Entry #4

98 2 0
                                    

U N T I T L E D
~•~

A

ng sabi mo takot kang mawala ako sa buhay mo?
Takot kang iwan kita.
Takot kang mawala pagmamahal ko sayo.

Pero bakit... Bakit ikaw mismo ang nawala? Bakit ikaw mismo ang nang-iwan? Bakit ikaw mismo ang nawalan ng pagmamahal?

Akala ko ba tayo parin hanggang sa huli? Bakit nauna kang sumuko.

"Mahal kita Shane pero hindi ko na kaya." Ang sabi mo. Di mo ba alam na masakit? Di mo ba alam?

"Bakit? Anong nagawa kong mali?" Naiiyak kong tanong pero iniwas mo lang ang tingin mo. "Ginawa ko naman ang lahat para hindi mo ako iwan, saan ako nagkulang? Bakit?"

"Sorry Shane, it's not you, it's me. Ako ang nagkulang. Masyado akong naging kampante sa iisiping lahat ng kamalian ko eh mapapatawad mo parin ako. Naging kampante akong mahal mo'ko. Nasasaktan na kita ng sobra Shane. Mahal kita pero ayaw na kitang masaktan. That's why I'm breaking up with you." Sabi mo.

"Pero nasasaktan mo din ako dito!
Hindi lang naman lahat ng nagawa mo ang masakit pati din naman ito! Nakikipaghiwalay ka dahil ayaw mo'kong masaktan pero tangina masakit din 'to!" Sigaw ko habang naiiyak.

Nahihirapan na akong huminga sa sobrang sakit.

"I'm sorry." Tanging sabi mo at umalis sa harapan ko.
Sobrang sakit na makitang yung lalaking sinabing matatakot siya pag nawala ako ang siyang mismong nawala, ang nagsabing takot iwan ko ang unang nang-iwan, ang takot mawalan ako ng pagmamahal ang siyang unang nawala ang pagmamahal.

Ginawa ko lahat, ginawa ko lahat ng katangahan para hindi niya ako iwan pero siya parin ang unang sumuko. Nagsayang ako ng luha sayo nun.

PRESENT DAY

"Okay kana ba? Ilang taon kang nawala dahil lng dun, napansin kong namayat ka." Sabi ng bestfriend ko, "Ano bang pinaggagawa mo sa loob
ng isang taon?"

"Iniyak lahat ng sakit, nilabanan lahat ng alaala, kinalimutan ang nakaraan." Sabi ko at kumain ulit ng ice cream." Regarding sa pamamayat ko, dahil siguro sa hindi pagkain ng maayos." Kibit balikat kong sagot.

"Sigurado ka bang ayos kana? Baka naman..." Pagputol niya sa sinasabi niya. Tiningnan ko naman siya at nakita ko ang awa sa mata niya.

Napangiti naman ako, "Okay na ako, magkita pa kami ngayon eh HAHAHA." Malakas kong tawa at susubo na ulit ng ice cream ng biglang may nagdalita sa likod ko.

"Shane?" Sabi niya.

Napalingon naman ako habang subo-subo ang kutsara. Nanlaki naman ang mata ko ng makita siyang nakatayo sa likod ko.

Biglang sumakit ang puso ko pero agad ding napalitan ng galit. Galit dahil sa mga kasinungalingan sinabi niya sa akin, natatakot my fucking ass.

"Ilang taon din tayong hindi nagkita. Kamusta ka?" Tanong niya. Hindi ko siya sinagot at nanatiling nakatingin sa babae na kasama niya. "Ah girlfriend ko nga pala."

"Girlfriend mo? Akala ko factory ng harina. Naubusan kana ba ng harina sa bahay niyo't naisipan mong jowain nalang yung may-ari ng factory ng harina? Ugh pathetic." Sagot at bumalik sa pagkain ulit.

"Alam kong galit ka parin sa akin kaya sorry." Sabi niya. Napatingin naman ulit ako sakanya at tinaasan siya ng kilay.

"Tanggap ko namang iniwan mo'ko dahil sumuko kang depungal ka, okay lang di naman masakit yun. Pero hindi ko matatanggap na ipinagpalit mo'ko sa surot na mukhang nakakain ng harina. Bago mo kako? Ba't mukhang pinaglumaan na? Nawala naba taste bud mo Jake? Amporkchop mo naman. Nakakasakit ah, nang-iwan ka ng isang dyosa tapos ipagpapalit mo lang ako sa isang impaktong surot? What a shame Jake, wHat a sHaMe!" Sigaw ko kaya nagtingan ang mga tao sa amin.

Pulang-pula na ang mukha ng surot sa gilid niya kaya palihim akong napangisi. Sasampalin niya sana ako ng bigla akong magsalita.

"Subukan mo'kong sampalin, tatagilid yang peke mong ilong... Bakla." Sabi ko. Napalayo naman siya habang nakatakip sa ilong niya.

"B-bakla? Bakla ka?!" Sigaw ni Jake sakanya. Tanga talaga amporkchop.

"N-no babe, hindi totoo yun. Ilong ko lang yung hindi totoo maniwala ka babae ako, hawakan mo pa oh!" Hinablot niya naman ang kamay ni Jake at nilagay sa dibdib niya at dun sa baba, "BABAE AKO BABE!"

Naiiyak na yung babae dahil sa nangyayare. Napangiwi naman ako at agad na hinabloy ang bag ko ang tumayo. Nawalan na ako ng gana.

"Bagay nga kayo, parehong tanga." Napapailing kong sabi.

Agad naman akong umalis at iniwan sila doon na nagkakagulo. Luhh wala akong kasalanan. Sinabihan ko lang siyang bakla dahil mukha naman talaga siyang bakal, di ko naman alam na kakagat yung tangang Ex ko, bahala silang magsama. Pareho naman silang mukhang surot.

Nakaka-stress, mY gHaD CasSiE!

■■■■■■■■■

SADNESS: A Compilation of short sad storiesWhere stories live. Discover now