Chapter 12 - Elites Fights

589 91 17
                                    

Alvah's POV

"Ayyy sayang! Muntikan na yon e!" pasigaw na sabi ni Massey nang matapos ang laban ng blonde haired girl bago pa matamaan ng kanyang weapon ang beast.

Napatingin naman kami rito sa sobrang lakas ng pagkasabi nya. Sinaway naman ito ni Finn dahilan ng magbangayan ulit ang dalawa.

"Nice fight Ms. Fawzi!" pagbati ng proffesor at tinawag ang susunod na lalaban.

"Next, Elite S Dustin Oakley" kakaway kaway naman itong pumunta sa gitna at kumikindat kindat pa sa mga estudyante kaya naman hindi magkamayaw ang mga babae sa kakasigaw.

Napatingin pa ito sa gawi namin at ngumiti kaya nagtitili ang mga katabi naming estudyante. Takip tenga ko naman itong tinugon dahil baka ito pa ang dahilan ng pagkabingi ko.

"Yang pinsan mo Paige walang pinagbago. Hihihi" kinikilig pang sambit ni Massey. Walang pake naman itong tinugon ni Paige at bumalik ulit sa pagbabasa.

"Uyy! Wag Child abuse Massey, tandaan mo MATANDA kana. HAHAHA" hirit ni Finn bago sya pinaghahampas ni Massey.

"Ganyan ba lagi sila?" tanong ko kay Mattheus.

"Yeah. Masanay kana" walang gana nitong sagot sa akin.

Manonood na sana ako ng laban ng marinig kong hinahanap ni Finn ang pagkain nito.

"Hoyyy! Massey kinuha mo pagkain ko noh!" pagbintang nya rito.

"No way! Hindi naman ako kasing patay gutom mo!" mataray na sabi nito.

Bago pa magsalita ulit si Finn, tinawag ko ito at pinakita ang pagkaing hawak hawak ko.

"Eto ba Finn" pakita ko sa bawas na biscuit at inuming paubos. Tango nya lang ako sinagot.

"Kinuha ni Mattheus at binigay sa akin" sabi ko rito sabay kuha ng biscuit at kinain.

"Bayaran mo ko Matt" bulong nya kay Mattheus.

Hindi ko na lang ito pinansin at itinuon ang atensyon ko sa gitna ng field. Kasalukuyan nya ng nilalaban ang 'erymanthian boar' kaya napapahiyaw ang ilan ng may pagkakataong kamuntikan nya itong masugatan. His weapon is 'scimitar' a short sword with a curved blade. A short ranged weapon pero kahit ganon napuntirya nya ang beast kahit may iilan pang beast na nakapalibot sa kanya. Their target is the Erymanthian beast. I need to beat him.

Natapos ang oras ng laban ng mapuruhan ang beast. Hindi man nya ito natalo but his fight is good.

"Nice shot! Mr Oakley. Next to fight is Gwenyvr Cabrera" tawag rito nang professor at pumasok ang isang babaeng nakaponytail. Naisummon nya muna ang weapon nito which is a chain bago pumunta sa gitna.

"TIMER STARTS NOW" pagkastart ng timer. Gumawa agad ito ng ipo ipo at pinapunta sa mga nagkukumpulang beast. Ang ilang hindi nasasama ay pinupuntirya ng kanyang chain at malakas na hinahampas sa lupa.

"Wow! Ang lakas talaga ni Ms. Gwen" sambit ng isang estudyanteng nasa harapan ko. Its true but that girl is too agressive.

She's too aggresive kaya hindi nya nakita ang isang beast sa likod nito. Napuntirya ang balikat at binti nya dahilan para mawala sya sa focus at ginamit ang chain sa beast na nagsugat sa kanya.

May pagka irita itong tumingin ulit sa mga beast na nagkukumpulan sa ipo ipo at gumawa sya ng air eagle dahilan mawala ng tuluyan ang mga beast. Two minutes na lang bago matapos ang oras kaya pinuntirya nya na ang 'erymanthian boar' nahuli naman ng chain nya ang paa nito at pina ikot ikot sa ere bago mabilis na ibagsak sa lupa. Napagrowl naman ang beast dahilan para sumugod ito rito. Ito ang unang beses na ang beast na mismo ang sumugod dahil sa pagkainis ng beast nagpalabas ito ng poison pero agad naman itong naiwasan ng babae pero hindi nya inaasahan na ang poison na inilabas nito ay magiging poison clouds. Napasinghap naman ang karamihan dahil sa ginawa ng beast. Hindi na rin nya naiwasan ang poison na lumabas rito kaya napuruhan sya sa iba't ibang bahagi ng katawan. Bago nya pa magamit ang wind ability naglaho na ang beast at natapos na rin ang oras nito. Dali dali naman itong nilapitan ng mga healers at pinagaling.

Island of AlvanahWhere stories live. Discover now