Chapter 7 - Going to School

667 122 33
                                    

Alvah's POV

Isang buwan at dalawang linggo na ko naninirahan sa mga Duncan pero wala pa rin nangyayari sa aking bago. Nandito lang ako lagi sa aking silid o di kaya ay sa hardin. Bukod sa paghiga, pagkain at pagliwaliw sa mga bulaklak sa hardin ay ang pagtanaw kay Mattheus na busy-ing busy sa pag ensayo. Hiniling nya sa akin noong nakaraang linggo kung pwede ko raw syang turuan ng ilang 'techniques' sa paggamit ng espada at pag enhance ng kanyang mahika.

Nalaman kasi nya na nasa akin ang librong gawa ni tatang na naglalaman ng ilang ensayo para mas mapalakas ang physical strength at magic ng isang nilalang.

Imbes kasi na ibigay ko ang libro, hiniling na lang nya na ako ang magturo sa kanya. Wala na kasi akong gingawa sa mga oras na yon kaya ito ang ideyang pumasok sa isip ko para may mapaglibangan. Palubog na rin ang araw ng matapos ang kanyang ensayo, sakto ring dumating si Mrs. Duncan at ilang tagasilbi na may dala dalang pagkain. Lumakad naman paroon si Mattheus at sinunggab ang pagkain kakalagay lang sa mini table.

"Dahan dahan lang Mattheus hindi ka na ngumunguya sa pinaggagawa mo." natatawang pahayag ni Mrs. Duncan sa kanyang anak. Tumingin ito sa gawi ko at inanyayahan ring kumain.

----
Naalimpungatan ako sa ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto na tinutulugan ko. Masyadong maingay ang pagsasalita nito dahilan na napa upo ako't kinusot kusot ang mata. Napatingin naman ako sa orasan malapit sa akin at nalaman kong alas kwatro pa lang ng umaga. Siguro ang mga tagabantay ang mga nag iingay. Hindi ba nila alam na may natutulog at ayaw ng istorbo!

Kunot noo akong tumayo at inayos muna sarili bago lumakad sa pinto. Narinig ko pang may kinaka usap ito. Habang papalapit narinig ko ang pangalan ni mattheus, siguro sya ang kausap ng tagabantay na to. Hindi ba sila pwedeng mag usap sa ibang lugar at hindi sa harap ng kwarto ko!?

"Ang tagal yata ng bakasyon mo, namimiss ka na namin pre!"
"Ano bang pinagkaka abalahan mo rito't nagpaalam ka pa kay headmaster?"
"Mukha namang hindi ka busy! Tulog lang ata ang pakay mo Matt! HAHAHAHA"

"Sino ba ang tagabantay na to at hindi mapreno ang bibig sa kakasalita." inis kong sabi sa aking sarili.

Pabalya kong binuksan ang pintuan at taas kilay na tinignan si Mattheus at ang kasama nitong nahinto sa pagtawa. Gulat na gulat itong napatingin sa akin, sinuri pa ang kabuuan ko't tumingin kay Mattheus pabalik sa akin. Bago pa itong magsalita ulit, tinaas ko ang isang kamay ko para sabing tumigil.

"Too noisy. Can you shut up?" Mataray kong sabi rito.

"Bakit ba dito pa sa harap ng silid ko nag uusap ng tagabantay na to Mattheus, napaka ingay! Hindi nya ba alam na nakaka istorbo sya sa pagtulog!" bulyaw ko sa harap ni mattheus na gulat ding nakatingin sa akin.

"Ano? Ngayon hindi kayo nagsasalita gayong nagising nyo na ata lahat ng naninirahan dito!?" Pahabol kong sabi sa sobrang inis.

Medyo napa atras ang dalawa sa sunod sunod na bulyaw ko sa kanila. Masyado yatang napalakas ang pagsalita ko kaya hindi na nakapagsalita ang dalawa.

"Tagabantay? Ako? Isa akong tagabantay? Hindi mo ba ko kilala?" biglaang sabi ng kasama ni mattheus.

"Dapat ba kitang kilalanin?" taas noo ko pa ring sagot dito.

"Mattheus tinawag nya kong tagabantay! Is she crazy? Hindi nya ba kilala ang pinakamakisig na royalty sa buong Kouzla?" Pahayag nya kay mattheus.

Hindi na ito pinansin ni Mattheus at tumingin sa akin. "Paumanhin Alvah, maingay talaga itong kaibigan ko at hindi sya tagabantay." pagdiin nya sa huling sinabi nito na ikinangisi naman ng kasama nya. "Dumalaw lamang ito sa amin dahil nag uumpisa na ang klase at wala pa ko sa academy"

"Klase? Academy?" naguguluhan kong tanong kay Mattheus.

"Its a place where you can enhance your skill in magic at mag aral ng iba pang aralin patungkol sa mahika." pagpapaliwanag nya sa akin.

"Kagaya ni tatang?" tanong ko ulit.

"Yes, actually Dad is a former professor in school" sagot nito

"I see" patango tango kong sabi dito.

"I'll go now but please wag kayong mag usap sa harap ng kwarto ko." paalala ko sa kanila.

"Goodnight Ms! Ay Goodmorning pala" bati sa akin ng kasama ni Mattheus bago isarado ang pinto ng kwarto ko.

Mattheus POV

Nang makapasok na si Alvah sa kwarto hinila ko naman palayo ang kasama ko. Pumunta kami sa may dining area para dito na mag usap.

"Matt sino yun? May babae ka na!?" Tila gulat nitong tanong sa akin.

"Gago, hindi!" pasigaw kong sabi dito sabay batok sa ulo nito.

"Aray! Babaero ka pre! Akala ko ang gusto mo ay si E-v.." hindi na natuloy ang sasabihin nito ng batukan ko ulit sya. "Nakakadalawa ka na ah!"

"Parang babae umarte amp*ta" bulong ko sa aking sarili bago umalis sa harap nito.

"Narinig ko yun gag*" sigaw nito sa akin.
---
Nasa hapagkain kami ngayon para mag agahan kasama si Finn isa sa mga kaibigan kong royalty sa academy. Inaantay na lang namin bumaba si Mom na tinawag pa si Alvah sa kwarto nito. Nang makita naming pababa sila bigla na lang tumahimik ang kaibigan kong dumadaldal sa mga tagasilbi.

"Goodmorning" bati ni Finn kay Mom at Alvah pero si Mom lang ang bumati pabalik sa kanya. Diretsong naman umupo si Alvah sa tapat ko. May tagasilbi na ring naghahain kay Alvah at eto namang si Finn ay nakatingin lang sa kanila.

"Pwede ako rin?" parang bata nitong paki usap sa tagasilbing naghain kay Alvah. Namula naman ang mukha ng tagasilbi at hindi malaman ang gagawin. Taas kilay nman ang ginawa ni Alvah bago simulan kainin ang agahan nito.

Habang kumakain kami nagkukwentuhan sina Mom and Finn patungkol sa academy at iba pang bagay. Narinig ko pa ang pangalan ko sa pag uusap nila.

"Ano na sa tingin mo Alvah? Gusto mo bang sumama sa kanila? Para hindi lang dito ang mapuntahan mo." rinig kong tanong ni Mom.

"Okay, I'll go. Nagtuturo naman noon si tatang di ba? Maybe I can give this book he wrote para makatulong sa kanila" sagot ni Alvah kay Mom.

"Mattheus isama nyo na si Alvah sa academy, nalalapit na rin naman ang leveling di ba? I-enroll nyo na sya ah!" masiglang sabi ni Mom

"Okayy-what??" Gulat na sabi ko kay Mom.

"Oo nga pre! Ahm. Parang pamilyar yang pangalang Alvah, saan ko ba narinig yan?" tanong ni Finn sa kanyang sarili habang hawak ang baba nito't nag iisip.

Napatingin naman kami kay Finn at hinihintay syang magsalita. Akala ko hindi nya na mapapansin dahil sobrang busy kakakwento sa mga nangyayari sa academy.

"Ahm. Ikaw ba si ano-ahm sino ano" hindi matuloy tuloy nitong tanong kay Alvah.

Kunot noo naman akong tinignan ni Alvah bago ibalik ang tingin nito kay Finn.

"Ahm. Sya ba Matt? Sya ba si ano.ahm yung ano" hindi nya pa rin matulou ang tanong nito.

"Yes Finn. She's Lady Alvah galing sya sa isla na yon" pagkumpirma ko sa kanya na ikinamutla ng mukha nito.

"Lady A-Alvah! Im Finn M-oreau, I'm glad to s-see you here in Kouzla." Pautal utal at pormal nitong pagpapakilala kay Alvah.

'Now what? Is this the right thing to do? Ang makasalamuha ang iba kay Alvah? I'm kinda scared hindi para sa iba kundi para sa kanya'

Island of AlvanahWhere stories live. Discover now