Chapter 25

469 23 4
                                    

Hawak hawak ng isang ina ang kanyang anak kasama ang kanyang asawa at masayang pinagmamasdan ang kanilang mala anghel na anak .

"She is really a blessing that I really thanked for and wished for" sabi ng ama

"She is an angel gift from God " tanging naiusal ng ina

Ito ang unang anak nila bilang magasawa kaya naman masayang masaya sila na dumating ito sa buhay nila .

"Anak I wish pag laki mo maging mabuti ka sa lahat  at maging mapagmahal."

"Your mom is right ,always do good things and always follow your heart in making decisions ."

Kinakausap nila ang kanilang anak na para bang naiintindihan niya ang mga ito .

Dumilat ang kanilang anak na para bang tumugon sa sinabi ng kanyang magulang saka ulit ipinikit ang mata. Bakas sa mukha ng mag-asawa ang labis na kasiyahan sa kanilang prinsesa.

"Always remember this anak , We love you and you will always be in our hearts." hinalikan ng ama ang noo ng anak at sinunod ang kaniyang asawa.


Zhelle's pov

Nagising ako sa pagkakatulog at ramdam na basa ang gilid ng mata ko. Malabo ang mga pangyayari pero bakit ganoon ang aking panaginip ko, ano ang ibig sabihin nun?.

Ala-ala ko ba 'yon noong baby ako o imahinasyon ko lamang 'yon dahil naghahangad ako ng labis na pagmamahal mula sa aking magulang lalo na saaking ama?

Bumuntong hininga na lang ako saka tumingin sa bintana ng eroplanong unti unting umaandar. Tumingin ako sa wrist watch ko at 8pm na pala  ng gabi, at papunta na kami sa New York.

Parang may parte saakin na labag sa kalooban kong umalis  sa pilipinas  hindi ko alam kung bakit matapos ang napanaginipan ko kanina habang tulog ako parang may humihila saakin palabas ng eroplano para magstay at alamin kung ano ba talaga yung ibig sabihin ng panaginip ko.

Posible kayang Ala Ala ko talaga yung nung bata ako kasama sila mama at papa ?

Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko, mabuti na lang at nasa private space kami ng eroplano kaya mag-isa ako sa inuupuan ko bale walang makakapansin na umiyak ako.

Baka siguro imahinasyon ko lang yun or maybe there's something wrong with me , kulang lang siguro ako sa pahinga. I took a deep breath and leaned my head on the headboard of my seat.

Shall I take my check up once we arrive there? Hmm. Maybe yes.

Itutulog ko na lang siguro to .

Flashback..

Ngayon ang flight ko papunta sa New York. Pagkatapos kong makipagbreak Kay Rence kahapon wala na dapat pa akong guts para magstay dito. Mabigat ang puso kong aalis kahit kasalanan ko naman ito.

Ayoko na ring makita niya pa ako at makita ko pa siya dahil baka mabawi ko pa yung naging desisyon ko. Mahal na mahal ko siya kaya naman ginagawa ko ito at para rin sa ikabubuti niya .

*KRinggg! Kriingg! my phone suddenly rung.

I answered the call from Arex (friend ni Rence ). Kahit nagtataka ako ay sinagot ko ang tawag.

"Hello?"

"Zhelle? We need you here please ! Rence needs you, nasa bar kami at nagwawala siya I can't stop him . " Bakas sa boses niya ang pag-aalala at rinig rin ang ingay sa paligid na tila ba may mga nag-aaway.

Zhellaire's Affliction (Revising)Where stories live. Discover now