Entry #5

84 1 0
                                    

I'M FINE (save me)
~•~

Babala: Typographical errors ahead, read for your own risk.

---------

He was there when I needed help.

"Brina!" Napalingon naman ako ng marinig na may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Andrew na hinihingal na nakatayo sa gilid ko, "Nalaman mo na ba?" Tanong niya at umupo sa tabi ko.

Tumango ako at pinunasan ang luha ko, my boyfriend cheated on me, and he's the only one who comforted me that time.

--------

"Brina mukhang mabigat bag mo, ako na magbubuhat." Sabi niya at hinablot ang bag ko. Napatulala nalang ako habang naglalakad siya palayo dala ang bag ko.

Sabagay, mabigat nga talaga yun dahil sa mga libro.

-------

"Brina, alam kong di ka magaling sa math. Tulungan na kita." Sabi niya at inagaw ang notebook ko na may assignment namin sa math. Aangal pa sana ako kaso nasimulan na niyang sagutan. Nanood nalang ako kung pa'no niya sagutan yun.

-------

"Brina, kaya mo bang tumulong? Maalikabok dun, may hika ka pa naman." Sabi niya habang may dala dalang mop, pinaglinis kami ng library buong section dahil sa nagawa namin nung nakaraan punishment namin 'to.

Hinablot niya bigla ang dala kong balde kaya napatingin ako sa kanya.

"Ako na magi-excuse sayo, dyan ka nalang sa room." Sabi niya at ginulo buhok ko bago umalis.

But I wasn't there when he needed help.

"Brina..." tawag niya sa akin kaya napalingon ako, "Pwede mo ba akong tulungan sa isang bagay?" Malumanay niyang tanong.

He seemed odd, sobrang tamlay niya di ko alam kung bakit.

"Naku Andrew sorry, may gagawin pa ako. Next time nalang siguro." Sagot ko at agad agad na umalis dala ang bag ko.

He just smiled at me before I left him there, standing.

Days passed, walang Andrew ang nagpakita sa akin. Baka nagkasakit lang siya? Yeah, may sakit lang siguro.

I thought, until one day...

"Brina, narinig mo na ba?" Bungad sa akin ng kaklase ko.

"Ang alin?" Tanong ko habang nakapokus ang tingin sa daan.

"Andrew's gone." Sabi niya na nagpatigil sa akin. Anong Andrew's gone?

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"He's dead. He committed suicide last week." Pahabol niya, "Alam kong masakit para sayo 'to lalo na't close kayo. Wala ba siyang naikwento sayo?" Tanong niya. Di ko siya sinagot at agad na tumakbo papuntang classroom.

Pagkadating ko dun ay halos lahat sila sobrang tahimik, napatingin sila sa akin na parang naaawa.

Hindi ko sila pinansin at agad na hinanap ang upuan ni Andrew. Nang makita ko na 'to ay agad akong pumunta dun.

Nakita ko siyang may sinusulat sa maliit na papel nung nakaraan habang umiiyak.

Chineck ko ang ilalim ng desk niya and there I saw a ¼piece of bondpaper.

Kinuha ko ito at halos mapaiyak sa nabasa.

The paper was full of scribbled words. Save me covered with the I'm fine.

Di masyadong natatabunan yung save me kaya nabasa ko agad.

I was the only one who was there when he needed help, but I didn't bother helping him. Kung tinulungan ko siya nung araw na yun maybe Andrew's still here. But I didn't bother helping him instead meeting my up with my cheater ex-boyfriend.

Napansin kong may nakasulat sa likod ng papel.

"I love you, Brina."

He was abused by his parents, and I was his only salvation. But I didn't save him.

PicCtto.

SADNESS: A Compilation of short sad storiesWhere stories live. Discover now