Entry #3

125 1 0
                                    

P U N I T N A L I T R A T O
~•~

Lumabas ako kanina at tinapon ang basura ng kinakain ko dahil nasa labas ang basurahan namin. Habang nakatingin sa mga puno sa harapan at binubuksan ang chichiryang hawak ko at napansin kong may tinapon ang kaklase ko.

Napaligon ako sakanya ng pumasok na ulit siya. Binuksan ko ulit ang basurahan at itatapon na sana ang napunit na parte ng chichirya, sa parteng saan ko binuksan ng mapansin ko ang isang papel na punit punit.

Magkakasama pa ito at di pa masyadong napailalim ang ilang piraso. Napalingon ako sa likuran at hindi naman sila nakatingin. Bago ko itinapon ang basura ko ay ibinulsa ko ang basurang iyun.

Pagkauwi ko ng bahay ay agad kong nilabas ang papel na punit punit kanina. Kinuha ko ang notebook ko sa may drawer at ang glue na katabi ne'to.

Ilang minuto lang ay natapos na ako sa pagdikit ng mga punit punit na larawan sa notebook ko at nalamang ex ito na kaklase ko na kakabreak lang kanina.

Ini-scan ko naman ang notebook ko at nakita ang iilang picture na pinunit na nakita ko. Lahat sila ay ex ng mga kakilala ko o kaibigan ko.

Gusto ko kasing ipakita sa kanila na worth it sila at ang mga taong ito ang sumayang sa kanila. Sumayang sa mga taong wala akong ibang hangad kundi sumaya. Ang mga taong sinayang ng mga taong hindi nakikita ang halaga nila.

■■■■■■■■■■

SADNESS: A Compilation of short sad storiesWhere stories live. Discover now