Chapter 3 - Battle of the Beasts

842 140 30
                                    


Dahil sa paghila sa akin ng comazotz, nadaplisan ako ng matutulis nitong kuko sa may balikat. Dahilan para mas lalong itong naging agresibo at maglaway sa kasabikang mainom ang dugo ko. I used my fire para mailayo saglit ang atensyon nito habang tumatakbo ako't nag-iisip ng paraan para matalo ito.

Nagtago muna ko sa isa sa mga puno para pakalmahin ang sarili. Kahit ilang beses kong isipin na dapat madaliin ang pagpatay sa mga beast hindi ko rin magawa dahil sobrang dami pa rin nila at patuloy pa rin sila sa pagpasok sa lagusan.

I heard a loud shriek not far away from me. Mukhang hinahanap pa rin ako ng comazotz. Umakyat ako sa puno at hinanda ko ang bow then I made an electric arrow at ipinatama sa kanya. When my electric arrow reach comazotz, binalot sya nito at hindi na nakagalaw. The comazotz will paralyzed in a minute kaya sunod ko syang pinapatama ng electric arrow dahilan para maglupasay ito sa sahig. After my last blow of electric arrow sumabog na ng tuluyan ang comzotz at nagkalat ang mga bahagi nito sa daan. Napaupo ako sa makapal na sanga para magpahinga, napadako naman ang tingin ko sa lagusan. Iniisip ko na kung nakapasok kami sa lagusan ni tatang hindi na ba ganito ang magiging buhay ko. Mararanasan ko na rin kaya ang mga kwento ni tatang noon. If it happens, will I be happier? Will I become free?

Napabalikwas naman ako sa ingay na narinig ko. I saw alpha chasing bonnacon along with his pack. Bonnacon likes to run away with his opponents but aside from that ito rin ang pinaka ayaw kong beast, I mean pinadidirihan kong beast. Why? They used their hot-sticky feces for defense kung sakaling naicorner sila ng kalaban. In short, yung poop nila ang panlaban nila if no choice para lang makawala. Grossss!! They are part of elemental of fire kaya kahit nakakadiri kailangan mo umiwas kung HINDI mamamatay kang na aagnas at MABAHO!!!

Kahit iniiwasan ko silang makalaban, no choice dahil kailangn na ng tulong pack ni alpha! I jump from this tree and I run as fast as I could para lang abutan ko ang leader ng bare road beast na kasalukuyang hinahabol ang pinakamalaking bonnacon. I think eto ang leader nila kaya pinatamaan ko na lang eto ng electric arrow kagaya ng ginawa ko sa comazotz. Natigilan naman ito at pinipilit pumiglas sa ginawa kong pagpulupot sa knya. Palapit pa lang ako at ang alpha sa kanya ngbigla na lang ito nakawala sa pagkakagapos! Oh shit!! Bigla na lang ako lumayo dala ng adrenaline rush na baka pasabugan kami ng nakakadiri nito panangga sa amin. Ayoko mamatay ng mabaho! Yan lang naiisip ko sa mga oras na to.

Nakalayo rin ako ng ilang kilometro sa kanya at sa pag aakalang magpapasabog sya ng nakakasulasok at nakakadiri nyang panangga e humarap ito sa amin ng umuusok ang ilong sa sobrang inis.

"Buti naman at hindi ka nagpasabog! Ayoko pang mamatay! At ayokong mamatay na amoy tae noh!" Sabay ngisi sa bonnacon. Lalo naman umusok ang ilong nito at nagpapadyak. This great bovine beast has a humped back and a
horse-like mane. Its tail is short and curled, as are its two horns.

Bigla nalang ito sumugod sa amin buti na lang at naharangan ito ni alpha at kinagat ang bonnacon sa may leeg. Kinuha ko ang sword at itinarak sa may ulohan nito. Umalulong ito sa sobrang sakit at binubunggo pa ang ulo nito sa pinakamalapit na puno. May ilan pa rin mga bare road beast ang sumusugod sa bonnacon na mas lalong nagwala at pinabangga na kung ano man ang nadadaan nito. Pinatataman ko rin ito ng electric arrow pero nakawala parin sya sa paggapos, ilang segundo pagkatapos tamaan at balutan ng electric power ko.

Hindi ko na namalayan na malapit na pala ako sa lagusan. Napadako ang tingin ko dito, bigla na lang ako kinabahan at nagkakagulo gulo ang isip ko sa kung ano ang uunahin. Napabalik naman ako realidad ng lumapit at isiniksik ng alpha ang ulo nito sa may bewang sabay tingin sa akin at sa lagusan. Hindi ko alam pero para akong naiiyak na ewan, nagpapa-ubaya na ba syang pumasok ako o pinipigilan nya lang ako sa kung anong gusto ko.

"..alpha" eto na lang nasabi ko sa kabila ng lahat. Dahil sila na ang nag-alaga sa akin simula ng mawala si tatang at sila rin ang gumabay sa akin sa pag eensayo at pagprotekta sa isla na to. Magsasalita na sana ulit ako ng maramdaman kong may masakit sa tagiliran ko. Natamaan na pala ako ng bonnacon, lumingon ako rito at nakita ang dugo ko sa may sungay nito. Hirap man akong kumilos, itinutok ko ang bow ko rito at pinatama gamit ang light arrow. Pagkatama rito, bigla na ring lumiwanag ang arrow na unti unting nagpapalusaw sa bonnacon ng pagtalikod nito ay umambang magpapalabas ng nakakasulasok nitong feces/poop kasabay ng pagtalon at pag iwas ko rito ay ang pagpasok ko sa lagusan. Nanlalaki ang mata kong tinignan ang alpha at ilan sa pack nito na patuloy ang pagtakbo patungo sa akin and everything went black.

--
A/N
Yay! Sorry sa mga grammatical errors! Feel free to comment and correct me! Thanks!

Island of AlvanahWo Geschichten leben. Entdecke jetzt