Chapter 9 - Kouzla Academy

620 110 15
                                    

Mattheus POV

Halos magtatatlong oras din ang nilakbay namin papunta sa academy. Hindi na rin namin maka usap ng maayos si Alvah dahil sa pagkamangha nya sa mga lugar ng Kouzla. Kung kanina ay nagniningning ang mga mata nito sa sobrang aliwalas ng paligid pero ngayong nasa academy kami ay nakakunot na ang noo nito sa iilang estudyante nakakasalubong namin.

Bumabati ang ilan pero hindi nila maiwasan titigan ang kasama namin. Taas kilay naman itong sinasagot ni Alvah kaya ang ilan sa mga estudyante ay umiiwas na lang o di kaya'y lakad-takbo na ang gingawa.

"Okay ka lang L-.. Alvah?" rinig kong tanong ni Finn.

"Oo, wala namang problema" sagot nito habang mariin nakatitig sa iilang estudyante malapit sa amin.

"Halata nga" bulong ni Finn sa akin. Pinanlakihan ko lang ito ng mata para sabihing tumahimik kung ayaw nya ng gulo.

Dumiretso kami sa opisina ng Headmaster para maienroll si Alvah. Mabuti na lang at hinanda na ni Mom ang mga documents na kakailanganin nito. Kumatok muna ako bago buksan ang pinto ng Headmaster. Bumungad sa amin ang nakaupong Headmaster habang abala sa pagpipirma ng ilang papeles.

"Magandang umaga Headmaster Rafferty"bati namin ni Finn.

"Maupo kayo" walang lingon nitong sambit sa amin.

"Headmaster eto pala ang mga dokumento ni Alvah." biglaang sabi ko na nagpaangat ng ulo ni Headmaster.

"Ah. sya pala ang inindorso ni Adara" sabi nito habang nakatingin kay Alvah.

"Ikinagagalak kitang makilala Alvah" bati ni Headmaster. "Saang pamilya ka ba nabibilang?" sunod na sabi nito na ikinatahimik namin lahat.

Kunot noo namang tumingin dito si Alvah. Shit! San nga ba sya nabibilang?

"Alvah Moreau ang buong pangalan ko" sagot nito habang nakatingin ng mariin kay Headmaster. Moreau!!? Tumingin naman ako kay Finn na gulat din sa narinig.

"Moreau?Kaano ano mo si Finn?" dagdag tanong ni Headmaster.

"Pinsan" maikli nitong sagot.

"PINSAN? PINSAN KITA??" biglaang sabi ni Finn. Tinaasan naman ito ng kilay ni Alvah.

"ahm. TAMA PO SYA HEADMASTER! PINSAN KO PO SYA! PINSAN KO PO SYA!" pasigaw nyang paliwanag kay Headmaster.

"Oo Finn, nasabi ko na. Hindi mo na kailangan ulitin." dagdag sabi ni Alvah habang umiirap pa kay Finn.

"Bakit hindi ang pamilya mo ang nagindorso sa kanya Finn?" tanong ni Headmaster

"Ahh ee. Ahm." -mattheus
"Masyadong abala ang pamilya ni Finn kaya kay Mom na lang sya nagpa endorse Headmaster." sagot ko na lang rito.

"Ganon ba. Mamaya na ang leveling ng mga studyante kaya doon malalaman kung saang guild sya nabibilang." huling sabi nito sa amin.

"Salamat Headmaster Rafferty. Mauuna na po kami." paalam namin rito bago lumabas sa opisina nya.

Alvah's POV

Nang makalayo kami sa opisina ng Headmaster ipinaliwanag ko sa kanila kung bakit Moreau ang ipinaapelyido sa akin. Ideya ito ni Mrs. Duncan nung itinanong nya kung ano ang buong pangalan ko. Alvah lang naman ang ibinigay sa aking pangalan ni tatang. Wala rin akong ideya kung meron ba kong pamilya, tinanong ko nga kay Mrs. Duncan kung may alam sya tungkol sa pagkatao ko pero ang sagot lang nito ay kung binasa ko na ba ang libro. Iling lang ang sinagot ko rito dahil wala pa kong lakas ng loob basahin ang mga nakasulat doon.

"Ano ano nga pala ang Guild na sinasabi nya?" tanong ko sa kanila.

"May tatlong guild ang meron sa school, una ay ang Novice ito yung mga students na hindi pa sanay sa pagkontrol ng ability nila o mga beginner pa lang. Pangalawa ay ang Elites, sila ang mga sanay na at mas hasa na sa paggamit ng ability kumpara sa mga novice. Panghuli ay ang mga Royalties sila ay mga studyanteng hasa at masteries ng ability na ang pinag aaralan. Pili lang din ang napupunta rito, madalas ay kailangan mo muna matapos pag aralan ang level ng elites bago pumunta rito." mahabang paliwanag sa akin ni Mattheus.

"Saan guild kayo nabibilang?" tanong ko rito.

"Royalties na kami" mayabang na pahayag ni Finn. "Isang requirement din kasi na dapat 20 yrs old kana para mapunta rito. Madalas na kami ang binibigyan ng mabigat na misyon kumpara sa mga elites. Kaya dalawa lang ang pwede mong mapuntahan its either novice o elite" dagdag paliwanag nya rito.

"Bukod pa roon may level pa rin kapag napunta ka sa isang guild. Nakikita mo ba ang isang estudyante na yon?" Turo nya sa lalaking nagbabasa ng libro "Pansin mo yung 'brooch' na nakasabit sa kaliwa nya? Yun ang simbolo ng paaralan. Kapag bronze brooch ibig sabihin isa syang beta, silver brooch ay alpha at gold nman kapag superior. Ito rin kasi ang patunay kung nag iimprove ba ang mga estudyante ng paaralan." dagdag paliwanag ni Finn.

"Kaya kahit Royalty na kami ni Matt ay nasa Alpha stage pa lang ang level namin" pahabol na sabi nito bago magyaya pumunta sa sinasabi nyang cafeteria.

'Anong guild kaya ko mapupunta?'

Island of AlvanahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon