Chapter 10 - Criticism

611 101 14
                                    

Alvah's POV

Pagpasok namin sa cafeteria bumungad sa akin ang maingay at magulong tanawin. Mga estudyanteng nakikipagtagisan ng mahika, mga grupong nagtatawanan, nagtatakbuhan ang ilan pero may iba rin akong nakikita na tahimik lang na kumain sa tabi.

"Ganito ba rito Mattheus?" takang tanong ko rito.

"Hindi naman" maikli nyang sagot na nakakunot pa ang noo.

Habang naglalakad kami, may iilan napahinto, napatingin at umiiwas sa amin. Nakakailang man pero diretsong tingin lang ang ipinukol ko sa kanila.

"Matt, hanap na kayo ng mauupuan ako na ang mag oorder" rinig kong sabi ni Finn sa unahan.

"Sige" sagot ni Mattheus bago ako hilahin sa pinakadulong bahagi ng cafeteria. Napa irap na lang ako sa kawalan dahil sa ginawa nito. Bigla kasing tumahimik ang mga estudyante at nakatingin sa aming dalawa ni Mattheus. Ano bang problema ng mga to! Kanina pa sila ah!

"Bakit ganyan sila makatingin sa akin, may dumi ba ako sa mukha?" inis na tanong ko sa kanya.

Tumingin ito sa mga estudyanteng malapit sa amin at nagsi-iwas naman ito ng tingin bago tumingin sa akin.

"Wala, wag mo na lang silang pansinin" sabi nito.

Maya maya pa ay dumating na rin si Finn kasama ang isang tagasilbi base sa uniporme nito hawak hawak ang ibinili nyang pagkain. Mabuti na lang at nag order rin ito ng tsaa dahil isa ito sa mga paborito kong inumin.

"Finn, Matt andito na pala kayo" masiglang bati ng isang blonde na babae.

"Malamang! Kita mo nga e!"bulong ni Finn

"May binubulong ka ba dyan Finn?" inosenteng tanong nito pero batid kong narinig nya ang binulong nito.

"WALA AH" sagot nito sabay kuha ng tinapay at kinain.

"Patay gutom ka pa rin as always!" sabi nito sabay upo sa pwesto namin. May mga kasama rin itong dalawang babae at isang lalake na tumatawa lang sa nakikita nya.

"Grabee ka Matt, pasukan na pero nasa bakasyon ka pa rin. Buti naman naisipan mo nang bumalik" sabi ng blue haired guy na katabi ni Finn. Walang imik namang itong sinagot ni Mattheus habang sumisimsim ng kape.

"Who is she?" tanong ng nakasalaming babae kila Matt. Hindi naman ako kumibo dahil ayokong pangunahan sila Mattheus at Finn atsaka hindi ko naman kilala ang mga ito kaya hahayaan ko na lang silang magsalita.

Kukuhain ko sana ang tsaa-ng nasa harapan ko ng bigla na lang ako akbayan ni Finn. "PINSAN KO" malakas nitong sabi sa kanila. Sinamaan ko naman itong tinignan bago alisin ang braso nito sa akin

"PINSAN?" pasigaw na tanong ng blonde na babae.

"Yes, may problema ba don Massey?" -Mattheus

"Na-shook ako don ah! Hindi ka kasi palakwento kaya nagulat lang ME! Hehehe" pagpapaliwanag nya.

"Us" pagsabat naman ng nakasalaming babae habang nagbabasa.

"So, anong pangalan mo?" mahinhing tanong ng isa pang babae.

"Alvah" maikli kong sagot sa kanya.

"How old are you Alvah?" nakangiting tanong ng blonde na babae.

"17" maikli ko pa ring sagot.

"Whattttt! Ang bata mo pa pla! My gosh we're too old na tlagaaa!" mahabang sabi nito sa amin.

"Nasa 20's pa lang tayo! Ikaw lang ang matanda dito!" sabat ni Finn habng nanguya pa ng pagkain.

"Epal as always" mataray na sabi nito.
"I'm Massey Murray nga pala! Etong nakasalamin si Paige Walcott, the blue haired guy is Stephen Orr at eto naman si Evalyn Norwood" pagpapakilala nya sa mga kasama.

"Do you always prefer hiding your face or what?"curious na tanong ni Stephen. Kunot noo ko naman syang tinignan until I realized na hindi ko pala naialis ang takip ko sa mukha!

Kaya yata ako pinagtitingin kanina dahil nawiwirduhan sila sa itsura ko! Argg Kainis! Hindi man lang sinabi ng dalawang ugok!

"Oh! I didn't meant to hide my face, nakalimutan ko lang alisin." sagot ko rito sabay alis ng tela sa mukha ko pati ang hood sa coat. Mata lang kasi ang nakikita sa akin. Dahil din sa hood ng coat kaya natakpan rin ang noo ko.

"Gorgeous" pabulong na wika ni Stephen habang nakatingin sa akin. Ganon rin ang iba nyang kasama kaya tinaasan ko sila ng kilay para sabihing naiilang ako.

"Yieeee! Gondo mo naman bebe gurl!" malakas na sabi ni Massey sabay hawi ng puti kong buhok.

"Aba naman syempre. Moreau yata yan!" mayabang na saad ni Finn na tingin ko'y tapos na kumain. Napapailing na lang ang ilan dahil nagkakasagutan ang dalawa sa harapan namin. Itinuloy ko na lang ang pag inom ng tsaa ko habang pinagmamasdan silang mag usap.

Sila yata ang mga kasama nilang Royalties. Base sa aura nila at uniporme nilang suot. A black uniform and a silver brooch. Pansin kong may malapakpak ang brooch nila kumpara sa ibang estudyante. Patunay rin na royalties ang mga ito.

Nagulat naman ako ng biglang tumunog ang bell sa loob ng cafeteria, akala ko kung ano na ang nagyayari yun pala ay isa lamang announcement para sa mga estudyante. Mula sa gitnang parte ng cafeteria lumabas ang mala hologram na itsura ng isang lalake. Nakangiti itong bumati sa amin bago magsalita.

"Magandang tanghali students!!" bati nya sa amin na nagpasigaw ng ilang estudyante kasama na si Massey.

"Yay! Kuya ko yan!" masiglang sabi ni Massey habang sumasabay sa mga tili ng ilang babae.

"Today is Leveling right? 3pm is our scheduled time para rito but.." paghinto nya sabay ngisi sa amin. "we decided na ngayon na ito gawin!!" masiglang sabi nya na nagpatamihik ng lhat.

"Whaatttt! NOW as in now na talaga!??" gulat na tanong ni Massey.

"Yup kapatid! Hahah so, students see in auditorium" sabay nawala na lang ito ng parang bula!

"Omgggg! I'm soo excited!" tili ni Massey habang hinahampas si Stephen.

"Hindi naman tayo kasama dyan" sabat ni Finn

"So what?" mataray na sabi nito sabay tingin sa akin. "Tara na bebe gurl Alvah, sigurado akong sa elite ka mapupunta!" masya nitong sabi sabay hila sa akin patayo at palayo sa mga kasama nito.

"Waittt, antayin mo kamiii" huling sabi ni Finn bago nagmamadaling tumayo kasama na rin ang ilan para sundan kami.

'Now its time! Makakapasok na rin ako. Tatang wherever you are, tutupadin ko ang pangako kong mamumuhay ng normal'

Island of AlvanahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon