Chapter 05

67.2K 2.3K 367
                                    

SAVANNAH

MARAHAN KONG PINIHIT ang doorknob at kagat-labi ko pang tinulak ang pinto. Iniwasan ko makagawa ng kahit na anong ingay. Napasilip ako at bumungad sa akin ang natural na amoy ni Godwill. It was really addictive, and I almost forgot why I was secretly invading his room.

Lumingon ako sa may kama at kita ko na tulog pa ang straightforward na abogado. Dahan-dahan pa ako lumapit sa gilid, at parang giraffe rin ang ulo kong sinisilip kung talagang tulog pa siya. Iwinagayway ko pa ang kamay ko malapit sa mukha ni Godwill at mukhang malalim ang tulog niya. Nakahinga ako nang malalim at diretsong tumayo bago namaywang at ismid na tinitigan ito.

In fairness ah, ang gwapo niya. Hindi na ako mag-iinarteng aminin iyon, at dahil topless siya, kitang-kita ko kung gaano kalapad ang mga balikat niya, slim ang bewang. And damn! Look at those six pack abs, ang yummy! Walang ganyan si Logan dahil may unity ang abs n'on. Malakas kumain pero tamad mag-exercise kaya laging napagkakamalan na dalawang buwang buntis. Pero itong lalaking 'to, hindi ko siya nakitang mag-exercise, but he had this perfect body, and what really caught my attention was the deep v-line. My eyes slowly peered down between his thighs and I bit my lower lip when I saw the bulge in his boxer shorts.

Natutulog naman siya, 'di ba? Pero bakit parang gising na gising iyon? Hindi ako inosente sa ganyan dahil may asawa na ako at anak, but looking at his living weapon, it was bigger than what I'd seen and expected for a man. Napailing ako sa naisip ko at humigit ng malalim na paghinga.

Kumalma ka Savannah, baka it's a fake! Like ng mga nagpapa-inject ng petroleum sa ari nila, so there's a chance na hindi na active ang sex life ng lalaking ito. Tama, baka iyon ang reason kung bakit iniwan na siya ni Elleria, wala nang tumitigas.

Mahina ko pang sinampal ang sarili ko sa mga naiisip. Ilang taon na rin akong hindi nadiligan kaya siguro ganito na ako mag-isip.

Kalma lang, Savannah.

Hindi ka dapat mag-aksaya ng oras ngayon at hindi ito ang panahon para magpantasya. Kailangan kong maghanap ng ebidensya o kahit ano man lang na magtuturo sa akin sa katotohanan bago ulit ako lumandi.

Tama! Katotohanan muna bago wakwakan.

Inilinga ko ang mga mata sa buong paligid at hindi ko malaman kung saan ako magsisimula, pero napansin agad ng paningin ko iyong tantra. Kung sa sala may kulay puting tantra, rito naman ay may kulay pula. Seriously, what was with that sofa? Mukhang collection niya yata iyon. Magre-research na lang ako mamaya tungkol sa tantra, but for now, I needed to move quickly.

Lumapit ako sa isang malaking cabinet at maingat iyong binuksan. Wala man lang alikabok ang lumipad at sobrang ayos nang pagkakasalansan ng mga gamit, parang sukat na sukat iyong distansya ng bawat damit at kahit ang pagkakatupi ay pantay-pantay.

Napalingon tuloy ako kay Godwill. Sa itsura ng bahay at pamumuhay niya, halatang may pagkametikuloso ang lalaking ito. Malinis, maayos, detalyado, at halatang pinag-iisipan ang bawat galaw niya. Kung kaya ko lang siyang paikutin sa kamay ko, sigurado na magiging madali sa akin ang lahat, but I doubted he'd help me as Elleria. Halatang hindi talaga sila magkasundo ni Elleria. Akala ko magiging madali ang lahat, pero iba ang takbo ng sitwasyon at hindi iyon nakaayon sa akin.

I winthdrew my eyes from him and focused on my plan. I anxiously looked around his things, but I didn't see anything. Isinara ko ang cabinet at marahan akong naglakad papunta sa may mini table, at bahagya pa nga ako natigilan ng mapansin ko nang gumalaw si Godwill.

Natuyo ang lalamunan ko nang tumagilid siya at akala ko ay magigising na siya. Dahan-dahan ulit akong naglakad at isa-isa kong sinusuri ang mga papel na nakalagay sa lamesa. Lahat ng iyon ay tungkol sa mga kasong hawak niya, pero wala akong makita na may kinalaman sa akin.

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon