Chapter 19 - Winter Solstice

504 35 1
                                    

Cassey's POV

Its nearly midnight but we're still in infirmary. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nagigising si Alvah and Prince Drew, although the healers says that they are already fine. After the incident that happened earlier, pinatawag kami ng Headmaster for some reason. Akala namin ay papagalitan at paparusan kami pero hindi namin inaasahan na mabibigyan kami agad ng mission as groups.

"Pwede na kayo magpahinga, kami na ni Finn ang magbabantay sa kanila." bungad sa amin ni Royalty Mattheus at Finn, kasama rin nila si Ms. Evalyn na isang healer at Royalty rin.

"S-sige po pero may kailangan kasi kami sabihin sa kanila galing kay headmaster at may mission kaming dapat handaan sa susuno-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil dire-diretso lang itong naglakad papunta sa puwesto ni Alvah na parang hindi ako nagsasalita.

I am shocked and pissed at the same time. Tama nga ang sabi ng mga students sa kanya. He's cold hearted and he care less to those people he don't know. Napayuko na lang ako sa pagpapahiya niya sa akin. I tried my best to stay calm dahil ang sitwasyon ko ngayon ay hindi rin maayos. May mga galos at sugat pa rin ako na hindi pa nahihilom pati na rin ang iba kong kasamahan. Pilit akong ngumiti sa mga kasama ko kahit alam kong naiinis rin sila sa kung paano kami itrato ng isang Royalty.

Nararamdaman ko ang tensyon ng bawat isa sa amin. Gwen is nearly out of control pero napigilan agad ito ni Dustin.

"Ahm. Ehem" Royalty Finn fake cough to get our attention to him. Nagkakamot pa siya sa ulo then he shyly says na tatawagin niya na lang kami kapag nagising na sila. Ngumiti pa ito ng alanganin na parang nagpapasensya sa inasta ng kaibigan niya.

I took a heavy sigh bago tumayo sa kina-uupuan ko dala dala ang ilang gamit at damit na ginamit namin kanina sa training. Ganon rin ang ginawa ng iba at nagpaalam sa kanila.




Ngayon naman ay wala kaming imik na naglalakad papunta sa dorm habang dinadama ang mga nagbabagsakang snow at simoy ng hangin na dala nito. Dahil na rin sa pagod naisipan kong gumawa na ng portal dahil napapanis na ang laway ko sa sobrang tahimik. Gosh, I can't handle their serious face! Hmp.

"Gwen, Zack at Dustin" mahinahong tawag ko sa mga ito sabay turo sa portal na ginawa ko.

"Let's go guys. Mukhang pagod na kayo kaya gumawa na ko ng portal" ngiting sabi ko sa kanila.

"Mabuti naman...dapat kanina mo pa ginawa" bulong na sabi ni Dustin na nagpa-inis sa akin. Binatukan ko ang ulo nito sabay hila sa tenga niyang namumula na sa pagkakahawak ko. Hmp!

"Aray naman Cass, biro lang naman e!"parang bata nitong sabi sa akin.

Hila hila ko pa rin ang tenga nito habang ang dalawa naming kasamahan ay natatawa na lang sa kakulitan namin. Ilang hakbang na lang ang gagawin namin pero biglang huminto si Zack at tumingin sa infirmary na ilang kilometro na ang layo sa amin.

"Bakit Flynn? Is there any problem?" nagtatakang tanong ni Gwen rito.

"Mukhang nagkakagulo doon" sagot nito kaya tumingin ulit kami sa infirmary at nakikita nga na ang ilang healers ay pabalik balik rito. Pupuntahan sana ito ni Zack pero pinigilan lang siya ni Gwen na seryosong nakatingin rito.

"Hindi lang naman sila ang naroon tutal nadoon ang ilang mga sugatang knights paglabas natin kanina diba? Sila ang inaasikaso nila at wala nang iba." diretsong tagalog na sabi ni Gwen na ikinagulat ko. Whuuut! Am I hallucinating!? Takang taka akong tumingin sa dalawa na nakatitig lang sa isa't isa. Hmp. Tama naman si Gwen ah, kaya na naman ng mga healers  masyadong lang tong concern si Zack pati ang mga knights ay kailangan niya pang tignan. Hihi. Pero ang hindi ko maintindihan ay parang may away ang dalawa. Kanina lang ay okay naman sila. Patawa tawa lang pero ngayon?Gosh! Wth is happening! I have no idea. Enlighten me, Pwease!

Island of AlvanahWhere stories live. Discover now