Chapter 8 - Journey

666 111 31
                                    

Alvah's POV

Ngayon araw na ng pagpunta namin sa academy. Hinahanda ni Mrs. Duncan ang mga damit at gamit na kailangan ko, doon pala kami manunuluyan pansamantala bilang 'estudyante' para magsanay ng mahika. Abala rin sina Finn at Mattheus sa pag aasikaso sa mga unicorns na gagamitin namin. Mga dalawang oras daw ang kailangan naming lakbayin papunta roon. Nagulat naman ako ng sinuutan ako ni Mrs. Duncan ng isang puting fur coat. Its a season of winter ang pinakabaporitong kong season sa lahat. "Salamat" sabi ko sa kanya sabay ayos ng coat sa aking katawan.

Pumasok sa loob si Finn at sinabing handa na ang mga kabayo kaya tumayo na ko at sinundan ito kasabay si Mrs. Duncan.

Three elegant unicorns ang bumungad sa akin paglabas namin sa bahay. Inalalayan pa ako ni Mattheus sa isa sa mga ito. I am amaze how beautiful these creatures, napakaamo nila't nagkikintaban ang mga balahibo nito. Hinahaplos ko pa ang ulo ng unicorn na sakay sakay ko.

Narinig ko naman na nagpapaalam na si Mattheus kay Mrs. Duncan na patuloy pa rin sa pagpapaalala na mag -iingat kami at bantayan akong maigi.

"Ang kulit talaga ni Mom" bulong na sabi ni Mattheus habang inaalayan ang sarili sa pag upo sa unicorn.

"HAHAHA Oo naman dadalaw ho kami." rinig kong sabi ni Finn.
"Opkors Tita Adara, ako yata ang pinakamakisig sa buong Kouzla" mayabang nyang sabi. Napairap na lang ako sa pinagsasabi nito.

"Lady Alvah alagaan mo ang iyong sarili at mag enjoy sa akademya, pag may ginawang kalokohan ang anak ko ay isumbong mo agad sa akin" masigla at may pagbabanta nitong sabi sa akin ni Mrs. Duncan habang nakatingin ng diretso kay Mattheus.

"Tatandaan ko po yan Mrs. Duncan" natatawang sagot ko dito.
"Aalis na ho kami, mag iingat rin ho kayo rito" pahabol ko pang sabi rito bago patakbuhin ang unicorn.

---
Kalahating minuto pa lang ang nilalakbay namin pero sobrang mahamog ang daan. Malakas din ang pagbagsak ng mga nyebe kaya mahirap tahakin ang daang sinusundan namin.

"Malapit na tayo sa pamilihan Lady Alvah. Magpapahinga lang tayo saglit at maglalakbay ulit" pagbasag ng katahimikan ni Finn sa amin. Kanina pa kasi kaming walang imik sa sobrang hamog at lamig na nararanasan namin.

"Drop the word 'lady' Finn, Alvah na lang" mataray kong sabi rito.

Maya maya pa'y nakikita na namin ang bukana ng pamilihan. Makikita ang ilang mamamayang busy-ing busy sa pag bebenta na kanilang produkto.

Habang papalapit kami, inabutan ako ni Finn na isang tela. Kunot noo kong tinignan ito dahilan para sabihin nyang pantakip ito sa mukha. Kinuha ko na lang ito at mamaya ko isusuot sapagkat titigil din naman kami pansamantala sa pamilihan.

Nang makapasok kami ay mas lalong naging maingay ang lugar kahit pa nababalutan ng makakapal na nyebe ang lugar. Wala na rin ang hamog kaya mas malinaw kong nakikita ang makukulay at masayang tanawin ng mga ito. Ito ang unang beses na makakita't makasalamuha ang mga kagaya ko. May nakikita pa kong nakikipagtagisan ng mahika sa isang tabi. Ang iba naman ay aligaga sa pagpili ng mga mamahaling tela, mwebles at ilang mga sandata.

Nabalik naman ang atensyon ko kila Mattheus ng tawagin ako ni Finn. Hindi ko namalayan na huminto na pala ang mga ito dahil sa pagkamangha ko sa lugar.

"Pumunta muna tayo sa Café et doux para uminom ng mainit na kape, tsaa o gatas pati na rin kumain! Gutom na gutom na ko!!" pagmamakaawa nitong sambit sa amin ni Finn.

"Halos isang oras pa lang tayo naglalakbay! Mukha kang pagkain" inis na sabi naman ni Mattheus.

"Lady Alvah pagbigyan mo na ko, mababawasan ang aking kakisigan pag walang laman ang aking tyan" sabay himas nito at tumingin sa akin ng malungkot.

"Aba't naghanap pa ng kakampi" pasigaw na sabi ni Mattheus.

Tumingin ako ulit kay Finn na ngayon ay parang bata na nagmamakawa sa akin. I just roll my eyes at napatango na lang dito.

"Yownnnn! Tara Alvah tayo na lang ang pumunta roon mukhang ayaw naman ni Matt sumama" pang aasar nyang sabi dito habang naglalakad na palayo sa amin. Kanila lang ay Lady Alvah ang tawag sa akin ngayon naman ay parang sampong taon na nya kong kilala sa pagbanggit ng pangalan ko!

Napabuntong hininga na lang kami ni Mattheus bago sumunod dito dahil sa pagka isip bata ni Finn. Para kaming may kasamang 6 years old!. Seriously Finn?

---
Pagkapasok namin sa kainan ay nandoon na si Finn at nilalantakan ang mga pagkaing nakahain sa harap nito. Akala mo'y hindi pinakain ng isang linggo kung titignan mo ito. Napa upo na lang ako sa tabi nito at binigay sa akin ang mainit init pang kape at isang slice ng 'blueberry cheesecake'.

I was about to ask kung may lason ba ito pero inunahan na ko ni Mattheus at sinabing "walang mga lason ang binebentang pagkain sa Kouzla, all are safe unless gusto mong lasunin ang isang tao" pahayag nya na ikinatango ko na lang. Masyado siguro akong maingat dahil ibang iba ang lugar na to sa isla. Puro prutas lang kasi ang pagkain ko roon, some of it are poisonous. Alam ko namn kung pano iwasan ang lason but it still makes me kind of weak.

Matapos naming kumain nagpatuloy na ulit kami sa paglalakbay. Isinuot ko na rin ang kapirasong tela na nagtatakip ng kalahati kong mukha. Mas mahamog na kasi ang daan kaya kailangan na naming bilisan. Mabuti na lang at Fire ang ability ni Mattheus kaya kahit papano ay nakikita namin ang daan.

---
Nakikita ko na ang malaking tarangkahan na kumukubli sa paaralan. Mala palasyo ang dating nito sa akin sapagkat may nakikita kong umiikot ang ilang mga tagabantay ng paaralan.

Nang makalapit na kami ay agad itong binuksan ng isa sa mga tagabantay. Binati pa kami nito bago tuluyang mabuksan ang tarangkahan.

Nakaagaw naman kami ng atensyon sa ilang estudyante ng academy malapit sa amin. Ang ilan ay bumabati sa dalawa kong kasama pero karamihan ng atensyon nila ay sa AKIN! May problema ba?

Bumaba akong mag isa sa unicorn na sakay ko dahil sa mga mapanuring tingin sa akin ng ilan. May ilan akong naririnig na bulong patungkol sa akin. Hindi ko nga alam kung matatawag ba na bulong yon kung rinig ko din naman!

"Sino yang kasama ni Royalty Finn at Mattheus? Bago student ba yan dito?"
"Malamang girl! Ngayon lang natin nakita e! Kaano ano nya kaya sila noh?"
"Tsk. Mukha namang lampa ang kasama nila noh!"

'Aba't mapapaaway yata ako'

Island of AlvanahWhere stories live. Discover now