Chapter 11 - Leveling

623 89 16
                                    

Alvah's POV

Napatingin naman ako sa huling nagsalita. Ako lampa? Tignan natin.

Lalapit sana ko rito para hamunin nang may humablot sa akin. Nakita ko si Mattheus hawak hawak ang kamay kong nakakuyom dahil sa inis. Pinanlakihan ko sya ng mata para iparating na bumitaw ito o sya ang susugurin ko. Kanina pa ako nagtitimpi ng galit! Hindi naman sya nagpatinag sa tingin ko dahil hinila ako nito palapit sa kanya. Isinaklob nito ang isang kamay sa balikat ko. Para tuloy syang nakaakbay sa akin pero HINDI. Pinipigilan lang ako nitong lumapit sa nagmaliit sa akin. Tumikhim ang ilang estudyante sa ikinilos ni Mattheus. Napatulala rin ang Royalties na nakatingin sa amin.

"Tara, mag uumpisa na ang leveling" walang pake nitong sabi sa akin. Nauna na kaming maglakad sa iba na tulala pa rin.

---
Sampong minuto pa lang ang lumilipas pero hindi pa nag uumpisa ang leveling. Inaantay pa ang ilang mga professors at ang Headmaster ng school bago magsimula. Ganon rin ang kamay ni Mattheus sa balikat ko!! Inis na inis ko naman itong tinignan. Wala pa rin kasing tigil ang mga estudyanteng bumubulong patungkol sa akin. Hindi ba alam ni Mattheus na sya ang nagpalala ng inis ko?

"Welcome students! Today is your day! Ngayon ang araw na malalaman nyo kung nag improve ba kayo o hindi sa pag ensayo ng sarili nyong magic. Mag eexcel ba kayo sa ranking or not?" bati ng isang professor sa gitna ng field. Inalis na rin ni Mattheus ang kamay nito sa akin, hindi ko na lang din pinansin ang mga estudyante dahil nakatuon na ang tingin ko sa gitna.

"Before we start the leveling ipaalala ko lang ulit na paramihan kayo ng mapapatay na beast. Again these beast are only illusions, kaya safe ang paglaban nyo. Pero huwag kayo magpakampante dahil makakaramdam pa rin kayo ng sakit, magkakaroon pa rin kayo ng mga sugat kung masasaktan o matatalo kayo ng beast. You only have five minutes para patunayan ang sarili nyo.Don't worry nakaabang ang mga healers natin in case of emergency. Now let the leveling begin!!" masiglang sigaw nito bago umalis sa gitna ng field. Dumiretso ang professor sa isang maliit na entablado at bumigkas ng isang chant. She's an illusionist.

Pagkatapos nya magchant lumabas ang isang daang beast sa gitna ng field. Pero ang mas pinagtuunan ko ng pansin ay ang nag iisang beast na parang walang ganang tumingin sa paligid, its Erymanthian Boar.

'This beast looks familiar.' yan ang lagi kong sinabi sa sarili ko habang nanonood sa mga estudyanteng nakakalaban ng beast. Maliban doon, hindi nila naabot ang 'Erymanthian Boar' dahil sa konting oras na nakalaan sa kanila. Napapansin kong ito ang gusto nilang puntiryahin, ito siguro ang pinakamalakas na beast kaya ganon ang kilos ng ilang estudyante.

Novice students pa lang ang mga lumalaban sa leveling pero mabilis itong natapos dahil ang ilan sa knila ay mabilis napupuntirya ng mga beast.

Ang mga elite students naman ngayon ang lumalaban. Nasa lagpas kalahati na siguro ang bilang nila at patapos na rin ang leveling. Kailan kaya ako tatawagin?

Naiinip ko na lang pinanuod ang mga sumasabak na estudyante. Nagugutom na rin ako sa sobrang tagal naming nakaupo. Mga limang oras na siguro akong ganito. Tinignan ko naman ang mga kasama kong royalties, ang ilan sa kanila ay tulog na, sina Finn, Massey at Stephen. Hindi na siguro nila nakaya ang panonood. Habang si Paige ay nakatutok na lang sa binabasa nitong libro, napatingin na rin ako kay Evalyn na tutok pa rin sa panonood. Bigla na lang ito lumingon sa akin na ikinagulat ko, ngumiti lang ito saglit at tumingin ulit sa mga nagleleveling. Habang si Mattheus na nasa tabi ko ay nakatutok rin sa laban. Hindi ko napigilang humikab sa harapan nito, gulat naman itong napatingin sa akin.

"Are you tired?" tanong nito sa akin.

"Not yet. I'm just bored. Hindi ko alam na ganito pala katagal ang leveling." sabi ko rito. Tango lang ang sagot nito sabay kuha ng biscuit at inumin na hawak ng natutulog na si Finn. Hindi pa naman ito nabubuksan pero ibibigay nya sa akin. Taas kilay ko lang itong sinagot.

"Here, eat. Tulog naman si Finn. Matagal pa bago ka tawagin." paliwanag nito. Dahil sa gutom tinanggap ko na rin ito at kinain.

But I saw Evalyn looking at us. I saw sadness and pain in her eyes bago ngumiti sa akin at pinanood ulit ang laban. Hindi ko na lang ito pinansin dahil bigla na lang nagsusumigaw ang mga estudyante. Nagising na rin si Finn, Massey at Stephen. May grupo ng limang elite students kasi ang tumayo at puwesto malapit sa gitna ng field.

As I can see mga Class S Elite ang limang estudyante. Kung kanina ay parang walang gana ang panonood ng ilan pero nabuhayan sila ng makita ang limang estudyante. Todo sigaw at tili ang mga estudyante sa loob ng auditorium. Sila siguro ang pinaka aantay ng lahat.

Third person's POV

"Elite S, Ms. Cassidy Fawzi." tawag ng proffesor. Unang pumasok ang curly haired na babae. Kumaway kaway pa ito sa lahat bago tumapak sa gitna. "Timer starts NOW" pagkatapos sabihin ng professor inilabas nito ang kanyang sandata.

Her weapon is mace, a typical club with metal head and spikes. Kahit maliit ang kanyang pangangatawan nagawa nya muna iwasiwas ang weapon nito bago sumugod sa mga beast. Una nyang pinuntirya ang mga maliliit na beast na pumipigil sa kanyang daraan. Hindi rin nakaligtas sa paningin nito ang beast na nagbubuga ng apoy. She use her strength para maka iwas at nagpalindol para wala sa focus ang ilang beast sa kanya. Cassidy has an ability to use earth, everything about the nature ay kaya nyang manipulahin. Pagkatapos ng paglindol, gumawa naman sya ng baging na may lason para maipulopot sa mga ito. Patuloy pa rin sya sa paglaban hanggang sa nasa harap na sya ng 'erymanthian boar' ang pinakahuling beast na kakalabanin nito. Malaki kasi ang magiging puntos nito kung masusugatan o mapupuruhan ang beast.

Tinignan nya muna ang oras kung ilang minuto na ang nasayang bago mapunta sa huling beasts.

3:05.55

"Gosh less than two minutes na lang!" tarantang sabi nito bago patakbong sinugod ang beast.

Gumawa ulit sya ng baging para mahuli ito pero puro iwas lang ang ginagawa ng beast. Now, she levitate the rocks surrounds her at sabay sabay nya itong inihagis sa beast. Mga daplis lang ang nakuha nito dahilan para mapahinto ang beast. Ang akala nya susugod ito kaya iniwasiwas nya ang kanyang weapon pero bago pa ito tumama sa beast bigla na lang ito naglaho kasabay ng pagtunog ng timer na syang ikinadismaya nito.

Island of AlvanahOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz