Chapter 21 - Winter Solstice (3)

807 50 17
                                    

Horned God and Dark Lady is one of old god and goddess of winter and death

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Horned God and Dark Lady is one of old god and goddess of winter and death.

The Horned God of the hunt represents the male counterpart to the female deities of Wicca and Paganism in general. "I who stand in the darkness of light; I am He whom you have called Death."

Alvah's POV

Magtatanghali na nang napagpasyahan namin umalis sa 'Gardd Flodau' ang malawak na bahagi ng Мир (mir) na nababalutan ng burol at iba't ibang klase ng bulaklak. Kaya pala hindi ito apektado ng snow dahil inaalagaan ito ng mga earth fairies. Ito kasi ang pangunahing pamumuhay ng mga Мир (mir). Earth fairies has golden eyes, green feathers and their feet are like birds foot. Madalang sila makipag-usap pero malaya silang nagliliwaliw sa lugar na ito. Kumpara sa isla na kinalakihan ko ang mga fairies roon ay kulay indigo at itim ang mga mata. I can't figure its body because those fairies are like shadows or more like a smoke. And they are still dangerous.

Pagdating namin sa bayan ay mas dumoble ang ingay at dami nila. Hindi tuloy kami makausad sa kumpol kumpol na mga mage na naririto. May pupuntahan pa raw kasi kami ni Zack bago bumalik sa palasyo kaya kami naiipit ngayon. Mabuti na lang na ilan sa kanila ang nagpa-ubaya ng daan kaya mabilis rin kami nakaalis rito.

Huminto kami sa isang maliit na tahanan na malapit sa sentro ng bayan ng Мир (mir).

Kumatok rito si Zack at ilang sandali lang ay bumungad ang isang matandang babae sa amin.

"Andyan ka na pala iho. Akala ko ay nakalimutan mo na ko rito." bungad nito sa amin.

"Hindi ho mangyayari iyon. Natagalan lang kami sa pamamasyal" sagot ni Zack na may pagkamot pa ng ulo.

"Ganoon ba, siya ba ang kasama mo iho? Ay kay gandang bata! Halika kayo't kumain na. Nagugutom na siguro kayo" sabi nito at pumasok na sa loob kaya bigla ko na lang naramdaman ang pagkulo ng tiyan ko. Gulat kaming napatingin ni Zack sa isat isa kaya yumuko na lang ako sa harapan nito. Nagpipigil naman itong tumawa kaya hinila na lang niya ako papasok.

Dumiretso na kami sa hapagkainan at wala sa salitang kumain. Si Ginang Marcia na ang naghanda at naglagay ng pagkain sa amin. Habang kumakain nagkukwentuhan kami tungkol sa mga nangyayari sa loob ng academy at kung ano ano pa.

Si Ginang Marcia pala ay isang witch noong kabataan nito at tumutulong siya sa ibang healers sa paggawa ng mga gamot at elixir sa mga knights.

Habang masaya kaming nakikipagkwentuhan ay may pumasok na dalawang adult wizards at isang batang lalake kaya bigla kaming napatingin rito.

Ang batang lalake ay bigla na lang nagtatakbo papunta sa akin kaya napasalampak kami sa sahig nang mahigpit ako nitong niyakap.

"Ate ganda! Talamat po ng marami. Magaling na si Tatay at may bahay na kami." sabi nito habang nakasubsob ang mukha sa tiyan ko. Maliit kasi siya pero maliksi at makulit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Island of AlvanahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon