Chapter 06

61.3K 1.8K 173
                                    

SAVANNAH

"FOR PRETENDING TO be Elleria."

I laughed hard at his face. He frowned at me, but it didn't stop me from laughing even though I was stupidly nervous inside.

"M-Me? W-What? Hahaha. Pretending to be Elleria?!" I faked a loud laugh and choked at his joke. Pakiwaring hindi ako makahinga sa sobrang tuwa sa sinabi niya. Tinabig ko pa ang kamay ni Godwill bago siya tiningnan nang seryoso. Umupo ako nang maayos, at kahit hiyang-hiya ako na humarap sa kanya nang hubo't hubad, I let him witness every inch of my body.

Ano pa bang ikahihiya mo, Savannah? Nilabasan ka nga sa sobrang sarap sa harapan niya tapos mahihiya ka? Wake up, you are no longer innocent for that.

Itinuro ko ang tagiliran ko kung saan kanina ay doon siya nakatingin at ngumising hinawakan ang baba ni Godwill.

"Dahil sa wala na ang peklat ko rito, inisip mo na agad na hindi ako si Elleria?" tumatawa kong tanong kay Godwill. May malaking peklat sa tagiliran si Elleria, and no one knew where she got that scar. Buti na lang ay nabanggit sa akin iyon ni Dr. Yoon, dahil kung hindi, buking na agad ako ni Godwill. I still found my excuse. Abogado nga siya at masyadong mapanuri si Godwill.

"I visited Korea last year and I paid half a million to remove that scar," pagdadahilan ko sa kanya at itinulak ko pa ito. Nanlalambot pa ang tuhod ko pero pinilit kong tumayo. Ayoko nang humaba pa ang usapan namin ni Godwill. Mahirap na, baka hindi ko na masagot ang mga tanong niya at tuluyan na akong mabuking. Masyado siyang matalino at mapaghinala, nararamdaman ko na simula nang dumating ako rito sa bahay ay palagi niyang binabantayan ang mga kilos ko.

Pinulot ko ang sariling damit at hindi ko nagawang tapunan siya ng tingin, pero ramdam ko ang mga titig niya sa akin. Nagtataasan lahat ng balahibo ko sa katawan at parang gusto ko ulit siyang sunggaban. Damn! I was in the middle of his inquisition but I was still daydreaming about him—how we'd spend the night in this room or how it felt to be in his arms. Anong katangahan ba ang sumasapi sa akin ngayon at nawawala ako sa sariling pag-iisip?

Stupid, Savannah. Pick up your senses. Remember, he was the man who imprisoned you for a long year, don't mess with him and don't you ever dare to fall into his tricks. But shit! I knew he wasn't good for me and I was sexually intimidated by his enigmatic charm, and nakakapanibago na kahit sarili ko ay hindi ko akalain na makahahanap ako ng lalaki na nag-uumapaw sa alindog.

Mariin kong kinagat ang ibabang labi at pasimple kong isinuot ang shorts bago ko siya ulit nilingon. Nakakunot pa rin ang noo niya at halatang hindi naniniwala sa akin.

Ngumisi ako. "Don't cross the line, Will. Oops! Baka madulas ang dila ko kay..." Panandalian akong natigilan at pinilit alalahanin sa isip ko ang isang voice recording ni Elleria. Mas lumapad ang ngisi ko at inilapit ko pa ang mukha kay Godwill. "Señorito Marvolo," nang-uuyam kong sambit sa isang pangalan, at agad kong napansin kung paano mahigpit na bumilog ang kamao ni Godwill.

Nagtagisan ang bagang niya at halatang gusto niya akong saktan pero hindi niya iyon pwedeng gawin sa isang Elleria. Hindi ko alam kung anong pinanghahawakan ni Elleria sa kanya pero naririnig ko pa ang boses ni Elleria sa isip ko.

Oops! Baka madulas ang dila ko kay Señorito Marvolo.

Iyon ang salitang laging binibitiwan ni Elleria, at ngayon, nakikita ko sa mata ni Godwill ang magkahalong galit at takot. Halos sugurin at sakalin niya ako sa klase ng tingin niya. Para siyang mabangis na hayop na handa akong sakmalain sa kahit na anong oras. Mukhang naiintindihan ko na kung bakit nahahawakan ni Elleria si Godwill sa leeg. Hindi ko pa alam kung anong ibig sabihin n'on, pero nakatanaw ako ng liwanag para mapasunod ko rin siya. Mukhang may iiniingatan si Godwill na higit pa sa reputasyon niya bilang isang abogado.

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon