?"

Nakangiti akong tumango sa kanya at mabilis ako nitong niyakap at pinupog ng halik. Binuhat niya rin ako at natatawa ako nang sigaw ito nang sigaw sa tuwa.

"Hoy, Caine. Bumili ka ng pagkain, bilisan mo, mag-celebrate tayo! Wooo! Magiging daddy na 'ko!"

THAT WAS THE day I told him that I was pregnant, kaya hindi ko agad namukhaan iyong hikaw dahil sa mas tumatak sa isip ko iyong tuwa sa mukha ni Logan at agad kong nakalimutan ang tungkol sa may hikaw.

But now, it was starting to get clear...sana nga lang talaga ay naging kliyente lang ni Logan si Elleria dahil kung hindi...hindi ko alam kung anong kaya kong gawin at kung matatanggap ko ba na ang mukhang mayro'n ako ngayon ay ang mukhang dahilan ng pagkamatay ni Logan.

Ngayon pa lang parang gusto ko nang saksakin ang totoong Elleria sa sobrang galit na nararamdaman ko.

Naninikip ang dibdib ko at hindi mapigilan ng kamay ko ang manginig sa sobrang galit. Huwag lang ikaw, Elleria, dahil parang sumpa sa buhay ko na mukha mo pa ang ginamit ko para sa hustisyang hinahanap ko.

Hindi ko matatanggap, hindi ko kailanman matatanggap!

"Savannah."

Mabilis kong napahid sa luha ko nang marinig ko ang boses ni Will. Lumapit siya sa akin at mabilis kong itinago ang board sa ilalim ng kumot.

Napansin niya iyon pero hindi na siya nagbanggit pa ng kahit na ano.

"Hindi ka pa nakabihis." Gusto niya ako isama sa firm pero wala akong oras sa kahit na anong bagay. Nauubos na ang oras ko at kailangan ko nang mahanap ang salarin. Hindi ko pwedeng unahin ang kagustuhan ko na makasama si Will lalo na ngayon na alam na ni Elleria na may pekeng Elleria.

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon