Chapter 13 - My turn

607 99 23
                                    

Alvah's POV

Pagtayo ko pa lang sa pwesto ko ay mas lumakas ang bulungan ng mga estudyante. Hindi rin magkamayaw ang mga naririnig kong pagbati, panlalait at panghuhusga sa akin.

"Bebe gurl kaya mo yan!" masiglang sabi sa akin ni Massey. Nginitian lang ako ni Stephen at ni Paige na himalang hindi nagbabasa ng libro. Evalyn just mouthed 'goodluck' bago ko marinig ang boses ni Mattheus.

"I know you can do it better than them." makahulugang sabi nito na ikinangisi ko lang bago pumunta sa field.

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng paglalakad ng marinig ko ang sigaw ni Finn.

"GO PINSAN! KAYA MO YAN! PATAYIN MO LAHAT HAHAHAH! PINSAN KITA E. KAYA MO YAN! WOOHOOO!" sa lakas ng sigaw nito, rinig ata ng lhat ang sinabi nya. Napatawa nga ang ilan ang iba'y tinakpan pa ang tenga! Ginamit yata nya ang ability nito kaya kasing lakas ng tili ng isang babae ang boses nito.

Napapikit na lang ako sa inis dahil sa ginawa nito at ang ipinagdiinan nyang 'pinsan' ko sya ang hindi ko matanggap!

Nagpatuloy lang ako ng paglakad papunta sa field. Bago pa ko makapunta sa field napansin kong nakatingin sa akin ang mga Elite S students. Ang ilan sa kanila ay nakakunot ang noo at ilan rin ay nagbubulungan rin.

"Who is she? Ngayon ko lang nalaman na may pinsan pala si Royalty Finn" bulong ng blonde girl pero rinig ko rin naman.

Nang malapit na ko sa field nakasalubong ko ang huling Elite S na lumaban. Kakatapos lang nitong pagalingin ng mga healers. Sobrang cold ng presensya nito, sinasabayan yata ang winter season! Walang pake ko lang itong sinalubong at dumiretso sa gitna ng field.

Cassidy's POV

Paalis na sana kaming mga Elite S nung sinabi ni Sir Adam na may isa pang magleleveling.

"Oh My G! May transferee!" tiling sabi ko sa kanila.

"Yeah we also heard it duhhh!" pataray na sagot sa akin ni gwen.

"Hmp! Sungit!" bulong kong sabi with matching cross-arms pa.

Nang tinawag ni Sir ang huling lalaban mas lalong lumakas ang bulong bulungan. Who wouldn't! The girl is too beautiful! Naaayon ang winter season sa kanya! Gosh she's like a goddess. White hair, pale white skin, grayish color eyes and she wears a white fur coat. Goodnesss heaven ang dyosaa ni ate girl!!

Wala pa sya sa gitna ng paglalakad ng sumigaw si Royalty Finn.

"GO PINSAN! KAYA MO YAN! PATAYIN MO LAHAT HAHAHAH! PINSAN KITA E. KAYA MO YAN! WOOHOOO!"

OMG! Pinsan nya to!

"Who is she? Ngayon ko lang nalaman na may pinsan pala si Royalty Finn"

Hindi man lang nila ko pinansin! Hmmp!

Malapit na sya sa field ng makasalubong nya si Prince Drew and goshhh! Hindi sya yumuko!

Huminto naman si Prince Drew at lumingon kay ate girl na nasa gitna ng field. Goshhh takot si akuhh! Dumiretsong upo na lang si Prince Drew sa pwesto nya pero ramdam namin na naiinis ito. Kahit pa napaka cold nito ramdam mo pag nagagalit. Omg trouble! trouble! trouble!

"TIMER STARTS NOW" napalingon na lang ako sa pagsigaw ni Sir Adam.

Tinignan ko kung anong ganap ni ate girl pero nakatayo lang ito pero nung pasugod na yung mga beast nai-summon nya yung weapon nyang
bow at sunod sunod nagpalabas ng electric arrow. Bawat labas ng electric arrow ay ang paglaho ng mga beast.WOW!! wala pa ni isang beast ang nakakalapit sa kanya, hindi na namin namalayan na ang 'erymanthian boar' na lang ang natititra. Ang akala ko ay susugod ito sa beast pero nakipagtitigan lang silang dalawa. Hindi namin alam kung ano iniisip nya pero bigla na lang sumugod ang beast. Hindi naman nagpahuli ang babae at sunod sunod pa rin syang nagpapalabas ng electric arrow. Hindi tuloy nakakalapit ang beast, nagpapalabas na rin ito ng poison clouds pero hindi naabot sa pwesto nya. COOL! How did she do that?

Less than two minutes na lang pero hindi pa rin nakakalapit ang beast sa kanya at HINDI PA RIN NAKAKAALIS SA PWESTO YUNG TRANSFEREE! Wow just wow!

Nagulat na lang kami ng nagpalabas ng mas malakas at mas malaking poison clouds ang boar at diretsong itinapon sa pwesto ng transferee. Napasinghap ang lahat dahil sa ginawa ng beast, nagkaroon tuloy ng malawakang poison clouds sa field. Natataranta rin ang ilang healers dahil masyadong poisonous at mahirap ilabas sa katawan ang poison ng isang tao. Thirty seconds left nang makarinig kami ng pagsabog. Nagsisigawan na ang ilan dahil baka kung ano na ang nangyari sa transferee. Ten seconds left ng unti unting nawawala ang poison clouds kasabay ng isang pigurang nakatayo pa rin sa gitna ng field hawak hawak ang bow nito. Hinanap ko ang 'erymanthian boar' na nakahandusay at puno ng sugat sa ibat ibang parte ng katawan. Holy cow! Ay PIG!

"That was.. Awesome!!! Congratulations Ms. Alvah Moreau!" pagbati ni Sir Adam kasabay ng pagpalakpak nito at ng mga estudyante ng academy.

---
Nandito na kami sa dorm ni gwen pero hindi pa rin ako maka get-over sa laban ng transferee! Wanna know why?

Flashback..

Pagkatapos ng pagbati ni Sir Adam, ay dali daling pumunta ang mga healers sa kinaroroonan ng transferee. Nasa unahan lang kasi namin sila kaya kitang kita namin ang pag aalala ng mga nito. But one thing that make us Elites and healers shock ay walang galos o sugat man lang ang naitamo nito. Wala ring poison ang dumapo sa kanya. No scratch kumbaga! Amazing!

"No way! Wala pang nakakaiwas sa ganong ka poisonous na tira" ani ni gwen sa amin.

"Yeah! I also can't believe it too." wala sa wisyong sagot ni Dustin.

Palipat lipat lang ang tingin ko sa kanila at sa transferee kasi hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin! Im speechless and amazed!

Nakalagpas na sya sa pwesto namin at dumiretso sa pwesto ng mga royalty na kasama nya. Nakita ko rin si Zack at Prince Drew na mariing nakatingin sa kanya. Maya maya lang at isa isa kaming nagsi-alisan sa auditorium

"Oh My Gggg! Nakakalokang araw! Pasigaw kong sambit at tumalon sa kama at natulog!

Mattheus POV

After ng leveling ay dumiretso na kami ni Finn at Alvah kay headmaster. Wala a ring pakundangan ang pagdaldal ni Finn kay Alvah na walang pake lang na sumasabay sa amin.

"Lady Alvah! Ang galing mo! Pano mo naiwasan yung poison? Ano secret mo huh sabihin mo naman!" tanong ni Finn at umakbay pa kay Alvah.

"Shut up and walk" walang ganang sagot nito na ikinatawa lang ni Finn.

Nang makapasok kami sa office ni Headmaster, nagulat kami dahil sya ang unang bumati sa amin. Except kay Alvah na tamihik pa ring nag oobserba sa amin at kay Headmaster.

"Congratulations Ms. Moreau, you've passed the leveling. I can see that you are well trained. As a result, your guild is Elite and your rank is Superior." pagbati ni Headmaster kay Alvah sabay abot ng susi at schedule ng class nito.

"Ms. Moreau eto ang room key mo at ang schedule ng klase. I hope you will enjoy in our academy" dagdag sabi nito sabay ngisi.

"Okay" maikling sagot ni Alvah. Tumayo ito pati na kami ni Finn, akmang lalabas kami ng magtanong si Headmaster.

"By the way, electricity lang ba ang magic mo? What is your element Ms. Alvah"

"I can yield all" simpleng sagot nito na ikinataka ni Headmaster at ikinakaba naman namin ni Finn. Nagtinginan muna kami ni Finn bago ako magsalita.

"What she mean Headmaster is, she has power replacation kaya nya po nasabi na nagagawa nya lahat. Pero sa limitadong oras lang po nya ito nagagamit." paliwanag ko rito habang mariing nakatingin sa akin si Alvah.

'Para sayo rin ito Lady Alvah, no one will know you. Not now, please forgive me.'

Island of AlvanahWhere stories live. Discover now