Chapter 07

59.9K 1.7K 416
                                    

SAVANNAH

I CHEWED MY lower lip and furrowed my eyebrows at scattered papers on my bed. I kept on analyzing how Godwill manipulated those gathered pieces of evidence against me, but every file and paper seemed to be real and genuine, and there was no sign of any form of alterations or concealment. I glanced at a piece of paper, trying to find things that will invalidate the arrest.

Walang arrest warrant ang mga pulis nang damputin ako kaya naisip ko na baka pwede akong mapawalang-sala ng mga oras na iyon, but there was a statement here that said in flagrante delicto. Wala akong masyadong alam sa batas dahil sa IT ang kinuha kong course noong undergrad pa ako at likas na wala akong pakialam sa mga bagay-bagay.

But now in this situation, I needed to search for things that could help me. Binuklat ko ang libro na kinuha ko sa opisina ni Godwill. It contained legal and technical terms that weren't familiar with me and I stopped when I found those words. In flagrante delicto was being caught in the act—they arrested me because they caught me killing Logan? Pero hawak ko lang naman ang kutsilyo at hindi ko siya sinaksak.

"Fuck!" Inis akong napasabunot sa sarili ko. Nahihirapan na ako mag-isip at lalong hindi ko akalain na ganito pala kahirap ang maghanap ng hustisya. Now, I couldn't blame those persons who put justice in their hands because revenge was the easiest way. Ang pinagkaiba lang, hindi ko alam kung kanino ako gaganti. Muli kong hinalungkat ang mga papel hanggang sa huminto ako sa isang litrato, CCTV footage ito sa bahay namin—teka parang may mali...parang...

Bigla akong natigilan sa pagtingin dito nang makarinig ako ng sasakyan na parating. Mabilis kong tinakpan ng kumot ang mga papeles at nagmamadali akong lumabas ng kwarto at bumaba. Kumunot ang noo ko nang makakita ng isang hindi pamilyar na sasakyan. OMG! Siya na ba ang sinasabing bisita ni Will? Tumawag siya sa akin kanina at sinabi niya na may darating na bisita. Gusto pa ni Will na magpa-deliver ng pagkain pero mas pinili ko na lang ang magluto. Marunong akong magluto maliban lang du'n sa ibang mga Korean and Japanese food na madalas kainin ni Godwill at inggitin ako hanggang maglaway na lang ako sa gutom at pananakam. Buti na lang at iba pa rin ang pagkaing Pinoy.

Nagmamadali akong pumunta ng kusina at mainit pa lahat ng pagkain. Feel na feel ko ang pagiging ulirang asawa kay Godwill kaya dapat responsibilidad niya rin na maging mabuting asawa kahit sa kama lang. Okay na ako roon. Hihihi.

Lumalandi na naman ang utak ko at kundi ko pa narinig ang pagtunog ng doorbell ay lamang na nalunod na ako sa kakapantasya kay Godwill. Hindi ko lang din talaga maintindihan ang sariling katawan kung bakit iba ang reaksyon nito kay Will kumpara kay Logan noon—para bang biglang nabuhay ang libido ko sa katawan. Hindi naman ako likas na malandi noon. Mababaliw ako sa kakaisip sa kung ano ang nangyayari kaya pinilig ko ang ulo para matauhan sa realidad. Nagmamadali kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang isang makisig at matipunong lalaki na sa tingin ko ay nasa mid-thirties to forties na siya. Bata kasi siyang tingnan.

Wait, I already saw him in pictures.

"He's Lee Castellano-Del Valle, Godwill's father."

Tama! Siya nga! Ang daddy ni Godwill. Biglang tumamis ang ngiti ko sa kanya dahil ito pala ang aking biyenan. In fairness ah, mas gwapo siya sa personal kaysa sa mga pictures pero hindi sila magkamukha ni Will. Oo, malayong-malayo ang itsura ni Will sa tatay niya, kaya baka naman sa nanay ni Will siya nagmana?

"Is he already here?"

"Wala pa, Dad," nakangiti kong sabi at kulang na lang ay literal na kuminang-kinang ang mga mata ko.

Dad.

Dad.

Dad.

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon