Chapter 1 - The Beginning

1.3K 155 33
                                    

Patakbo kong nilalakbay ang kagubatan patungo sa grupo ng mga 'bray road beast' they are like a werewolf creature but mas malakas at mas mabangis. Hindi ko na rin pinapansin ang mga sugat ko sa paanan sa mga nadadaan kong mga 'toxique grass' wala rin naman itong epekto sa katawan ko dahil hindi ako tinatablan ng mababang uri ng lason.

Napansin kong mas bumilis ang pagtakbo nila kaya tumalon talon na ko sa mga sanga para mahabol at masabayan sila. Nang alam kong kaya ko na silang abutan, tumalon ako ng napakataas at bumaba sa mismong harap nila. "I won!" Matapos ang safe landing ko napa-growl naman ang mga beast na ito dahil ayaw na ayaw nilang nalalamangan sa lahat ng bagay.

"Sorry, next time ulit!" Sabay talikod sa mga beast.

Naglakad na lang ako patungo sa tinutuluyan ko dito sa gitna ng gubat. As I see sa peripheral vision ko e, nakasunod parin ang mga beast. Gusto yata kong kasama magdamag tsk!

Pagkapasok ko sa aking munting tahanan, kinuha ko agad ang mga nakuha kong prutas at kinain. Masyado yata kong napagod sa pakikipaglaro sa mga beast na yon! Yes, opo laro lang po ang ginagawa namin. For me, they are harmless. Sila na ang nagpalaki, nagprotekta simula ng mamatay ang nag-aruga at kumupkop sa akin. Alaga rin naman sila noon ni Tatang.

Pagkatapos kong ubusin ang mga prutas, dumiretso agad ako sa likod bahay para magtampisaw sa maliit na lawa na tinatawag ni tatang na 'blessed lake' Why? It can heal any wounds may lason man o wala, malalim o hindi basta't lumubog kalang ng ilang minuto, magrelax ng ilang oras. You are already healed. Pero ako? Kahit walang sugat naliligo pa rin ako dito. Kahit may palikuran, dito ko pa rin pinipili dahil ang source din naman ng tubig ay galing dito. Ito rin ang pinakasafe na lugar dito sa kagubatan.

Never pa ko nakalabas sa isla na ito. Sabi ni tatang na this island is a cursed dahil lahat ng nakakikita't masasalamuha mo ay pure darkness, evil and greed. Lalong lalo na ang mga hayop dito, they are not ordinary animals na laging ikinikwento sa akin ni tatang noon. Because these beasts are dangerous, halos araw araw akong nakikipaghabulan kay kamatayan pag may ilang beast na gusto akong hamunin sa laban. But not all of them are evil, mabait ang ilan sa akin pero may mga greedy beast talagang sakit sa ulo pag nawawala sila sa katinuan. Isa na si tatang sa biktima ng isla na to. Hindi nya raw alam kung paano sya napunta rito pero nagising na lang sya't lahat lahat hindi na siya nakauwi sa totoong pamilya niya.

Naaawa rin ako sa kanya paminsang nagkekwento siya about sa pamilya niya. Naitanong ko nga minsan kung paano niya ko nakita pero ngiti lang ang laging sinasagot sa akin kaya simula noon hindi na ako nagtanong ulit.

Pakatapos kong maligo't magbihis dumiretso agad ako sa kama at natulog.

• • • • • • • • • • • • •
Author's note

Hello! Mahilig kasi ako magbasa ng mga fantasy and magical stories kaya nagtry ako hehe! Don't forget to vote and comment ❤

Island of AlvanahWhere stories live. Discover now