Special Chapter 2

82.9K 2.6K 617
                                    

SAVANNAH

I SIGHED AS I looked at myself in the mirror. I still had Elleria's face, and according to Dr. Yoon, it would be harmful for me to have another session of plastic surgery.

Yes, I was still talking to and visiting Dr. Yoon, but not like before. And besides, Tasya was right, he was a good man. Palagi niya rin binibisita si Tasya sa kulungan. He gave her food and showed his care and unconditional love, at masaya ako para kay Tasya na sa kabila ng lahat ay hindi siya tinalikuran ng mga taong mahal niya at handa silang maghintay sa pagbabalik ni Tasya.

I just couldn't deny that I was still hoping that someday, makikita ko rin ulit ang mukha ko, but it seemed imposible. Bukod sa buntis ako ngayon, malala ang naging damage sa akin ng pagkasunog ko noon. Buti nga raw ay hindi gaanong nasunog ang balat ko nang dukutin ako ni Elleria, at kung hindi ay malaking problema iyon.

Okay lang sa akin kung ito na ang mukha ko kahit minsan masakit pa ring isipin na ito ang sanhi ng lahat. Hinawakan ni Will ang kamay ko and I looked up.

He was smiling as he kept his eyes on the road.

"Don't worry, wife. It doesn't matter what you look like. I love you more than yesterday."

I smiled and held his hands. "I know...I-I just miss my face," I said and it was true. Okay na, tanggap ko nang hindi ko maibabalik ang mukha ko, but there was a part of me that wanted to see my old face again.

It was hard to explain and understand my agony, but who wouldn't wish for that? My smile, the way I blink my eyes, my cheeks—everything. I missed everything.

"Ayoko talagang nakikita kang malungkot lalo na ngayon, baka simangot ang baby natin paglabas," biro ni Will at sinulyapan niya pa 'ko.

"Papasayahin mo 'ko? Anong gagawin mo?" paghahamon ko kay Will. One week pa lang simula nang makalabas siya at walang araw na hindi ako tumawa o ngumiti.

He gave me everything I asked for. Minsan nga, kahit wala na akong kailangan, hihiling pa rin ako para pagtripan siya and he never complained.

"Secret."

I pouted and played with his fingers. "Tell me, where are we going?" tanong ko nang mapansin na hindi ito ang daan pauwi sa amin.

"To your happiness."

"Ikaw kaya happiness ko," sagot ko kay Will and he flushed. "Kinikilig ka."

Tumawa kaming dalawa and I hoped we could last forever like this. Nagsisimula pa lang kami at marami pa akong pagdadaanan, but I knew we could conquer them all as long as we were together.

"We're here." Huminto kami sa tapat ng isang bahay at naguguluhan akong napatingin kay Will, pero nakangiti lang siyang bumaba.

Ano ito? Bagong bahay namin? 'Di gaanong kalakihan iyong bahay kung ikukumpara sa bahay niya at isa pa, medyo malayo ito sa siyudad.

Umikot si Will at pinagbuksan ako ng pinto. Maingat niya 'kong inalalayan sa pagbaba. Ipinulupot din ang braso niya sa bewang ko at naglakad kami patungo sa tapat ng pinto.

Kinakabahan ako. I wasn't sure what awaited us behind this door, but Will pushed the button. Tumunog ang doorbell and my mouth was dry. I swallowed hard.

Marahan pang hinahagod ni Will ang bewang ko at siguradong dama niya ang tensyon ko, but his genuine smile, the spark in his eyes told me that there was nothing to be worried about, but what was wrong with me? I couldn't help but feel nervous.

Parang slow motion kong nakita ang pag-ikot ng doorknob and my eyes focused on the door, and as it opened, my heart pounded, my eyes widened and became teary.

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon