Chapter 09

56.7K 1.7K 265
                                    

SAVANNAH

I RECOVERED THE footage from my memory chip but I couldn't access Will's file to compare it with the one they presented in court. Pictures lang ang mayro'n sa folder kaya ako itong problemado kung paano ko malalaman kung saan may mali sa mga videos.

"Hello? Are you still on earth?"

Napakurap kong inirapan si Tasya as she waved her hand in my face. She nagged a lot like a baby who wanted attention from Elleria. Nakakairita na nga ang pagiging madaldal at makulit niya. Nakailang tawag din siya sa akin at gustung-gusto nito na magkita kami. Ayoko sana siyang siputin dahil busy ako pero ayaw niyang tumigil. At dahil hindi lang din ako makapag-concentrate sa sariling pag-iimbestiga ay pumayag ako na makipagkita kay Tasya.

"Where are we going? I told you that I'm busy." Pakiwaring tiningnan ko pa ang suot kong relo at sinadya ko na maramdaman niyang nagmamadali ako sa oras.

"Chillax, Elle. I'm gonna see the guy you recommended before. Iyong magaling mag-edit ng videos. Pagagawan ko ng scandal ang manloloko kong boyfriend. I'm gonna make him pay for cheating on me." Mahigpit siyang napahawak sa manibela ng sasakyan niya at nakita ko pa kung paano pumatak ang luha na agad niyang pinahid.

Iyon ang kanina niya pa kinukwento. Nahuli niya ang boyfriend niya na may kasamang ibang babae sa kama kaya nakipag-break siya rito, at ngayon balak niyang gumawa ng fake scandal. My God! Iba talaga ang nagagawa ng mga babae 'pag sila na ang niloko at nasaktan. On the other side, I felt guilty for being a harsh Elleria to her. Mukhang mabait itong si Tasya at mukhang siya lang itong nahawa sa pagiging bruha ni Elleria. Hindi ko tuloy mapigilang hawakan ang balikat niya at nagtutubig pa ang mga mata ni Tasya na napatingin sa akin.

I smiled at her sincerely, giving my deepest sympathy to her situation. "Yeah, he deserves that. I'll support you, we're friends, right?"

Sinubukan kong palakasin ang loob ni Tasya. Bilang babae, alam ko na masakit para sa kanya ang mga nakita niya at kahit papaano...sa maikling panahon ay nagkaroon ng puwang sa puso ko si Tasya. Ngumiti siyang tumango sa akin.

"Thank you, Elle. You're such a good friend. Without you, I wouldn't know where I'd be. Ikaw lang talaga ang kaibigan ko."

Based on her records, Tasya was a shy person and no one liked her because of her boring life—until she met Elleria and made her life wild as her. Kaya gano'n na lang kung sumunod itong si Tasya kay Elleria dahil pakiramdam niya ay nakahanap siya ng kaibigan sa katauhan ni Elleria, pero ang totoo, ginagamit lang siya ni Elleria para may mautusan siya at karamay sa mga kalokohan.

See how bad Elleria was? Kung ako itong si Tasya, hindi ako magpapaloko kay Elleria. Ako rin naman, halos parehas ng estado ni Tasya. Wala akong maraming kaibigan dahil nga sa boring akong kasama, kaya nga itong si Logan lang ang nagtiyaga, umintindi, at nagmahal sa isang katulad ko. Sa kanya lang ako nagiging makulit dahil komportable ako sa kanya, pero kay Godwill, ibang pagkakomportable ang nararamdaman ko sa kanya kaya hindi lang basta kakulitan ko ang napalabas niya pati na rin ang landi ko sa katawan.

Ano kayang mayro'n sa lalaking iyon at 'pag naiisip ko siya ay G na G akong mapawakwak?

"Si Bruce?" tanong ni Tasya nang makapasok kami sa isang store na puno ng mga camera, wires, gadgets, at kung anu-ano pang bagay na may kinalaman sa electronics at machines at wirings na naka-display.

"Kuya, may tao!" sigaw nang lalaki.

Sa isang eskinita lang kami sumuot nitong si Tasya. Hindi ko akalain na may mga alam na ganitong lugar si Elleria. Hindi siya mukhang sketchy na area, pero obviously, maraming mga tambay sa gilid at may mga bata pang nakahubad at naglalakad sa daan.

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon