Chapter 2 - Warning

1K 136 26
                                    

Naalimpungatan ako sa ingay na nanggagaling sa labas ng bahay. Kinusot kusot ko pa ang mata ko dahil sa antok at bumangon para silipin kung may beast na naligaw rito. Hindi ko alam kung ilang oras ang tulog ko pero sa tingin ko'y wala pang limang oras dahil humikab pa ako bago buksan ang pinto.

Sa pagkalabas ko nakita kong nandito lahat ang 'bray road beast' na nakapalibot sa bahay. Biglang nawala ang antok ko at sumiklab ang kaba dahil alam kong may paparating nanamang dilubyo sa isla na to. Dali dali akong pumasok ulit at kinuha ang aking epéé at isinabit ang bow sa likod ko. Dinala ko na rin ang isang maliit na bag na pagmamay ari ni tatang, nakalagay roon ang mga ilang mahahalagang gamit at koleksyon kong mga bato. Hindi ito ordinaryong lalagyan dahil pwede kahit ilang daang prutas, armas at iilang gamit ay kasya at magaan pa rin pag binuhat. Imbensyon nya daw ito noong namumuhay pa sya ng normal sa labas ng isla.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ay inihanda ko na ang sarili ko sa pagharap ulit kay kamatayan.

As I go outside of my house a 'banshee' appeared in the dark blue sky as its high pitched shriek in the whole island to warn us that death is soon to come. Banshee is an evil spirit who predicts death by appearing in wars or any events.

As I stared to banshee hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na ang alpha ng mga 'bray road beast' siya na ang karamay ko sa lahat pagdating sa ganitong labanan. Pagkatapos ng pag alarma ng banshee mas lalo pang dumilim ang kalangitan kasabay ng pagbuo na tila ipo ipo sa may dulong bahagi ng isla. Bago pa ito mabuo, I teleported myself and the pack of alpha sa lugar kung saan nabubuksan ang portal.

The portal is dangerous it summon some of the most dangerous creature like bonnacon (a wild bull like creature with horns), bunyip ( a large water monster, huge mouth, with crocodile tail),comazots (a giant, bat vampire demon).

Ilan lang to sa pwedeng lumabas sa portal kaya dapat akong maging alerto dahil hindi basta basta napapa amo ang mga ganitong klaseng beast pati na rin ilang naninirahang beast sa isla. Isa rin sa dapat kong bantayan at siguraduhing walang makakapasok ay ang nag iisang susi para makalabas dito sa isla.

Isang higanteng pinto nagawa sa matitibay at makukulay na bato, ito ang dahilan kaya nagsisilabasan at nagpapatayan ang mga beasts sa isla para lang makalabas at makalaya sa isinumpang isla.

Ito rin ang dahilan ng pagkawala ni tatang sa nakalipas na taong pagsubok na makapasok ng nabubuhay pa sya.

Pinahid ko ang namuong luha sa aking pisngi at huminga ng malalim sa bigat ng nangyayari ngayon at noon. Isa to sa mga dahilan para magpakatatag at bumangon sa ano mga sitwasyon.

Kasabay ng pagbukas ng portal, unti unti na rin nabubuksan ang susi para makalabas sa isla. Isa isa na ring nagsisilabasan ang mga beasts na naninirahan sa isla. Hindi na ko nag aksaya pa ng oras, kinuha ko ang bow at inasinta ang mga beasts na malapit sa pinto. Hindi rin magkanda-ugaga ang mga kasamang kong bare road beast at ilan sa mga beast na tutol sa pagpasok ng kapwa nila beast sa paglaban.

Ilang minutong pa ang nakalipas sunod sunod na ang pagpasok ng beast sa pinto. Nag-uunahan na ang ilan, pinapatay ang mga nakaharang sa daan. Hindi na namin kontrolado ang pagpasok hindi rin sapat ang kapangyarihan ko dahil nakareserba ito para sa tatlong naglalakihang beast.

"Alpha!!!" Tawag ko sa leader ng bare road beast. Sumakay ako rito para mapabilis ang paglapit ko sa tatlong beast. Una kong pinuntahan ang bunyip dahil water monster ito, mabagal itong kumilos sa lupa pero kahit ganon malakas ang resistensya't nakakasabay sa paglaban ng ilang beast na humaharang sa kanya. Nang malapit na ko sa kanya agad akong nagpalabas ng apoy at itinira sa may uluhan nito pero agad niya itong naiwasan. Muntikan na rin kaming matamaan ng buntot nito buti na lang at mabilis kumilos ng alpha.

'BRÈDE FROIS' as I chanted in my mind, cold breeze surrounds bunyip. Hindi ito agad nakakilos, kaya pina ulanan ko sya ng light arrow ko kasabay ng pagtama ko ng apoy sa uluhan nito.

Mabilis ring naglaho ang katawan nito at itinutok ko ang atensyon sa comazotz.

"Alright Alpha! 2 out of 3 na" Masigla kong sabi kahit growl lang isinagot nito.

I form an air whip in my hand at pinatama sa pangalawa kong target ang comazotz. Kahit malabong makapasok sya sa lagusan dahil masyadong abala sa pagsipsip ng dugo ng ilang mga beast na nakahandusay sa daan. Hindi nako nag aksaya ng oras at pinalabas ang apoy sa kaliwang kamay ko habang nakapulupot sa katawan nito ang air whip sa gamit ang kanang kamay at pinuntirya ko ang mala-pakpak nitong kamay.

Nagsusumigaw ito sa sakit, galit, inis at itinutok ang nanlilisik nitong mata sa akin. Gamit ang buong pwersa hinila nya ako papalapit sa kanya dahilan para makawala ito sa pagkakagapos.

Island of AlvanahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon