Chapter 14

535 31 4
                                    


Chapter 14

Zhelle's pov

Pagkatapos ng kanta agad akong bumaba at dumeretso sa Cr narinig kong nagpalakpakan sila pero hindi ko na pinuna pa 'yon.

Parang bumabalik yung mga panahon na sinaktan ko siya ..

"Bakit ako pa yung may ganang magemote haha" nasabi ko na lang iyon ng wala sa sariling katinuan ..

Gustong gusto ko ng Sabihin lahat ng rason sakanya kung bat ko nagawa Yun pero alam kong Wala ring saysay kasi masasaktan ko ulit siya..

Inayos ko na ang sarili ko at lumabas ..

"This is Fem blush wine .. as you can see it has a very light color it has good quality because it is made up of blended white and red wine" nakita kong nagpatuloy ang pag eendorse niya.

Siguro nga dapat ko ng itigil ang kahibangan ko. Wala magandng mangyayari kung patuloy akong nagpapaapekto sa nararamdaman ko.

Nandito ako para humingi ng tawad at pagkatapos aalis na ako ng tuluyan sa buhay niya. Ganun lang dapat ang isipin ko at wala ng iba.

Patapos na rin ang pageendorse ng mga wine halos natikman na ng lahat ang lahat ng klase ng wine..

"Thank you for coming everyone, it's an honor  for us to have you this day. I hope you enjoyed our wine. "

"Can I make a schedule with you, Mr . Venry?" Tanung ng isang medjo may edad na lalaki. Nakipagkamay naman si Rence sakanya

"Ahh yes of course my secretary can handle it" sabay tingin sakin at tumango lang ako.

"Okay so we will go now good bye..by the way your wine is good , hindi talaga nakakapagtakang marami kayong naattract na big business owners. Magiging karangalan kung isa ako sa mapili mong partner."

"Walang problema Mr. Kurama, as long as everything is in line with our conditions." Tumawa lang silang dalawa bago ito tuluyang namaalam. Nakipagkamay rin siya sa ibang mga taomg gustong mag set ng meeting sakanya.

Mukhang karamihan sa kanila ay nakuha ni Rence ang tiwala. Masaya ako dahil umaayon lahat sa plano ang nagiging resulta.

Napatingin ako sa paligid at kapansin-pansin ang ibang mga anak na babae ng business owners ay nakatingin lng kay Rence na para bang gusto nilang angkinin.

" What are you looking at? Hindi ba sabi ko manatili ka lang sa tabi ko?"halos pagalit na bulong niya kaya agad akong lumapit sa likuran niya. Nagulat ako s panghuling tugon niya.

"Syempre dahil ikaw ang mag-aayos ng schedule ko sakanila kaya dapat nasa tabi lang kita kahit saan man ako mapunta." Napansin niya sigurong nagtaka ako sa unang sinabi niya kaya nagsalita ulit siya. Yumuko lang ako at umOO sakanya.

Ang swerte ko pa rin dahil malapit ako sa tabi niya kahit sa mga ganitong sandali lang.

"Congratulations Mr Venry! I bet you did a great Job , marami atang nagtiwala sayo." Bungad ng isang binata siguro ka edaran lang ni Rence ito.

Gwapo rin siya at matangkad siguro may lahi ang pamilya niya.

"I guess so." Nagkibit balikat lang si Rence. Muli kong ibinalin ang tingin ko sa lalaki ngunit agad din akong uniwas dahil nakatingin pala siya saakin

"Owh by the way , who is she?"

"My secretary" walang ganang sagot niya. Nakakahiya naman magpakilala sa mga ganitong karespetadong tao.

Zhellaire's Affliction (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon