Entry #17

38 1 0
                                    

I M A H E
~•~

Bunso tapos ko ng gamitin computer mo.” sabi niya ni kuya na kakalabas lang ng kwarto ko.

“Sige po kuya.” sagot ko pabalik.

“Ba't di mo pa tinatanggal ang mga yun?” biglaang tanong niya kaya napalingon ako.

“Buburahin ko pa lang sana kanina kaso ginamit mo yung computer.” sagot ko at tumayo.

Pumasok ako ng kwarto at sinarhan si kuya ng pinto. Napasandig ako sa pintuan at napabuntong hininga.

Tumingin ako sa computer at nakitang nakabukas pa ito.

Lumapit ako dun at umupo sa harapan nun. Binuksan ko yung library at binuksan ang documents.

Unang bumungad sa akin ang isang folder na may nakasulat na “My happy pill” napahinga ako ng malalim at binuksan ito.

Bumungad sa akin lahat ng litrato niyang pinagsesend niya sa akin noon. Napangiti ako habang nakatingin isa-isa sa mga litrato niya hanggang napadpad ako sa pinakahuling litrato.

Nag-iisa lang ito pero... Ang daming feelings na namuo sa iisang larawan lang na ito.

Andun yung saya kasi yun yung una naming pagkikita at unan naming larawan na magkasama, lungkot at sakit kasi... Yun na din pala ang huling MAY KAMI.

Wala eh, pag ayaw na sayo, pag sinukuan kana. Ipagpapalit ka talaga. Wala ka namang pagkukulang pero kung wala na talaga, walang wala na.

Ipinagpalit kana eh, naghanap na ng iba.

Kahit masakit, kung saan siya mas sasaya dun nalang ako. Wala na din namang kwenta kun ipaglalaban ko pa yung taong matagal na pala akong sinukuan.

Wala na ding silbing paglaanan ng pansin yung taong binalewala kana.

Atleast, naging masaya ako sa huli naming pagsasama. Kahit ang sakit ng naging kapalit nun.

Totoo pala no, na kapag sobrang saya mo, sobra din yung kapalit na sakit.

Sobrang sakit na hanggang ngayon nasasaktan parin ako.

Masakit man gawin pero pinilit kong pindutin yung delete.

No files found.

Yan nalang yung nakalagay. Sa wakas self, nagawa mo ng itapon yung nag-iisang bagay na nakakapagpaalala sakanya. Proud ako sayo. Kahit nasasaktan ka.

Kung saan sasaya yung tao masaya niyo, dun nalang din kayo. Kahit masakit. Wala na din naman na tayong magagawa eh. Di natin nadidiktahan puso ng isa tao na mahalin tayo.

~•~

SADNESS: A Compilation of short sad storiesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora