Chapter 30 (Boracay part 1)

428 19 2
                                    

Ashy's pov

"Hay sa wakas nakarating rin ang ating love birds." Sabi ko na nangaasar nang makarating sila Zhelle at Rence.

Ah oh mukhang iba mukha ni Zhelle sakin shutup na ko :/

Awhh hawak pa ni Rence ang maleta niya hmmm

I wish my love is with me too :( namiss ko tuloy siya ,matawagan nga mamaya.

Biglang nagbulungan ang mga kabatch namin..

"Ayieee nagtagal sila. ? Sana all!"

"So si Zhelle ang binabanggit niyang girlfriend niya sa interview niya!"

"Kyaahhh! Nakakakilig naman at sinabi niya pang may balak siyang pakasalan ito!"

"Bagay naman Sila ehh .. parehas silang gumanda at gumawapo at mas lalo pa itong nadagdagan!"

"SSHHHHH GUYS! SILENT"

Ay naku nagalit yung emcee namin. Natahimik naman ang aming mga kasama

"At kayong dalawa dahil nalate kayo bilisan niyo na at ilagay ang mga gamit niyo sa hotel , kasi actually natapos na namin ang introduction ng ating activities. Go go "

"Ah Ashy samahan mo yang si ate gurl and Mr. Ratte you are going to accompany Mr. Venry--- Mr . Ratte ?? Where are?!" Biglang sabi ng aming emcee ng mapansing wala si Chad -- Chad Ratte ang full name niya . Oo nga nasaan na si Mr. Pogi , actually ang gwapo niya kasi at macho pa kaya yummy hmmm .

Hehe joke may bebe loves na ako na mas yummy pa..

"Ah I'm sorry ,I'm here. May tinulungan kasi ako"

Bigla kaming napatingin sa nagsalita , at ..

At...

Shocks ang gwapo.......

Ang sarap nung abs..

"Uhm laway mo tumutulo na."

Agad kong pinunasan ang bibig ko at napagalaman ko na uto uto pa ako kasi..

"Wala naman akong laway ah!"

Bwesit tong si Zhelle at talagang tumawa pa ah .

"Oh Sige na Mr. Ratte samahan mo si Mr. Venry sa kwarto ng mga lalaki lakad na." Biglang sabi ni Jayra (emcee namin)

Kami naman ay pumunta na rin..

MAGSISIMULA na ang aming mga palayo kaya nagsihanda na rin kami . Ganoon kasi ang napagplanohan eh may mga laro / activities kami sa first and second day namin dito sa boracay para sa third and fourth day ay swimming na lang ang gagawin namin .

May mga nakaschedule rin na magloloto kaya excuse sila sa mga activities at saka naman Sila sasali pag tapos na ang task nila . Actually lahat kami may task mula sa pagluluto, paglilinis, at iba pa.

"So ang mechanics ng laro natin ay may ibibigay akong riddles sainyo na magsisilbing clue niyo papunta sa lugar kung nasaan ang isa pang clue and that clue would be the last para mahanap niyo ang mahiwagang medallion. So ready na ba kayo?"

Woah mukhang exciting ang larong ito ah

"YES!"

"This game is for three , kaya maghanap na kayo pero dapat mix maaaring may dalawang babae at may isang lalaki maaari rin namang vice versa basta hindi Puro lalaki lahat or babae lahat . Ang mananalo ay may tour sa another island ."

Zhellaire's Affliction (Revising)Where stories live. Discover now